66:

2 0 0
                                    

66. Marrying Seviro was successful. Narito na ako ngayon, nananatili sa pamamahay niya dahil iyon ang gusto niya. Matapos mangyari ang press conference ay lalong naging matunog ang pangalan ko.

Hindi dahil sa sikat ako pero dahil maraming naiinggit sa kung paanong nagbago ang takbo ng buhay ko.

Ang isang ‘di hamak na mahirap daw ay walang kahirap-hirap na nakahatak ng isang mayamang artista. Gold digger kumbaga.

Pero kung pera lang naman ang pag-uusapan, tiyak akong mas mayaman pa ako sa lalaking ‘to.

Hinawakan ko ang tiyan nang makaramdam ng hilo. Nagpaparamdam nanaman ang batang nasa sinapupunan ko. Kahit na hindi ko gusto ang ama ng anak ko na si Xav, tatanggapin ko ang batang ito at pananagutan ko nang buo kahit na ako lang mag-isa.

“Do you know who is she?” Kuryos kong tanong kay manang habang nakatingin sa babaeng katabi ni Seviro sa painting kasama ang mga magulang niya.

Pero hindi pa man ako nito nasasagot ay nagkaroon ng putukan sa labas. Nagulat ako nang makita ang mga taong naka-itim bitbit ang iba’t ibang klase ng kanilang armás. Namatay ang mga ilaw kaya naging malabo ang paningin ko pero nakuha ko pang silipin sa bintana ang mga ito.

Sa dami nila ay tiyak akong mauubos nila ang mga Hokiyan na nagbabantay sa mansyon kaya kahit na madilim ay tinahak ko ang hagdan para magtago sa opisina ni Seviro. Hindi ako maaaring lumaban dahil baka matunugan ako ng mga ito. Bukod doon, baka mahuli ako ni Sevi at masira ang plano ko.

Ilang baitang pa lamang ang naaakyatan ay bigla akong nadapa kaya gumulong ako pababa. Takot kong tinignan ang tiyan ko dahil baka napuruhan ang anak ko pero napahinga ako nang maluwag nang makitang ayos lang ito. Tumayo akong muli para umakyat sa itaas pero agad kong naramdaman ang balang tumama sa sinapupunan ko.

Nanginginig ko itong tinignan at agad na napaluha nang makita ang masaganang dugó na dumadaloy mula rito pababa sa mga paa ko.

“A-anak ko…” ilang beses akong napahagulgol. Ilang minuto ang nakalipas ay tila nahimasmasan ako at matalim na tinignan ang lalaking bumáril sa akin. Ngumisi ito sa akin kaya lalo akong nagalit. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa itim niyang maskara pero kita ko ang simbolo nito sa banda nitong noo.

Simbolo ng buwan.

Kinuha ko ang báril na lagi kong bitbit na nakatago sa hita at sunud-sunod itong pinaputukan sa ulo hanggang sa lumabas ang mga laman nito. Matapos itong makitang wala nang malay ay muli kong itinuon ang atensyon sa tiyan ko.

Nanghihinang napakapit ako sa hadgan.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang pinasok ang mansyon kaya mabilis akong umakyat sa opisina ni Sevi at hindi inalintana ang balang nakabaon at ang mga dugóng lumalabas sa tiyan ko.

Nagtago ako sa isa sa mga estante ng libro at muling napahagulgol. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa anak ko na ngayon ay alam kong wala nang buhay.

Nataranta ako nang makitang naliligó na ako sa dugo kaya hinalungkat ko ang mga drawer dito para maghanap ng pwedeng pamalit.

Hindi puwedeng malaman ni Sevi na patáy na ang sanggol sa sinapupunan ko.

Hinubad ko ang suot at itinago iyon sa ilalim ng mga estante. Nilinis ko rin ang mga dugóng nagkalat at sapilitang dinukot ang bala ng báril na nakabaon sa tiyan ko. Kinuha ko ang makapal na tela para gawin iyong benda nang sa ganoong paraan ay matigil ang pagdaloy ng mga dugó rito kaya hinihingal akong muling napa-upo bago kunin ang isang t-shirt at short na nakita at agad iyong isinuot. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi sakit sa pisikal kundi emosyonal dahil wala na ngayon ang anak ko.

Tuluyang pinasok ang opisina ni Sevi nang makarinig ako ang ilang mga yabag pero mabuti na lang ay nakarating agad ang asawa ko at isa-isa ang mga itong pinatáy. Napahagulgol ako nang makita siya at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako sa bisig niya.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now