63:

1 0 0
                                    

63. THIRD PERSON’S POV

Ilang minutong katahimikan ang nabalot sa buong Hokiya habang hinihintay ang susunod na gagawin ng dalawang nasa gitna ng entablado. Walang kahit na anong hawak na armás si Sevi habang hawak naman ni Deáthale ang makintab niyang katana.

Maya-maya pa ay nakakikilabot na tumawa si Deáthale.

“Are you going to fight with me without weápon or something? How boring,” inis niyang saad habang nakatitig sa mga mata ni Sevi. Hindi nagsalita ang huli at nanatili lamang na nakatitig sa kaniya.

Sinuri ni Deáthale si Grave habang umikot sa kinatatayuan nito. Nang napagtantong wala nga itong kahit na anong armás na nakatago sa katawan ay inihagis niya ang hawak na katana sa kung saan at matalim na tinignan ang kaharap.

Nagsimula itong umatake pero puro ilag lamang ang ginawa ni Sevi kaya kalo siyang nairita.

“Ito ba ang haring pinagmamalaki niyo?” Inilibot niya ang tingin sa lahat, “Walang kwentá.”

Muli siyang sumugod kaya nagitla si Sevi dahil hindi nito inaasahan ang isang dágger na biglang inilabas ni Deáthale mula sa kung saan papalapit sa kaniyang direksyon dahilan para magalusan ang pisngi nito.

Napamura si Sevi at pinunasan ang pulang likidó na umagos mula sa kaniyang mukha.

“Oops,” pilyong saad ni Deáthale, “I forgot to tell you I can’t play games without cheáting,” pag-amin niya kaya matalim siyang tinignan ni Sevi.

Sa puntong ito ay nagsimula ang tunay na laban nang biglang lumitaw ang báril sa mga kamay ni Sevi na galing lamang sa ilalim ng kaniyang damit. Agad niyang pinaputukan si Deáthale pero nailagan iyon ng huli at galit siyang tinignan.

Hindi pa man tuluyang nakatatayo ay muling nagpaputok si Sevi kaya napamura si Deáthale at kinuha ang katanang inihagis niya. Mabilis niya iyong ipinalipad sa direksyon ni Grave pero gaya niya, nailagan din iyon ng lalaki bago siya muling paputukan. Napaatras si Deáthale nang makita ang tama niya sa braso pero hindi niya iyon ininda.

Maya-maya pa ay kinuha niya ang patalim na nakatago sa kaniyang balabal at inihagis iyon sa itaas kung saan may mga tao ring nanonood. Tumama ang patalim sa isang lalaking may hawak na báril kaya nabitawan iyon ng lalaki at sinalo niya bago sunud-sunod na pinaputukan ang kalaban. Natamaan si Sevi sa tagiliran kaya napagiit ito sa hapdi nang makita ang masaganang likidó na umaagos sa kaniyang damit. Nawala ang atensyon niya sa kalaban kaya nang muli niya itong harapin ay nagtaka siya nang hindi niya na ito nakita pa dahil sa makapal na usok na bumalit sa buong entablado.

Tila naghanda talaga si Deáthale sa laban dahil nagdala pa ito ng bombá ng usok.

Nang mawala ang usok ay napakunot ang kaniyang noo nang makitang wala na si Deáthale. Akala niya umalis na ito pero nagulat na lang siya nang tumalon mula sa itaas ang babaeng kanina lang ay nasa harapan niya.

Hindi alam ni Sevi kung bakit siya nakaramdam ng kaba nang makita ang mga mata ng babaeng kaharap niya. Hindi nagsalita si Deáthale at unti-unting ngumisi nang masilayan ang takot sa lalaking kinamumuhian niya.

“Seeing how scared you are makes me feel like heaven in the héll,” malamig niyang saad.

“Who are you?” Kuryosidad na tanong ni Sevi dahil naguguluhan siya kung bakit ngayon lang siya nakaramdam ng takot at kaba ngayong kanina pa naman niya kaharap ang babaeng kinatatakutan ng buong Hokiya.

“I told you, It’s Deáthale…” ngumisi siya at hinawakan ang pulang maskarang suot. Napasinghap ang lahat dahil hindi nila inaasahang ipakikita na ni Deáthale ang kaniyang mukha sa harap nila mismo.

Dahan-dahang tinanggal ng babae ang maskara at malamig na tinignan ang lalaki.

Nanigas si Sevi sa kinatatayuan nang tuluyang makita ang mukha ni Deáthale at hindi makapaniwalang tinitigan ito. Hindi niya alam ang magiging reaksyon nang makita siya dahil sa dami ng narito ay ang mukha pa ng babaeng hindi niya inaasahan ang taong nasa likod ng lahat ng gulong nangyayari sa Hokiya.

Ilang beses na pumikit si Grave sa pag-aakalang namamalikmata lamang ito pero parehong mukha lamang ang nakikita niya sa tuwing didilat siyang muli.

Hindi niya matanggap ang lahat.

Ramdam ni Sevi ang sakit sa mga sugat na natamo niya pero mas nangibabaw rito ang sakit nang makita niya ang totoong mukha sa likod ng pulang maskara.

Gusto niyang magsalita pero kapag ibinubuka nito ang kaniyang bibig ay walang kahit na anong salita ang lumalabas dito kaya kumuha muna siya ng malalim na buntong hininga bago muling naglakas ng loob na sabihin ang pangalan ng babaeng matagal na niyang hinihintay.

“C-celestine…”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now