48:

1 0 0
                                    

48. “What are you doing?“ agad kong itinago ang divorce paper nang marinig ang malamig na boses ni Sevi sa likod ko. Blanko ako nitong tinignan at tila pagod na pagod habang may bitbit na isang envelope.

“I just-“

“Get out.” I was stunned as I heard those words from him with his cold and empty tone.

What happened?

I could feel my chest getting heavier and sadly looked at him but he just remained silent while glaring at me as if I did something wrong.

“Didn’t you hear me?” Galit niyang sambit kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi niya.

Bakit siya naging ganito? May ginawa ba ako?

“Did I do some-“

“I said get the f*ck out.” Tuluyan akong nasaktan sa sinabi niya kaya mabilis akong umalis at iniwan siyang mag-isa. Ramdam ang mga luhang akmang tutulo sa mga pisngi ko kaya mabilis ko itong pinunasan at huminga nang malalim.

Nang makabalik sa kuwarto ay tinitigan ko ang divorce paper na may pirma ni Sevi sa bandang ibaba at nanginginig na napasabunot sa buhok ko.

Matagal niya na bang gustong makipaghiwalay sa akin? Kaya ba ganito siya?

Gusto kong umiyak pero ayokong panghinaan ng loob. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako iiyak pa kaya pinigilan kong maging emosyonal.

Matapos ang ilang oras na katahimikan sa kuwarto ko ay naisipan kong lumabas. Ayaw pa akong palabasin ng mga Hokiyan na nagbabantay sa akin dahil ako lang mag-isa pero pinilit ko ito at sinabing ayos lang ako at huwag sabihin kay Sevi na umalis ako.

Kinuha ko ang susi ng kotse at mabilis itong pinaharurot papunta sa isang bár. Nang makapasok ay agad akong lumaklak at nagpakalunod sa ilang bote ng alák kaya pasuray-suray akong umalis at bumalik sa parking lot at nagmaneho kahit na umiikot ang paningin ko.

Sa kalagitnaan ng kalsada ay nakaramdam ako ng pagsusuká kaya mabilis akong bumaba ng kotse at pinilipit na dumuwál pero walang lumalabas sa bibig ko.

Tángina, ang sakit ng ulo ko.

Napagiit ako nang kumirot ito kaya napahawak ako rito. Tingin ko ay hindi ko na kayang magmaneho pa dahil unti-unti na ring sumasara ang talukap ng mga mata ko pero bago pa man iyon tuluyang sumara ay kinuha ko ang selepono at dinial ang numero ni Seviro.

“S-sev… can you p-pick me up?” Muli akong dumuwal at habol hiningang napasuklay ng buhok ko.

[Sh*t, where the héll are you?!]

“I’m a-at…” natigilan ako nang ilibot ang tingin. Wala ni isang sign o kahit na anong nakasabit sa gilid at nagtataasang damo lang ang nakikita ko sa tabi ng mahaba at madilim na kalsada.

“I d-don’t-“

[Sevi!] Natigilan ako nang marinig ang sigaw ng boses babae sa kabilang linya. Tinignan ko ang orasan at nakitang ala una na.

Sino ‘yon? Bakit may babae siyang kasama ngayong dis oras ng gabi?

Hindi ko na tinuloy ang tawag at pinatáyan siya. Naka-alaay akong tumayo at akmang babalik sa loob ng kotse nang biglang may humawak balikat ko. Taka kong tinignan kung sino ito pero hindi pa man tuluyang nakikita ang taong nasa likod ko ay nakaramdam ako ng hilo matapos maamoy ang naka-aantok na pabangong itinakip sa bibig ko bago mawalan ng malay.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now