85:

2 0 0
                                    

85. “You ready?” Tanong ng lalaki sa likuran ko habang abala ako sa pag-iimpake ng damit. Limang araw na ako rito sa bahay niya kaya nakaipon na ako ng damit dahil maya-maya rin ako bihis.

Sa loob kasi ng limang araw, limang araw niya na rin akong pinapagod kaya lantang-lanta na ako sa sobrang panghihina.

“Wait, nasaan ang dam-” natigil ako pagharap nang makitang may bitbit itong dalawang bag na nakasabit sa mga maleta na hawak niya sa magkabilaang kamay at mayroon pang isang bag na nakasabit sa isa niyang braso kaya nalipat ko ang tingin sa gamit ko na tanging isang maliit na travel bag lang.

“Saan ka pupunta?” Kunot noo kong tanong dahil ako lang naman ang aalis sa aming dalawa.

Uuwi ako sa probinsya ni mama, ang taong kumupkop sa akin mula nang mamatáy sina Vercelo at Eve, dahil huli ko pa siyang nakita ay noong bago ako umalis papuntang US para magpaalam. Balak kong manatili roon ng isang buwan dahil matagal niya na rin akong pinapapunta.

“Kay mama,” nakangiti niyang saad. Kita pa ang ngipin nito kaya lumabas ang biloy sa magkabilaan niyang pisngi.

“Sinong mama?” Kuryos kong tanong.

“Mama mo?” Inosente at patanong niyang saad kaya umarko ang kilay ko.

“What? Who said you can come with me?”

“Me.”

“No. Ibalik mo ‘yan, hindi ka sasama sa’kin. Kung maka-impake ka akala mo mag-iibang bansa ka ah,” sinara ko ang bag ko nang matapos mag-ayos at tinalikuran siya pero agad niya iyong kinuha sa akin at sinabit sa isa pa niyang braso.

Para tuloy siyang pinalayas sa hitsura niya.

Ngumuso ito at nagpa-cute sa harap ko, “I can’t let you leave alone. Isang oras nga hindi kita kayang hindi makita, isang buwan pa,” nagmamakaawa niyang saad at hinawakan ang kamay ko.

“Please?” He then kisséd the back of my hand.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Hindi ka mabubuhay roon, probinsya iyon. Malunggay nga hindi mo kayang kainin tuyo pa,” pagdadahilan ko dahil hindi naman siya sanay sa buhay mahirap. Hindi mayaman ang nanay ko dahil ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa akin at kuntento na raw siya sa buhay nila ngayon.

“It’s alright, I will eat all the food you wanted me to eat, I promise.”

“No. My mom is not as easy as me to please. Palalayasin ka lang no’n kapag nalaman niyang ikaw ang biglaang nagpakasal sa akin nang walang pahintulot mula sa kaniya,” muli kong saad. Gusto ko man siyang isama ay hindi puwede dahil noong huli akong nagdala ng lalaki roon ay hinabol niya iyon ng itak sa galit.

“Mas ayos ngang makilala ko siya so I could also court her and formally ask for her blessings.”

“Hindi nga p-“

“Please?” Pamimilit niya hababg malungkot na nakatingin sa akin. Kung siguro hindi aktor ‘to ay paniniwalaan ko siya sa pag-aarte niya.

Hindi niya ako maloloko sa paganiyan ganiyan niya.

Pero agad na napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko matiis ang hitsura niya at tingin ko ay hindi ako titigilan ng taong ‘to kaya sa huli, ngingiti-ngiti niyang binitbit ang gamit namin pababa kaya napangiwi ako.

Nauna pa itong maglakad at tila pamilya niya ang bibisitahin dahil mas sabik pa siya sa akin.

Matapos ilagay ang gamit sa compartment ng sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat na agad ko ring inupuan. Maya-maya pa ay pumasok na rin ito at bigla akong nilapitan. Sa gulat ay hindi na ko alam ang irereaksyon nang ikabit niya ang seatbelt sa akin at inadjust ng kakaunti ang upuan ko para makasandal ako nang maayos.

“Malayo ang pupuntahan natin, matulog ka muna,” nakangiting saad niya’t bigla akong ninakawan ng hálik sa labi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mahina itong tumawa.

“What? I’ll drive for 8 hours so I need to recharge my energy.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now