23:

3 1 0
                                    

23. Kahit nagtataka ay isinuot ko ang kalahating maskara na tanging itaas lamang ng mukha ang natatakpan gaya ng sinabi niya. Nakasuot ng itim tuxedo si Sevi na tinernuhan ko ng itim ding long gown kaya naman mukha kaming dadalo sa isang engrandeng selebrasyon.

Inandar niyang muli ang sasakyan. Dumaan siya sa makipot na daan bago tumahak sa napakahabang tunnel na tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagsisilbing liwanag hanggang sa maaninag ko ang napakalaking tarangkahan. Sa sobrang laki at lawak nito ay hindi ko na maaninag ang magkabilaan nitong dulo.

Umuna akong bumaba sa kuryosidad. Hindi pa man nakakapasok ay dinig ko na ang mga taong tila nagkakasiyahan sa loob kaya nilingon ko si Sevi na nakapamulsa na ngayong nakasandal sa kotse niya.

“Ano ‘tong pinuntahan natin? Tagong bar?” Rekta kong tanong dahil para naman talaga itong bar sa lakas ng hiyawan ng mga tao sa loob. Hindi niya ako pinansin at nilapitan ako. Inalok niya ang kanan niyang braso sa’kin na para bang sinasabing hawakan ko ito kaya nagtatanong ko siyang tinignan.

“Tonight might be a bloódy night,” hindi na ako nakapalag pa nang siya na mismo ang kumuha sa kaliwa kong kamay at nilagay iyon sa braso niya. Magtatanong pa sana ako kung anong ibig niyang sabihin nang biglang bumukas ang tarangkahan.

Umugong ang nakangingilabot nitong tunog dahil sa nangangawalang nitong bakal kaya napakapit ako nang husto kay Sevi. Maya-maya pa ay tuluyan itong nabuksan kaya nagitla ako sa nakita.

Ang kaninang maingay at nagsasayawang mga tao ay tahimik na nakatingin na ngayon sa direksyon namin ni Sevi. Ilang sandali pa ay sabay-sabay ang mga itong yumuko sa kasama ko kaya lalo akong naguluhan. Ano bang lugar ‘to?

“Grave,” magalang na saad ng lalaking lumapit sa amin na yumuko rin sa harap ng katabi ko.

“The Spulchre Clan you’re looking for are now in dungeons. Namataan namin ang iba pang mga kasama nito na wala ng malay sa loob ng bahay niyo kagabi.”

Siniko ko si Sevi dala ng kalituhan.

“Sepulkre- what? Nasaan ba talaga tayo? Sino itong mga ‘to?”

“We’re in the underground organization, the Hokiya City. These are Hokiyans, Spulchre Clan are the people who are eager to take and k*ll you.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now