25:

2 1 0
                                    

25. Akala ko makaririnig ako ng protesta o pagtutol sa mga taong nakikinig kay Sevi gaya ko pero nagulat ako nang yumuko rin sa akin ang mga ito.

“Long live, Queen!”

“What the héll it this, Sevi? I didn’t plan to join with your illegal organization,” alma ko habang pilit na hinihinaan ang boses.

“You have to,” muli niyang kinuha ang kamay ko para hatakin sa kung saan. Dumaan muna kami sa pagitan ng masisikip na pader bago ko maaninag ang mga nagtataasang rehas sa isang malaking silid.

Sa kabila ng mga rehas na iyon ay may mga taong nakasuot ng pulang maskara na may simbolong trayanggulo sa gitna ng noo.

Sila ‘yung mga taong nanloob sa bahay ni Sevi kagabi.

Sumenyas si Sevi sa isa sa mga nagbabantay nang makapasok kami sa loob ng rehas. Isa-isa nitong tinanggal ang bawat maskarang suot kaya kitang-kita ang pagngisi nang nakakikilabot ng mga ito kahit na hinang-hina. Nakatingin ang mga ito sa akin nang masama kaya humigpit ang hawak ko kay Sevi.

Walo na lang ang mga ito dahil karamihan ay mga bangkáy nang nakakumpol sa isang dulo na tila ba basurang pinagsamang itinapon sa isang tabi.

Umupo kami sa dalawang silya tabi ng isang malaking lamesa na puno ng iba’t ibang klase ng ármás. Nangilabot ako sa nakita kaya ipinikit ko nang mariin ang mga mata. Ilang minuto ay naramdaman ko na lang na umalis si Sevi sa tabi ko kaya naman muling natuon sa kaniya ang atensyon ko.

“Who’s the person behind this?” Malamig niyang saad sa isa sa mga lalaking nakaluhod habang may mga kadenang nakakabit sa kamay at paa. Hindi ito sumagot at yumuko lang kaya hinawakan ni Sevi ang panga nito para iharap sa kaniya.

“I’m f*cking asking you. Who ordered you to do this?” Tiim bagang niyang saad. Ramdam ko ang mahigpit na pagbaon ng mga kuko niya sa pisngi nito kaya napangiwi ako.

Muling hindi sumagot ang lalaki dahil sa halip na magsalita ay tumawa ito na para bang báliw at hindi alintana ang pisngi niyang nagdurugó sa kuko na mariing nakabaon sa balat niya.

“Bakit? Takot ka na bang mawala nanaman ang babae sa buhay mo dahil lang sa pagiging pabaya mo?” Galit na sinúntok nang malakas ni Sevi ang lalaki dahilan para mawalan ito ng malay. I gasp when he took one of the gúns on the table and aimed it at the forehead of the other guy.

Pero gaya noong nauna ay nakipagtigasan lang ito ng tingin. Ngumisi ang lalaki pero agad ding  bumulagta nang paputukan ito ni Sevi sa mismong noo. Napasigaw ako sa takot kaya muli kong ipinikit ang mga mata dahil hindi naman ako sanay na makakita ng ganito.

Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng taong walang-awang pinatáy sa harap ko mismo.

Maya-maya pa ay nasundan iyon ng sunud-sunod na putok hanggang sa marinig kong magsalita ang huling lalaki na akma ring papatáyin ni Sevi.

“I w-will tell you who it is, j-just spare my l-life…” takot niyang saad habang nakatingin kay Sevi. Hindi siya sinagot ng huli at hinintay lang siya na muling magsalita.

“H-he’s one of t-the ten Elites in h-hokiya… s-sinabi niyang p-papatáyin niya kami kapag b-bumalik kaming h-hindi kasama ang asawa mo…” nagmamakaawang tumingin ito sa akin.

“P-please forgive me… n-napag-utusan lang kami.”

“T-tutal mamamátay na r-rin naman ako kahit na makatakas d-dito…” ngumisi ito nang nakakikilabot kaya nanigas ako sa kinauupuan. “…bakit hindi na lang kita isama sa hukay ko?” Mabilis nitong kinuha ang báril na nakatutok sa kaniya at walang pakundangang pinaputók sa direksyon ko. Sa takot ay hindi na ako nakagalaw pa at nangingilid ang mga luhang napapikit habang hinihintay ang bálang tatama sana sa ulo ko pero matapos ang ilang segundo ay tanging putok lamang ng báril ang narinig ko.

“Sh*t. Are you okay?” May humawak sa mga balikat ko kaya naluluhang tinignan ko ito. Pinunasan ni Sevi ang mga luha ko at niyakap ako kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko.

“Ayoko na, Sev…” garalgal kong saad at nanghihina itong tinignan.

“Ayoko pang mamátay… parang awa mo na, g-gusto ko pang makita ang anak ko,” humikbi ako. “H-hindi ko na kayang gampanan ang tatlong buwang hinihiling mo. Tapusin na natin ang kontrata…”

“Maghiwalay na lang tayo.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now