94:

2 1 0
                                    

94. “But anyway let’s move on, wala nang kwenta ang pagbabalik tanaw sa mga taong yumao na,” tinapon niya ang sigárilyo at muling itinuon ang atensyon sa pagtutok sa akin.

“How can you f*cking do that? You aren’t sáne anymore. You are out of your mind,” hindi makapaniwala kong saad dahilan ng pagtawa nito.

“I’m aware of that, sweetheart,” sinenyasan niya ang mga kasama niya kaya nagsilapit ang mga ito sa gawi namin. Lalong humigpit ang hawak ni Sevi sa kamay ko habang nasa likuran pa rin niya ako kaya nagsalita na ako.

“How many amnós do you have?” Tanong ko.

“Sixteen,” pagak akong natawa.

“Ang lakas ng loob mong magyabang sa harap ko labing anim lang pala ang bala mo,” pang-aasar ko rito.

“Have you forgotten I’m not Gráve for no reason?” Sarkastiko niyang saad kaya napa-irap ako.

“And have you forgotten I’m not Deáthale for no reason?” Bawi ko at umalis sa likuran niya’t tinabihan siya habang mahigpit ang hawak sa báril.

Masiyado silang marami. Dalawa lang kami kaya tiyak na hindi namin kakayanin ang mga ito. Kung dala ko lang sana ang katana ko ay puwede pa.

“What are you doing?” Aniya nang makitang lumayo ako sa kaniya.

“Let’s get married after this,” sambit ko na ikinatigil niya ng ilang segundo. Kita ko ang pamumula ng tainga niya kaya napa-iling ako.

Alam kong alam niya ang ibig sabihin ng salitang ‘yon kaya napangisi siya.

It meant, ‘Don’t dié.’

“Let me propose first,” he sweetly said as if our lives were not at stake.

“Later,” Mabilis kong pinaputukan ang lalaking itututok na sana ang báril kay Sevi kaya natuon din ang atensyon niya sa mga taong nakamaskarang kaharap na namin ngayon.

“Focus,” muli kong saad bago paputukan ang isa pa.

Limang bala para sa mahigit isang daang nakamaskara.

Tángina, hindi ito kaya.

Nagsimula na ring magpaputok si Sevi dahil isa-isa na rin siyang pinapatamaan ng bala.

Kinuha ko ang patalim at inihagis iyon sa direksyon ng isa matapos ko itong ilagan. Sumakto iyon sa noo niya kaya napangisi ako at tumingin kay Sevi.

“Two points for me,” mayabang kong saad na ikinakunot ng noo nito. Patuloy siya sa pagbáril pero nasa akin pa rin ang atensyon niya.

“Let’s have a bet. If you win, I’ll let you do anything you want. But if I win, you won’t get a chance to get a kíss from me anymore for the next 5 years.”

“What?! No!” He groaned.

“Deal?” Mapanukso kong saad at hindi pinansin ang reaksyon niya.

He sighed, “Deal. As if you win.”

“Look how sweet these couple are,” natigilan kaming lahat nang muling magsalita si Xav. Natutok ang atensyon namin sa kaniya at sa kasama niya.

May ngisi ang labi nito tabi ang dalawa ring nakamaskara. Pero ang kaibahan nga lang, kung sa iba ay itim ang suot nila, itong dalawa naman ay purong puti maging ang maskara. Ngayon ko lang nakita ang mga ito kaya hindi maganda ang kutob ko habang mariing nakatitig sa mata ng isa.

“Pero kakayanin mo pa rin bang pumatáy kapag pinakilala ko sila?” Turan niya sa mga katabi niya. Umatras siya nang kakaunti at sinenyasan ang dalawa na tanggalin ang mga maskara nito.

Nang tuluyang matanggal ay makikita ang mukha ng isang babae at lalaki habang walang emosyong nakatingin sa aming dalawa. Matanda na ang mga ito at tingin ko ay nasa 50s na. Dinig ko ang pagmurá ni Sevi kaya taka ko itong tinignan dahil hindi ko naman kilala ang mga ito.

Nang makita niya ang nagtataka kong mukha ay alanganin itong tumitig sa mga mata ko.

“They are Elizabeth and Rico…” my face became more confused.

“Your biological parents.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now