NON-EXISTING I
"OMG! excited na talaga ako sa wishing star ngayong gabi!" Napakunot ang noo ko bago nilingon ang kaibigan kong si Aleana.
"Wishing star?" Taka kong tanong dahilan para mapangisi siya.
"Oo bes! May wishing star mamayang 11:11 ng gabi! Sabi nila, kapag raw humiling ka sa mismong oras na yun, magkakatotoo lahat ng hihilingin mo" Umiling iling ako bago ibinalik ang tuon sa kinakaing fishball
"Di naman totoo yun, pamahiin lang mga ganyan" Tumawa siya at agad na nagsalita
"Suss... Wala namang masama kung susubukan di ba?" Huminga ako ng malalim
"Maniniwala lang ako kapag natupad ng wishing star na yan ang nag iisang kahilingan ko" Nang sabihin ko iyon ay agad na napatigil si Aleana
"Raine naman, imposible ang hinihiling mo... Alam mo namang di kaya ng wishing star yang gusto mo" Napabagsak ang balikat ko.
Umupo si Aleana sa harapan ko bago ako tiningnan ng malungkot
"Hindi ko talaga alam kung bakit gustong gusto mong hilingin ang bagay na yan..." Napangiwi ako
"Hindi ba cool yun? Mapupunta ako sa fantasy story na ako mismo ang gumawa? Di ba ang ganda nun?" Ngumiti ako saka iniimagined ang mga bagay na iyon.
Tiningnan lang ako ni Aleana na parang ako ang pinakanakakahiyang tao sa buong mundo.
Napailing iling siya...
"Walang pag asa yan..." Ngumiwi siya
"Nabasa ko yung story na sinulat mo... Ewan ko lang ah? Pero I feel strange... I don't know kung nag ooverthink lang ba ako or basta! Parang may mali sa story mo na di ko malaman kung ano" Dahil sa sinabi niya ay naging curious ako
Tumingin siya ulit sakin
"Saka feeling ko rin parang may di magandang mangyayari kapag natupad yang only one wish mo" Umiling iling siya bago Tumawa
"Gagi! Di naman mangyayari yun di ba? Haha nahawa na talaga ako" Saad pa niya pero nakaramdam ako na parang may mali. Na parang may hindi maganda.
Nakatitig ako sa keychain na nasa harapan ko. Maganda ito at may simbolo ng isang parang umiilaw na libro at isang bituin. Napangiti ako dahil paborito ko ang mga ganitong bagay.
Kinuha ko ito at agad na hinanap ang tindera nang may magsalita sa likuran ko
"Ang simbolo ng libro... At ang simbolo ng isang bituin" Nangilabot ako dahil sa lalim ng tinig niya.
Nakatitig siya sa hawak kong keychain at agad na tumingin rin sakin
"May malalim na kahulugan ang bagay na iyan alam mo ba iyon iha?" Tanong niya sakin. Marahas akong napalunok
"A-ano po?" Hindi ko alam pero bigla akong nanginig
"Ang libro ay sumisimbolo sa isang kahilingan... At ang bituin ay simbolo ng isang katuparan... Kapag pinagsama ang dalawang iyan, ang resulta'y hinding hindi mo magugustuhan" Napatigil siya saka tumitig sa mga mata ko
"Mag iingat ka sa mga hinihiling at winiwika ng iyong bibig. Baka mamaya ay yan pa ang magpapahamak sayo... Baka mamaya, ang iyong mga kahilingang ninanais ay makuha mo ngunit ito naman ay magdadala ng panganib sa iyong buhay..." Iniwas na niya ang tingin sa akin
Naglakad na ngunit agad akong nilingon.
"Wag na wag mong nanaising mapasok sa isang mundong gawa gawa at kathang isip mo lamang... Maaari ka ngang makalabas, ngunit ang habambuhay mong dadalhin ang mga masalimoot na karanasan sa mundong iyong iniwanan"
Napatulala ako. Hindi alam ang sasabihin. Hindi alam ang gagawin. Wala akong naintindihan sa lahat ng mga sinasabi niya ngunit pakiramdam ko, parang may di magandang mangyayari... Pakiramdam ko parang may dapat akong iwasan
"Bibilhin mo ba yan ineng?" Nabalik ako sa katinuan nang biglang magsalita yung tindera. Tipid akong ngumiti bago tumango
Napansin siguro ng tindera ang paglingon ko sa matandang lalaki na ngayon ay mahina nang naglalakad
"Wag mo na lang pansinin si Mang Nardo. Ganun lang talaga magsalita ang matandang iyon... Matalinhaga" Bigla akong natakot sa di malamang kadahilanan
"B-bakit ganun po siya magsalita?" Ibinigay ng tindera ang sukli ko bago ako sinagot
"Isa siyang manghuhula iha na nawala sa katinuan. Wag mo nang isipin ang bagay na yun" Bigla akong nabunutan ng tinik... Napahawak ako sa mesa na nasa tindahan. Napahinga ng malalim
"W-wala po ba siyang pamilya?" Umiling ito
"Wala na... Matagal nang patay ang asawa niya. Yung anak niya di ko alam kung nasaan. Bali balitang nabaliw na yan ng tuluyan" Hindi na ako muling nagtanong pa. Wala rin naman akong maitatanong na kahit ano kaya naman ay agad na akong pumikit at agad na umuwi
Napahikab ako bago isinara ang laptop na nasa harapan. Kanina pa ko nakaupo dito at kanina pa ko nag iisip para sa susunod na chapter pero walang pumasok sa isip ko. Napakamot ako ng ulo bago umungot saka agad na isinandal ang ulo sa likod ng inuupuan ko.
Nang tingnan ko ang orasan sa cellphone at napatalon ako sa tuwa dahil sa nakita. It's 11:11 PM... Agad akong tumayo at excited na binuksan ang bintana ng kwarto ko.
Napangiti ako nang biglang sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin at ang napakatahimik na gabi. Tumingin ako sa kalangitan at doon ko nakita ang mga nagniningning na bituin... Naroon din ang isang di masyadong maliwanag na buwan...
Wala namang mawawala kapag sinubukan kong humiling di ba? Tutal alam ko naman na Hindi magiging totoo. Ayoko lang maging Kj at gusto ko lang makisabay sa gagawin ni Aleana.
Halos mapatili ako at mapatalon sa excitement at tuwa nang makita ang mga nagliliparang mga bituin. May ibang parang nahuhulog... May ibang pumupunta sa iba't ibang posisyon at direksyon at ang iba naman ay biglang naglalaho.
Magsasalita na sana ako nang biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ng matandang lalaki kanina. Napamulat ako ngunit agad ding nagkibit balikat nang maalala ang sinabi ng ale kanina...
Pumikit ako at agad na nagsalita
"Sana mag exist ako sa fantasy world na ginawa ko... Gustong mameet lahat ng characters na ginawa ko. Makita lahat ng mga kaganapan sa kwento at higit sa lahat, hanggang sa huli ay makasama ang mga characters na ginawa ko" Saad ko.
Sandali akong napapikit... Ngunit maya maya lang ay agad na napakunot ang noo ko nang may marinig na hindi pamilyar na tinig...
"Dakpin sila!" Naimulat ko ang mga mata ko at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang...
Nag iba ang mundong kinatatayuan ko... Hindi pamilyar
![](https://img.wattpad.com/cover/372282120-288-k136518.jpg)
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...