NON-EXISTING XIII
Anong ginagawa niya dito?
Hindi ko na sana siya papansinin ngunit hinarangan naman niya ko. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"K-kamahalan" Yumuko ako para ipakita ang pag galang ko ngunit umasik lamang ito bago ako iniwan mag isa. Problema nun?
"Aila. Halika dali!" Tawag sakin ng prinsesa Kaya agad naman akong lumapit sakanya na may pagtataka ang Mukha.
"Bakit po kamahalan?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Di ba ang usapan natin kapag tayong dalawa lang ay tawagin mo Ako sa pangalan ko?" Tunog nagtatampo ang boses niya kaya diko maiwasang matawa.
"Sige na sige na. Rhayla bakit? May ipapagawa ka?" Umiling lang siya at agad na itinuro ang mga libro at iba pang kagamitan na para sa skwela.
"Ano pong Meron?" Hindi ko alam pero lutang ako hanggang ngayon.
"Malapit na ang pasukan. Tingin mo. Ano pa ang mga... Magagandang gamit o mahahalagang gamit na pwede kong dalhin sa paaralan? Kulang pa ba ito?" Umiling naman Ako at umupo sa tabi niya Saka natahimik.
Nang tingnan ko siya ay nakatitig lang siya sakin. Nag aalala ang Mukha.
"May problema ka?" Umiling lang ako sabay hawak sa batok ko. Masakit.
"Pasensya ka na Aila ha. Pinilit pa kita na pagsilbihan ako. Siguro hindi ka Masaya na nandito sa puder ko. Tama nga siguro si ina. Walang gustong makipag kaibigan o makisabay sakin dahil masyado akong Bata kung mag isip" Doon naman napintig ang Tenga ko.
"Hala. Hindi po iyan totoo... Halika" Niyakap ko siya at hinaplos ko ang buhok niya. Mukha kasing ang lungkot lungkot niya eh.
"Wag ka pong maniwala sa sinasabi ng bruhilda niyong nanay. Ayy! Ewan ko ba!" Humiwalay ako ng yakap sakanya Bago nakasimangot na tinitigan siya
"Akala ko pa naman mabait yan? Bakit parang inaapi api ka ata?" Natawa siya ngunit malungkot na yumuko.
"Mabait naman si ina. Kahit na minsan ay hindi ko iyon naramdaman mula sakanya. Kahit pa minsan ay kinokompara niya ko palagi Kay Fahara" Napangiwi ako at sarkastikong natawa.
Nagtataka namang napatingin ang prinsesa sakin. Nawi weirduhan siguro sakin. Pero nakakatawa naman talaga.
"Sure ka? For real? Sa lahat ba naman ng katangiang nasa iyo ikinokompara ka talaga sa babaitang yun? Eh Wala nga sa kalingkingan mo yun eh! Ang taray pa. Ang maldita. Kala mo naman maganda" Doon naman siya natawa.
"Para kang hindi babae kung magsalita. Grabe ka Mang insulto sa iyong kapwa. Pero ang totoo, hindi ko rin gusto ang pag uugali ni Fagara. Ayokong makipag usap sakanya dahil alam kong iinsultuhin niya lang ako. Ayoko din talaga sa pamilya nila, Hindi ko alam kung bakit. Pero kahit na ganun ay nirerespeto ko parin ang pamilya nila" Paliwanag naman niya
"Deserve niya yun. Buti nga sakanya. Tsaka. Wag ka po maniwala sa sinasabi ng nanay niyo. Sorry to say this po but, I don't like her for you. Ang ina, hindi kinokompara ang anak sa iba. Dapat pa nga magiging proud siya Sayo. Pero sabagay, hindi ka naman pala niya anak. Pero kahit na. Matuto naman siyang rumespeto sayo noh? Tsaka hayaan mo na yang demonyetang Fahara na yan. Mahahagard ka lang" Mahaba kong Paliwanag.
Nakita kong natahimik siya at hindi nakapagsalita. Ngunit kalaunan ay agad din na nagsalita
"Maghanda ka bukas. Bibisita ang mga maharlika na galing sa Quinones. Kahit naman na ganun ay... Kailangan ko parin naman Silang pakiharapan kahit na ayaw ko" Nagpilit siya ng ngiti bago nagpaalam na matutulog na dahil masama daw ang pakiramdam.
Doon ko naalala na bukas pala ang encounter nilang dalawa. Kung saan nag aaway ang dalawang prinsesa ng palihim.
KINABUKASAN. Nagising ako dahil tinawag ako ng punong tagapagsilbi Dito sa palasyo. May mga bisita raw na darating at dapat na maghanda kami. Napairap naman Ako. Tama nga si Prinsesa Rhayla. Pupunta nga Dito yung mga taga Quinones.
Hindi ko na nakita pa ang prinsesa dahil naging abala din ako sa kusina. Abala Rin Ako sa paglalagay ng mga disenyo at paglilinis para sa gagawin nilang pagsasalo salo. Napapairap nalang ako dahil sa pagod ng katawan.
Makalipas lang ang ilang oras ay dumating na sila. Sakto namang bumaba na rin ang aking mahal na amo. Ang Ganda niya sa suot na bestida. Bagay na bagay sakanya. Dalagang dalaga tingnan. Ngumingiti naman siya kahit alam kong napipilitan lang siya.
Dumating ang mga maharlika ng Quinones. Nakangiti ang hari at Reyna na mahahalagang hindi naman totoo. Si Fahara naman ay mataray na nakatingin sa nakahilerang nga tagapagsilbi. May pangungutya rin ang tingin niya at napapairap sa tuwing mapupunta ang gawi Kay Rhayla.
Wala namang ibang nangyari kundi Kumain lang sila ng agahan. Natawa Ako. Pwede namang sa hapon sila bumisita di ba? Umaga talaga? Para ano? Para makikain ng agahan dito? Sabagay, ako naman talaga may kasalanan. Kung hindi lang siguro ako Loka loka eh hindi agahan ang nailagay ko.
Pero abang abang ako kase mag aaway sila. Pakikinggan ko lang kung tugma ba yung mga lines nila. At hindi nga Ako nagkamali dahil nasa sulok nga ang dalawa. Halata sa mukha ni Prinsesa Rhayla na hindi siya interesado sa mga insulto ni Fahara sakanya. Lumapit ako.
"Hindi ko alam pero ang pangit ng disenyo ng palasyo ninyo! Hindi ko nagustuhan!" Mataray nitong Saad. Demanding eh.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo tungkol dito. Maaari bang manahimik ka nalang?" Napatakip naman ng bibig si Prinsesa Fahara sabay tawa ng sarkastiko ngunit mahina lang.
"Ito ba? Ito ba ang ugali ng magiging sunod na reyna? Balasubas. Parang walang pinag aralan. Kaya ka hindi mahal ng iyong ina sapagkat masama ang ugali mo!" Doon na napatayo ang prinsesa. Pikon na kung pikon pero nakakapikon naman talaga Lalo na at di naman to marunong mag away eh
"Anong Sabi mo?" Bago pa mabigyan ng mag asawang sampal si Fahara ay pumagitna na ako.
Hinawakan ko ang prinsesa sa braso at pinatingin sakin. Huminahon naman siya ngunit mabilis parin ang paghinga. Umiwas siya ng tingin.
Nilingon ko si Prinsesa Fahara na nakataas ang kilay na nakatingin sakin.
"Sino ka na naman?" Sinamaa ko siya ng tingin na mas lalong ikinagulat niya.
"Aba't! Walang galang!" Sigaw niya
"Prinsesa Fahara tama na!" Saway ni Rhayla sakanya ngunit hindi ito nakinig.
"Saan mo ba napulot ang basurang iyan---
"Mas basura ang pag uugali mo! Pwede ba! Tantanan mo na si Prinsesa Rhayla. Wala naman siyang ginagawang masama Sayo! Ang maldita mo! Umalis ka nga! Sakit ka sa ulo eh! Isang insulto pa ah?" Sasampalin na sana Ako nito ngunit agad naman pumagitna si Prinsesa Rhayla.
"Umalis ka nalang..." Seryoso niyang anya Kaya walang nagawa ang prinsesa kundi ang umalis at masama kaming tiningnan
"Magsama kayo! Mga basura!"
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...