NON-EXISTING XX
"Don't worry, I won't allow anyone to harm her... As long as she's with me"
Pagkatapos nun ay iniwanan na niya kami at agad na tumalikod. Sumunod naman ang mga magulang niya.
"Anong ginagawa mo Kasama si Prinsipe Rhuss?" Takang tanong ng hindi ko kilalang lalaki. Narinig ko naman ang pagtawa na may halong pangungutya ni Prinsesa Fahara.
"Malamang sa malamang ay inaakit niya ang kamahalan para makuha niya ito at maging reyna siya... Bagay na, hanggang panaginip niya lamang. Nag iilusyon lamang din siya kagaya ng mahal niyang prinsesa" Tumawa din ang mga kapatid nito pero sina Prinsesa Rhayla at Prince Arkanghel ay tahimik lang din katulad ko.
"Kung iinsultuhin mo ko ay wag mo nang idadamay ang iba" Biglang Saad ni Rhayla sakanya Kaya naman ay napatigil siya Saka napaismid
"At bakit? Kung ganyan din naman ang alalay mo ay malamang ganyan ka rin" Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Prince Arkanghel bago nanggigigil na hinarap si Prinsesa Fahara
"As far as I remember hindi kasalanan ni Prinsesa Rhayla kung habulin siya ng mga lalaki. At isa pa, hindi ako malandi para akitin ang prinsipe! Ulitin mo lang iyan, makakatikim ka sakin" Napahawak ito sa kanyang dibdib at umastang natatakot
"See?! Kita niyo na! Pinagbabantaan ako ng babaeng iyan!" Napairap naman ako nang magsimula nang sumigaw si Prinsesa Fahara na siyang nakapagpatigil sa marami.
"Aila Tama na..." Mahina akong sinaway ni Prinsesa Rhayla sabay hawak sa mga kamay ko.
"Hayaan mo na siya" Umiling iling ako sabay ismid
"Hahayaan niyo nalang ba na insultuhin kayo ng babaeng Yan? Eh Wala pa nga sa kalingkingan niyo yan eh! Kung makapagsalita parang ang taas ng tingin sa sarili!" Hinarangan na ako ni Prinsesa Rhayla at nagmamakaawa siyang tiningnan ako.
"Pakiusap Tama na... Tayo na naman ang mapapagalitan nito" Saad niya kaya Napahinga naman ako ng malalim bago Tumango.
"Ano ang nangyayari Dito?!" Napalingon kami sa nagsalita at Nakita ko na ang ina ito ni Prinsesa Rhayla. I mean step mother pala.
"Good evening your majesty " Mahinhin na bati ni Prinsesa Fahara kasunod ang mga kapatid niya.
Ngumiti naman ang reyna sakanila at nagsalita
"Good evening also, and why are you here? Hindi ba kayo nahahamugan dito sa labas? Have you already eaten yet?" Malambing nitong saad na nagpakunot ng noo ko.
"Yes your majesty. Wag po kayong mag alala sa amin" Tumango naman ang mga kapatid niya bago nabaling sa amin ang tingin nito at biglang nawala ang ngiti
"What's this commotion all about? Sino yung narinig ko na sumigaw kanina?" Tumaas ang kilay nito Lalo na nang mapatingin ito sa amin ni Prince Arkanghel.
"Ako po iyon kamahalan. Pag paumanhin niyo na dahil natakot lamang ako dahil may nagbabanta po sakin" Ang arte!
"Nagbabanta? Sino?" Sinagi ko si Prinsesa Rhayla Kaya napatingin siya sakin. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Prinsesa Fahara
"Siya po! Ang alalay ng inyong anak! Pinagbabantaan niya ko at pinagbintangang nang insulto kay Prinsesa Rhayla!" Naiiyak nitong Saad sabay tingin sakin.
Napakunot naman ang noo ng reyna sabay tingin sa amin ni Rhayla lalong lalo na sakin
"Pinagbabantaan mo at pinagbintangan ang Isang maharlika?! Hindi ka ba natatakot alipin?!" Pumagitna na si Prinsesa Rhayla
"Ina... Nagkakamali ho kayo, hindi ho pinagbintangan ni Aila si Prinsesa Fahara " Depensa niya at nasa likod naman niya ko
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako? Prinsesa Rhayla nakikiusap ako na wag mo nang konsintihin pa ang iyong alalay!" Dahil Doon ay nagsalita ang reyna
"Rhayla? Pinagtatakpan mo ang babaeng iyan?! Bakit mo ba iyan dinidepensahan?! Isa lang iyang alipin! At bakit ka narito?! Bakit Kasama mo ang mga iyan?!" Turo niya samin ni Prince Arkanghel
"Ina hindi po---
"Wag ka nang magsinungaling pa! Makakarating ito sa iyong ama! Bukas na bukas din ay palayasin mo na yang babaeng iyan dito!" Agad na humarang si Prinsipe Arkanghel sa amin Kaya nasa likuran na niya kami
"Kamahalan ako na ho ang humihingi ng despensa sa nangyari... Nakikiusap ako na wag na ho ninyong pagalitan si Prinsesa Rhayla at ang kanyang personal na alalay" Napaismid ang reyna
"Tumahimik ka! Wag na wag mo na ipagtanggol ang babaeng iyan! Laki sa layaw at sunod lagi sa gusto Kaya nagagawa nang makapagsinungaling!" Tumalikod si Prinsesa Rhayla sa kanila Kaya Nakita ko na pinigilan na niya ang mga luha niya.
Hinawakan ko siya sa balikat pero hinawi niya lang iyon at agad na tumakbo paalis. Dismayado naman akong napatingin sa harapan ko.
"Hindi niyo po alam ang kwento Kaya marapat nalang po sana na nanahimik nalang kayo. Naturingan kayong reyna at ina ng pinakamamahal na prinsesa pero ang ugali niyo naman ay hindi kaaya aya" Nanlaki ang mga mata ng reyna at magsasalita na sana pero agad na umalis si Prinsipe Arkanghel
Masama ko naman Silang tiningnan at inirapan ko pa si Prinsesa Fahara na nakangisi na ngayon dahil siya ang kinampihan. Bago pa ko mabulyawan ng reyna ay agad na akong umalis at hinanap si Prinsesa Rhayla
Wala siya sa kwarto niya kaya hinanap ko siya kahit saan. Ang laki pa naman ng palasyo. Saan Kaya nagsusuot ang Prinsesang iyon?
Naglakad pa ako at hinanap siya ngunit nang makailang hakbang na ko ay doon ko narinig ang mahinhin niyang iyak.
Napasilip Ako Doon at Nakita kong hindi siya nag iisa at may Kasama siya. Nakasandal siya sa balikat nito at ang lalaking Kasama niya ay panay ang hagod sa likuran niya.
Hindi Ako pwedeng magkamali. Hindi man nakaharap sakin ang lalaking Kasama ay kilala ko na kung sino ito. Walang iba kundi si Prince Rhuss...

YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...