Chapter 22

1 0 0
                                        

NON-EXISTING XXII

"Pwede ba kitang isayaw?"

Nanatili akong nakatitig sa mga kamay niya at gulat na napatitig rin sakanya. I-isasayaw niya ko? Teka...

"Kung ayaw mo ay ayos lang..." Bagama't nakangiti ay Nakita ko ang pagkadismaya sa Mukha niya. Napatikhim naman ako sabay ngiti sakanya at nagsalita

"P-pwede naman..." Gusto kong batukan ang sarili dahil sa pagkautal. Seriously Aila? Pumayag ka talaga?

Ngumiti siya at inilahad ulit ang mga kamay sa akin. Mabilis ko naman itong tinanggap habang siya ay nakangiting hinawakan ang bewang ko at inilagay ang magkabilang kamay ko sa balikat niya.

Bigla Kong naalala si Prince Rhuss. Isinayaw din niya ko kanina. Iwinaglit ko sa isipan iyon. Malamang ay Kasama niya parin si Prinsesa Rhayla. Hindi ko maiwasang di masaktan

"Ayos ka lang?" Napatingin ako Kay Prinsipe Arkanghel nang Makita itong titig na titig sakin at seryoso na naman ang mukha habang nagtatanong

"O-okay lang ako..." Ngumiti ako sakanya Kaya napangiti din siya at nagpatuloy na isayaw ako. Nakasunod lang ang katawan ko sa bawat galaw niya at kung saan niya ko dadalhin. Nagmistula lang akong manikang isinayaw niya dahil ang liit ko kumpara sakanya. Mas mataas pa ata ng konti yung prinsesa sakin.

"Anong nagustuhan mo sakanya?" Nagtatanong ko naman siyang tiningnan. Sino ba tinutukoy niya?

"Si Prinsesa Rhayla po ba? Marami po... Mabait siya, mahinhin at may mabuting---

"Si Prinsipe Rhuss ang tinutukoy ko at isa pa maganda ka rin naman kagaya niya... Prinsesa nga lang siya" Umismid ako at napaiwas ng tingin habang iwinawaksi sa isipan ang huling sinabi

"M-mabait naman po si Prince Rhuss..." Yun lang ang nasabi ko na ipinagtaka niya

"Mabait? Sa pagkakaalam ko ay suplado siya Kaya iniiwasan siya ng nakararami. Masama siyang tao Kaya ayaw sakanya ng lahat" Pinitik ko naman ang noo niya pero di ko parin tinigil ang sayaw Kaya napaaray siya

"Judgemental ka ha? Hindi ganyan ang description ko sayo " Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at kinindatan pa ko na ikinagulat ko Lalo.

"Bakit? Ano bang description mo sakin?" Hindi parin nawala ang ngisi sa bibig niya.

"Gwapo, gentlemen, mabait, hindi pilyo at higit sa lahat palangiti" Tumango tango naman siya

"Kapag ba ginawa ko yan magugustuhan mo na ko?" Biglang tanong niya. Napangiwi naman ako.

"Hindi na kailangan kase ganyan ka naman talaga Kaya ka nga nagustuhan ni Prinsesa Rhayla kase ganun ang mga katangian mo" Pagpaliwanag ko sakanya. Tumango tango naman siya bago nagsalita ulit

"Si Prinsesa Rhayla lang ba? Eh Ikaw? Hindi mo ko nagustuhan dahil don?" Hindi ko alam kung Anong magiging reaksyon ko.

"Bakit mo ba ako isinasali sa inyong dalawa? Eh kayo naman ang bida sa kwento" Napakunot ang noo niya bago ako tinitigan ng maigi

"Kwento? At kami ang bida?" Nagulat ako nang humalakhak siya at nakangiting tinitigan ulit ako

"Tama nga si Prinsesa Rhayla... Malawak ang iyong imahinasyon at gumagawa ka raw ng kwento na kaming dalawa ang bida" Nakangiti niyang saad. Bigla naman akong nahiya.

"Ahh. Haha ito talaga si Prinsesa Rhayla kung Anong sinasabi... Pero syempre wag mong ipagsasabi yun kahit kanino ha?" Ngumisi lang ang prinsipe kaya di ko maiwasan magtaka. Bakit parang pilyong version naman ata ng Prince Arkanghel ang nakikita ko ngayon?

"At sinabi mo rin daw na gwapo ako... Totoo ba? Nagwagwapuhan ka sakin?" Nakangiti niyang tanong. Wala sa sarili akong napatango Kaya lumawak naman ang ngiti niya

"Gusto mo ko?" Bigla akong napabitaw sakanya at napahawak sa tiyan saka napatawa. Seryoso? Di porket sinabi kong gwapo siya ay gusto ko na siya

Nagtataka naman siyang napatingin sakin na nakaupo na sa lupa habang natatawa pa Rin. Ang OA ko lang

"Masasabunutan ako ni Prinsesa Rhayla kapag nalaman niyang gusto kita... Patay ako sakanya" Bigla naman lumungkot at sumeryoso ang mukha niya

"Ibig sabihin nga ay hindi mo ko gusto?" Umiling Ako at nakitang dismayado ang Mukha niya. Parang gusto ko atang bawiin ang sinabi ko.

"Bakit hindi?" Napatikhim ako.

"Kase nga gusto mo si Prinsesa Rhayla at gusto ka din niya, gusto niyo ang isa't isa at kayo ang magkakatuluyan sa huli at---

"Walang namamagitan samin at hindi ko siya gusto Kaya wag mo nang ipagpilitan pa na may relasyon kami" Natameme ako at natahimik dahil sa lamig ng boses niya na first time Kong marinig.

"Bakit mo ko pinagpipilitan sakanya kung pwede naman diyan nalang ako Sayo"

"Gusto ko sa susunod kapag gumawa ka ng kwento, Ikaw at ako nalang ang bida"

Mas lalo akong hindi makapagsalita at natulala. Isang bonggang irap ang binigay niya sakin at supladong umalis...

A-ano??

Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa sinabi kanina ni Prinsipe Arkanghel at mas lalo pa akong natulala nang may nagdala ng bulaklak. Para sakin daw iyon bigay ni Prinsipe Arkanghel

Halos tumambol ang puso ko. Sh*t naman eh. Gusto ko maiyak. Ano nalang ang sasabihin ni Prinsesa Rhayla?

May sulat pang nakaipit na matulog daw Ako ng mahimbing. Parang good night lang?

Huminga ako ng malalim at nang tumayo ako ay nanlaki ang mga mata nang Makita na may taong nakamasid sakin.

Hindi ako makapagsalita at walang gustong lumabas sa bibig ko dahil bigla akong nanlamig. Ito na nga bang sinasabi ko

Si Prinsesa Rhayla... Nakatitig siya sakin Nakita kong may dumaang sakit sa mga magaganda niyang mata at nang mabaling ang tingin niya sa bulaklak ay agad siyang umiwas ng tingin at umalis

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now