NON-EXISTING XXVI
Nakauwi ako ng palasyo habang tulala parin at dala dala ang bulaklak na bigay ni Prinsipe Rhuss sa akin. Napahinga ako ng malalim at bago pa ako makapasok sa bulwagan ay nagulat ako nang harangan ako ng mga kawal
Nagtataka akong napatingin sa kanila at nagulat nang biglang hawakan ng punong kawal ang braso ko. May isa rin sa gilid.
"T-teka po... San niyo po ako ---
"Nais kang makausap ng mga kamahalan dahil sa ginawa mong kaguluhan kanina" Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya at mag papaliwanag pa sana ngunit kinaladkad na nila ako.
Imbes na dumaan sa pasilyo ay sa likod nila ako ng palasyo dinala na nakapagpatigil sa akin.
Nakita kong nandoon ang reyna at hinihintay kami. Nakaupo ito sa napakagandang upuan. Namangha pa ako sa ganda ng pinagdalhan nila sakin. Hindi ko inakala na maganda Pala dito sa likod. Hindi man lang ako ipinasyal ni Prinsesa Rhayla dito.
"Kamahalan... Nandito na po siya" Magalang na Saad ng kawal. Napatingin ito samin partikular na sakin. Matalim ang mga mata niya at tinitigan pa ako sa mata.
"Alis na. Iwan niyo muna kami" Mataray nitong saad. Napayuko at agad na umalis ang dalawa habang naiwan naman ako Kasama ito.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sakanya. Una ko palang kita sakanya ay nakakakaba na. Hindi ko gusto ang presensya niya.
"Sabihin mo sa akin ngayon din alipin! Anong kaguluhan ang ginagawa ninyo ng bastardang Prinsesang pinagsisilbihan mo?" Sarkastiko niyang tanong sa akin. May halong paninindak ang tinig niya.
Natigilan Ako. Tinawag niyang bastarda ang mahal na prinsesa.
"W-wala po kaming kasalanan sa nangyari kamahalan si Prinsesa Fahara po ang nagsimula---
"Sinasabi mo bang magsisinungaling sa akin si Prinsesa Fahara? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa inyong dalawa ng amo mo? Mga sinungaling!" Doon ko siya tinitigan sa mata. Hindi ko nagustuhan ang pagptulo niya sa sasabihin ko
"Kamahalan mawalang galang na po pero nagsasabi po Ako ng totoo... Nauna po talagang gumawa ng gulo si Prinsesa Fahara ---
"Mahinhin at mabait na Bata si Prinsesa Fahara. Nakikita at nakakasama kaming dalawa at masasabi kong may mabuti siyang puso at hindi sinungaling kagaya ng iyong pinakamamahal na prinsesa" Napahinga ako ng malalim bago humugot ng Isang malalim na hininga
"Kamahalan pakitang tao lang po ang lahat ng iyon... Hindi po siya mabait at siya po ang naunang mangharang sa amin ng mahal na prinsesa... Wala po kaming ginawang masama sakanya maniwala po kayo samin" Napataas ang kilay nito at tsaka walang emosyon akong tiningnan
"Sinungaling! Nagagawa mo pa talagang gumawa ng kwento! Nabalitaan ko rin na sinaktan niyo raw siya! Anong karapatan mong saktan ang Isang Prinsesa? Makakarating ito sa nakakataas at kayong dalawa ni Rhayla ay mapaparusahan!" Dumagundong ang boses niya sa Galit.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sumabog na rin Ako.
"Hindi ko alam kung sino ka nga ba talaga" Napatigil siya at nanlaki ang mga matang nakatingin sakin. Totoo naman. Hindi ko siya kilala dahil Wala naman siya sa nobela ko. Hindi ko siya tauhan dahil sa pagkakaalala ko ay nandito ang totoong nanay ng prinsesa. Kasama niya at mahal na mahal siya pero bakit parang hindi iyon nangyari nang makapasok ako dito? Bakit iba ang nadatnan ko?
"Walang resp---
"Hindi ko din alam kung bakit Galit na galit ka sa prinsesa. Kahit naman hindi mo siya totoong anak responsibilidad mo pa rin ang mahalin at alagaan siya! Bakit ba ganyan kayo?! At isa pa ah? Wala ka sa nobela ko! Hindi kita naisulat at Wala akong natatandaan na isa ka sa mga karakter ko! Kaya ngayon sino ka!" Napahawak siya sa dibdib niya habang takot na nakatingin sakin
"N-nababaliw ka na talaga! Saan ka ba napulot ng bastardang iyon?! A-at... Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan ang Isang tulad kong Reyna?! Sino ka ba sa inaakala mo?! Isa ka lang namang alipin at---
"Isa nga akong alipin pero ako naman ang may kagagawan kung bakit nabuo at nag exist ang mundong kinatatayuan mo" Doon na siya nagsisisigaw na ikinaalarma ng mga kawal. Nagtaka naman ako sa inasta niya
"ILAYO AT IKULONG NIYO ANG BABAENG YAN! KAILANGAN MAPATAPON YAN!" Sigaw pa niya. Binalingan naman ako ng punong kawal bago sinenyasan ang dalawa pa niyang Kasama na dakpin ako.
Hindi naman ako nagpatinag at nanatiling nakatitig sa reyna 'kuno' nila. Hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman kung sino siya at kung Anong papel niya dito. Sabi ko na nga ba at may epal sa nobela ko.
Nakaupo ako sa loob ng selda habang panay ang lakad ko. Paroon at parito. Nabubuo ngayon ng katanungan ang isipan ko. Sino ba talaga ang babaeng iyon? Isa pa na ipinagtaka ko, ang ibang Bida ko sa kwento ay hindi lumalabas. Hindi ko na natandaan na tumutugma ang mga sinulat ko sa mga nangyayari dito sa loob.
Pakiramdam ko parang may gusto talagang sirain ang mundong ginawa ko. May gustong sirain ang kwentong kinatha ko.
Napalingon ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas. Naestatwa ako sa kinatatayuan nang Makita ko si Prinsesa Rhayla hawak ang mga mangkok na may dalang pagkain
"Iwan niyo na muna kami" Utos niya. Sabay namang napayuko ang mga kawal na bumukas bago umalis.
Napatingin siya sakin at agad na pumasok. Agad naman akong pumunta sa kanya
"Mahal na--- Rhayla! Mabuti naman at nandito ka!" Tipid niya akong nginitian bago ibinigay sa akin ang dala niyang pagkain
"Pasensya ka na talaga Aila... Nadamay ka pa sa gulong namagitan samin ni Prinsesa Fahara kanina..." Umiling ako sakanya bago hinawakan ang mga kamay niya. Nakaluhod na siya ngayon habang inosenteng nakatingin sakin
"Wala po kayong kasalanan don kamahalan... Tungkulin ko po na bantayan kayo. Mabuti po at hindi kayo yung nakalmot ng babaeng iyon" Tumingin siya sa braso ko at doon ko nalaman na nagkasugat pala talaga ako
"Sinabi sakin ni ina ang nangyari kung bakit ka nandito... Hindi mo na sana siya pinatulan pa" Umiling ako Bago siya matapang na tiningnan
"Sinabihan ka po niyang bastarda! Aba! Hindi naman po pwede yun! Oo nga at iba ang asawa ng ama niyo at hindi kayo anak ng reyna pero kahit na! Ikaw yung tagapag mana tapos kayo pa ang bastarda!" Umirap ako Kaya napayuko siya
"Totoo naman ang sinabi niya... Nag usap na sila ng ama ko at mukhang hindi na yata ako ang papalit sa trono ni ama..." Nagtataka naman akong napatingin sakanya
"Aba eh sino po? Sa pagkakaalam ko Wala naman kayong kapa---
"Nag desisyon Silang iba nalang ang maging tagapagmana. Ayos lang naman sakin ngunit ang mas ikinasama ng loob ko ay sa dinami dami ng pwede ay bakit siya pa..."
"Hindi na ako ang tagapagmana kundi... Si Prinsesa Fahara na"
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
