Chapter 2

5 0 0
                                        

NON-EXISTING II

"What the?" Inilibot ko ang paningin ko. Tiningnan ang suot ko. Nag iba na. Tumingin ulit ako sa paligid at nakita ko ang mga nagkakaguluhang mga tao. Napakunot ang noo ko dahil nag aaway way sila

Napatili ako nang biglang may bumagsak na isang lalaki sa harapan ko. Nagtaka rin ako dahil naka costume siya at feeling ko ang bigat bigat nun sa katawan.

Biglang may tumutok na matalim na espada sa leeg ko na ikinahiyaw ko. Napataas din ang mga kamay ko

"Hindi ka ligtas rito..." Naptigil ako sa ganda ng boses na iyon. Napakalamig... Ngunit kahit na ganun ay para akong natuod sa kinatatayuan, nanginig din ang tuhod ko at hindi ko alam ang gagawin.

Hinawakan nito ang balikat ko saka ako pinatayo at nang tumingin ako ay halos matulala ako. Parang isang diyos ang nasa harapan ko. Sobrang perpekto ng mukha.

Seryoso itong nakatingin sakin at mababakasan ang kawalan ng emosyon... Napahawak ako sa braso niya dahil nawalan ako ng balanse na kaagad naman niyang naalalayan. Parng may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil doon

"Umalis ka na..." Hindi ko na alam ang gagawin. Kahit ang bulong niya ay ang sexy pakinggan. Natulala pa rin ako habang nakatingin sa kulay asul niyang mga mata at nakakaakit na hitsura

"Mahal na prinsipe! Ubos na po ang mga kalaban! Ipapatigil na ho ba ang digmaan?" Napalingon siya at nabalik ako sa wisyo pero parang namanhid pa ata ang katawan ko

"Susunod ako... Sabihin mo sakanila na maghintay sa tagpuan dahil may sasabihin pa ko" Tumango ang lalaki kanina at agad na umalis...

Nilingon ako ng lalaki. Seryoso parin ang mukha niya habang ibinaling ulit ang tingin sa akin.

"Umalis ka na... Wag na wag magpapakita sakin kahit kailan ulit dahil kapag nangyari yun..." Lumapit siya sa akin at agad na tinitigan ako sa mata. Hindi ako nakapagsalita o nakagalaw dahil sa uri ng titig niya

"Papatayin kita..." Iyon ang huli Kong narinig habang nakatulala lang akong nakatingin sa papaalis niyang bulto.

Bigla ko ulit naramdaman ang sarili ko kaya agad akong napahinga ng malaim sabay hawak sa ulo ko. Pumikit ako bago pinaypayan ang sarili ko

"Pinagbabantaan ba ko nun?" Napataas ang kilay ko dahil sa naisip ko. Napa cross arm ako bago napa flip hair saka nagsalita

"Hoy! Kung Sino ka mang lalaki ka na papatayin kuno ako kapag nagkita kami! Ang kapal ng apog mo! Wag na sana tayong magkita! Mabuti pa siguro yun!" Saad ko saka tumalikod na

Nagtaka ako dahil talagang hindi pamilyar sakin ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Kung anong ginagawa ko rito. Inilibot ko ang paningin ko. Saka ko lang napagtantong parang nasa isang dessert island ako.

Kitang kita ko parin ang buong patag kahit na gabi na dahil sobrang liwanag ng buwan na mas lalong ipinagtaka ko. Naglakad ako ngunit nakakailang hakbang palang nang makaramdam ako ng hilo...

Kasabay nun ay ang pagpasok ng isang pamilyar na imahe sa ulo ko... Napahawak ako dito

"Mag iingat ka sa mga hinihiling at winiwika ng iyong bibig. Baka mamaya ay yan pa ang magpapahamak sayo... Baka mamaya, ang iyong mga kahilingang ninanais ay makuha mo ngunit ito naman ay magdadala ng panganib sa iyong buhay..."

Nang buksan ko ang mga mata ko ay iba ang bumungad sa harap ko. Ang matandang lalaking nakita ko sa tindahan ay nakatingin sakin... Magsasalita na sana ako nang tuluyan akong natumba at nawalan ng malay

Nagising ako dahil sa amoy ng paligid. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay tumambad sakin ang bahay kubo at ang... Banig na hinihigaan ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid... May mga halamang gamot sa gilid ko ngunit walang tao. Nakikita ko rin sa labas na mag uumaga na.

Biglang bumukas ang pintuan at agad na pumasok ang isang matandang babae. Nang makitang gising na ko ay agad niya akong nilapitan at nagsalita

"Kumusta ang pakiramdam mo iha?" Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko...

"A-asan po ako? A-ano pong nangyari?" Sunod sunod kong tanong

"Nakita ka namin sa gitna ng desyerto... Alam mo bang mapanganib doon? Kakatapos lang ng digmaan at mabuti nalang at nakita kita... May dugo rin ang ulo mo... Nasaktan ka ba? Bakit ka na nadun? Hindi ba't inanunsyo ng hari na wag na wag lalabas dahil my magaganap na digmaan?"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Maraming tanong sa isip ko

"H-hari? D-digmaan?" Sunod sunod kong tanong sakanya na ikinakunot ng kanyang noo

"Hindi mo ba alam? Kung sabagay, ordinaryong mamamayan lang naman tayo dito kaya Hindi na nila tayo binibigyan pa ng pansin... Hayy, hayaan mo na" Nanatili akong tahimik

"Ako nga pala si Aling Lucia... Ikaw anong ngalan mo?" Napangiti ako ng tipid

"A-aila Raine po... Raine nalang po itawag niyo sakin" Saad ko

"Taga saan ka ba? At nang maihatid na kita sainyo? Saka... Hindi pamilyar ang pangalan mo... " Tumikhim ako

"Taga Cavite po... Sa dasma maari niyo ho ba akong samahan para makauwi po ko samin? Baka kase hinahanap na ko ni mama" Nangunot ang noo ng babae

"Cav... Cavite? Dasma? Saan iyon?" Tiningnan ko siya at agad na tiningnan ang kasuotan niya maging ang suot kong damit. Magkapareha kami ngunit napansin ko na parang pang sinaunang pananamit ito

"Saang lungsod ka nabibilang? Isa ka ba sa mga rebelde na galing sa ibang kaharian para sumagap ng balita dito sa aming bayan?" Tumikhim ako bago tumayo

"A-aling Lucia... Asan po ba ako?"

"Nasa lungsod tayo ng Asmodeus... Ikaw? Saang lungsod ka ba nakatira?" Doon ako binagsakan ng langit at lupa

Pamilyar ang lungsod na sinasabi niya... Hindi ako nakaimik. Sandali akong naglakad saka inalala ang lahat ng nangyari.

Pumikit ako at bumalik sakin lahat na nasa kwarto ako. May ginagawa at nang tumuntong yung 11:11 ay agad akong nagpunta sa may bintana saka...

Napamulat ako dahil may nakita akong wishing star at pagkatapos nun ay humiling ako at pagmulat ko... Nasa ibang lugar na ko

"A-aling Lucia... S-sino po ang namumuno sa lugar na toh?" Tanong ko sakanya habang nakatalikod parin

"Sina Haring Isaac Asmodeus at Reyna Valeria..."

Sh*t! Confirmed! Kaya pala pamilyar sakin eh! Shocks! Mga characters sila ng story ko! Napahilamos ako sa sarili kong mukha...

Isa lang ang alam ko... Napasok nga ako sa librong isinulat ko...

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now