NON-EXISTING X
"Ang babaeng Nakita mo kanina... Hindi siya ang totoo kong ina"
"Ha?!" Napatayo ako sa gulat at napalakas ang sigaw ko dahilan para napaigtad ang prinsesa. Napangiti naman siya ng konti
"I-i mean po, totoo? Dimo yun tunay na nanay?" Takang tanong ko. Hanggang ngayon ay gulong gulo parin ako.
"Oo. Wala na ang totoo kong ina. At ang babaeng Nakita mo kanina ang bagong asawa ng aking ama" Hindi ako makapagsalita. Teka lang!
"You mean dimo po nanay yun?!" Bahala na kung masyadong OA ang reaction ko. Basta mag rarant Ako! Wala akong naisulat na ganun sa nobela ko ah?!
"Oo. Ngunit itinuring ko na siyang parang totoo kong ina" Nakangiti niyang Sagot sakin.
"Ngunit wag mong ipagsasabi kahit kanino Aila... Mangako ka sakin. Ayokong masira ang reputasyon ng aking mahal na ama" Doon Ako mas lalong nagulat.
"T-teka... Ibig ninyong sabihin eh, hindi dapat ipagsabi kahit kanino?" Napatango naman siya sabay hawi ng kanyang buhok
"Oo. Malaking sekreto iyon na dapat Kong ibunyag kapag darating ang Araw na uupo na ako sa aking trono" Sagot niya.
Napahinga ako ng malalim. Frustrated sa lahat ng nalaman. Hindi ko naman talaga nilagay iyon sa nobela eh! HINDI! as in Wala akong matandaan na may sekretong ganito sa buhay ng bida ko sa kwento. Ginagago ata Ako eh.
"Kung ganun naman po pala eh bakit niyo po sinasabi ito sakin?" Tumawa siya ng mahinhin Bago tumitig sakin. Naks. Kung lalaki lang ako mafafall din ako sa ginawa kong bida.
"Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko mapagkakatiwalaan kita sa lahat ng bagay kahit kanina lang kita nakilala. Nawa'y hindi ako nagkakamali Aila" Tumango ako bago tumayo.
"Opo mahal na prinsesa! Your secrets are safe" Tumawa siya sa sinabi ko
"Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Mas gusto kong marinig na may tumatawag sa pangalan ko. Palagi ko nalang kase naririnig ang salitang Mahal na prinsesa. Nakakasawa na" Natatawa pa niyang Saad.
"Sige kamahal-- Rhayla pala. Masusunod" Natawa siya sa ginawa kong pagyukod Kaya maski Ako ay natawa na rin.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising para lang madatnan ko na nandito ang Prinsipe Arkanghel. Nanlaki pa ang mga mata ko. Napakurap Ako.
Nasa balkonahe siya Kasama si Prinsesa Rhayla habang nagkakape at nag uusap ang dalawa. May dalawa namang taga pagsilbi na tahimik lang sa gilid nila.
Mabuti nalang at hindi ako Nakita ng dalawa. Nasa likuran lang Ako ng malaki at magandang kurtina. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga Ako! Hindi ko alam kung bakit. Noong una confident naman akong humarap sa prinsipe. Shit...
Dahil sa dakila akong chismosa ay nagawa ko pang pakinggan kung Anong pinag uusapan nila. Wala naman sigurong makakakita sakin dito di ba?
"Mabuti naman at nagawa mo kong bisitahin. Ayos ka lang ba? Narinig kong nagkasugat ka sa nangyaring kaguluhan Nung nakaraan" Bakas ang pag aalala sa tinig ng mahal kong bida.
"Ayos lang naman Ako. Salamat sa pag aalala. Sinadya kita rito dahil may ikaw ang nais kong kamustahin" Napapadyak ako sa kilig. Shet naman Prince Arkanghel. Wag ka namang pafall oh!
"Ayos lamang Ako. Nga pala. Nakita ko ang babaeng nagligtas satin sa kaguluhan. Nandirito siya ngayon. Kinuha ko siyang personal Kong alalay. Alam mo napakabait niya" Napangiti ako sabay hawi ng buhok ko at palihim na napangisi
Naks. Plus points ako Kay female lead nito ah.
"Ganun ba? Sino siya? Nais ko siyang Makita at makilala maaari ba?" Dahil sa narinig ay kaagad akong nataranta. Napahawak pa Ako sa sarili kong mukha. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga Ako!
"Maaari naman" Nakita kong humarap sa katulong ang prinsesa
"Maaari ho ba ninyong tawagin si Aila? Nasa silid ho niya alam niyo na po kung saan banda" Yumuko muna ang tagapagsilbi bago naglakad papunta sa direksyon ko Kaya agad akong napatakbo pabalik sa silid.
Naisarado ko ng malakas ang pinto at agad napahawak sa Mukha. Tumingin ako sa salamin at Doon ko nakitang ang haggard ko na. Di pa ako naliligo. May panis pa akong laway sa gilid at may maliliit pang muta sa mata. Kahiya!
Pupunta na sana ako ng banyo nang mapaigtad ako dahil may kumatok sa pintuan. Tinawag ako ng tagapagsilbi at sinabi lang naman niya na pinatawag ako ng mahal na prinsesa.
Napangiti ako ng sarkastiko dahil nagpractice pa talaga ako kung pano ko papakiharapan ang prinsipe. Pero sa huli, naalala ko na dapat akong maging normal. Wag ipahalata ang kaba ko at dapat hindi niya mahalata na na intimidate ako sa presensya niya.
Napairap ako. May inis Ako sa male lead ko na to ah ? Pagbantaan ba naman Ako. May makakatikim ata ng delete button eh. Kainis! Pahirapan ko Kaya ito lalo.
"Magandang Umaga po mga kamahalan." Magalang Kong saad sabay yuko. Napalingon naman Silang dalawa sakin.
Nakangiti naman sa akin si Rhayla samantalang gulat namang napatingin ang prinsipe sa akin. Nanlalaki ang mga mata at napatayo pa sa upuan bagay na ipinagtaka ko.
"I-ikaw?" Mahinang Saad niya habang hindi maalis ang titig sa akin.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasi"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
