NON-EXISTING XXXII
"P-prinsipe Arkanghel..." Mahina kong bulong sapat na para marinig niya ako. Napatingin siya sakin at hindi nagsalita kundi tinitigan lang ako.
"A-anong... Bakit tayo nandito?!" Nataranta Kong tanong pero nanatili lang siyang seryoso at hindi nagsalita
"Kamahalan magsalita--
"Hindi pa ba halata? Nandito tayo dahil itatakas kita... Umalis ka na dito Aila o mas mabuting sumama ka nalang sakin" Nagulat ako dahil sa sinabi niya at hindi nakapagsalita... Naubusan ako ng salita at parang may bumara sa lalamunan ko.
"H-hindi maaari..." Naging seryoso at Malamig ang tingin niya sakin Saka nagsalita
"B-bumalik tayo... Nakikiusap po ako. Please lang parang awa niyo na--
"Ano pa bang dapat mong balikan doon?! Wala naman na di ba?! Kaya Aila halika na pakiusap sumama ka na saki--
"Hindi" Matigas kong saad nang hilain niya ang braso ko. Napakunot naman ang noo niyang napatingin sakin
"Dahil sa ginawa ninyo mapapahamak tayo lalo" Giit ko.
"Aila..." Naging Mahinahon ang boses niya at nakikiusap ang mga matang nakatingin sa akin. Masuyo nitong hinawakan ang mga kamay ko
"Tinatanggap ko na ang lahat..." Natigilan ako nang marinig ang pait sa boses niya. Binitawan niya ang mga kamay ko bago naglakad at dahan dahang naupo sa may batuhan dito sa gubat.
Tulala itong nakatitig sa buwan.
"Nagdedesisyon na akong lumayas nalang para sa ikabubuti ng lahat... At bilang respeto na rin sa sarili ko" Nanatili siyang tulala habang nakatitig sa maliwanag na buwan na unti unting natatakpan ng mga maitim na ulap.
"Buo na ang desisyon ni ama at hindi talaga ako ang papalit sa pwesto niya... Hindi ako ang magiging bgong hari ng aming kaharian... Sayang lang dahil ginawa ko pa naman ang lahat ng makakaya ko para mas maging mabuting hari balang Araw" Gumaralgal ang boses niya
"Nag aral akong mabuti... Nag ensayo ako. Naging mabuting halimbawa sa lahat at ipinakitang nararapat akong maupo sa trono bilang bgong hari... Pero..." Napayuko siya at nilaro ang mga batong nasa paanan niya
"Wala pa ring saysay ang lahat... Kung alam ko lang sana pinili ko nalang ang maging Masaya kaysa isubsob ang sarili ko sa pag eensayo at pag aaral... Kung alam ko lang sana hiningi ko nalang ang kalayaan ko matagal na" Napahinga siya ng malalim
"Ang tronong pinagpaguran kong pangarapin ay mapupunta lang Pala sa iba" Mapait siyang ngumiti Saka tumawa na parang nasasaktan
"Wala na akong magagawa... Ayoko Rin namang manatili pa doon. Para saan pa? Para saktan ang sarili ko habang tinitingnan na may bagong mauupong hari at hindi ako?"
"Nahihiya na ako sa lahat..." Tumigil siya sa pagsasalita nang maramdamang umupo ako sa tabi niya at nakinig sakanya
"B-baka pag usapan lang ako ng mga tao at magtanong pa Sila kung bakit hindi ako ang pumalit sa ama ko..." Huminga siya ng malalim
Nakikita kong nasasaktan talaga siya ngayon. Nakikita kong labis siyang naghinanakit dahil hindi mapupunta sa kanya ng trono ng ama niya
"Bago mamatay ang kuya ko. Nangako Ako sakanya na pamumunuan ko ng mabuti ang aming kaharian... Na magiging mabuti akong hari sa lahat... Na magiging mabuting ehemplo at modelo ako sa aming lungsod"
Natahimik siya saglit. Napatitig ako sakanya at doon ko nakitang umiiyak na siya. Ayaw niyang magsalita dahil alam niyang mahahalata kapag nagsalita pa siya.
"P-pero di ko na magagawa" Tinapik ko ang balikat niya at hinagod ang likuran niya. Tahimik naman siyang umiyak
"A-ayoko na Aila... Ayoko nang bumalik doon. Hindi na din naman Ako kailangan doon at Wala na rin akong mukhang maihaharap sa mga tao pati na rin sa puntod ng kuya ko... Mas mabuting umalis at lumayo nalang ako"
Kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Namalayan ko nalang na tahimik din akong umiyak Kasama siya. Nasasaktan ako dahil may Isa na namang karakter ko ang nawawalan ngayon ng pag asa
Napakuyom ang kamao ko at galit ang namuo ngayon sa dibdib ko. Tama nga ang matandang lalaki sa panaginip ko. May isa talaga sa mga karakter ko dito sa nobela ang sisira sa buhay ng mga bida ko sa kwento.
Kapag nalaman ko kung sino ay magbabayad siya. Kapag nalaman ko kung sino siya. Sisiguraduhin kong siya ang buburahin ko sa nobela. Sisiguraduhin kong siya ang mawawala ng tuluyan...
"M-mababawi pa po natin iyon Prinsipe Arkanghel" Ngumiti siya ng mapait sa akin pero nandun parin sa mga mata ang kawalan ng pag asa.
"Bumalik po tayo doon... Nakikiusap po ako sainyo... Hayaan niyo pong tulungan ko kayo... Hindi po maaari na hindi Ikaw ang magmamana ng trono ng ama niyo... Ipaglaban po ninyo ang karapatan ninyo bilang natitirang tagapag mana... Lumaban po kayo... Sigurado po Ako na tutulungan din kayo ng mga taumbayan para mabawi ang dapat sa Inyo... Tiwala lang po mahal na prinsipe... Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito at mababalik din Sayo lahat sa dati" Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. Napatingin naman siya doon. Ngumiti lang siya ng matamis sakin at huminga ng malalim sabay tingin ulit sa kawalan
"Salamat Aila" Tumingin siya sakin. Lumamlam ang mga matang napatitig sa akin.
"Kahit alam mong imposible, nagagawa mo pa ring bigyan ako ng konting pag asa... Salamat dahil handa kang tumulong sa lahat... Kahit na alam kong ginagawa mo lang ito dahil nagmalasakit ka lang..." Dumaan ang sakit sa mga mata niya
"Kahit na alam kong... Tinutulungan mo lang ako dahil naaawa ka sakin... Hindi naman tayo mag kakilala at Hindi mo rin naman Ako masyadong kilala ngunit nandito ka at handang tulungan ako..." Puno ng senseridad na saad niya habang nakatitig sakin
"Tinulungan po kita dahil deserve po ninyo ang tulungan... Dahil po alam kong Meron kayong mabuting puso at alam ko na mabuti kayong Prinsipe... Alam ko po na hindi niyo pababayaan ang trono kapag napunta sa Inyo... Hanga po ako sa Inyo" Hanga ako dahil tulad ni Prinsesa Rhayla ay ginagawa nila ang mga makakaya nila para maisalba ang dapat ay sakanila.
Hanga ako sa dalawa kong Bida sa kwento. Dahil kahit naging magulo at hindi ko na nasubaybayan ang Buhay pag ibig nilang dalawa, nandun parin ang pagiging mabait at may pagkamabuting puso bagay na dapat taglayin ng mga susunod na mamumuno ng lungsod...
"Dahil sa ginawa mo... Mas lalo mo lang binibihag ang puso ko... Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason para mas mahulog ang loob ko sayo"
Nagkatitigan kami sa mga mata pero hindi ko alam kung bakit ..
Biglang sumikip ang dibdib ko at parang nasaktan ako dahil sa sinabi at inamin niya
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasía"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
