Chapter 7

0 0 0
                                    

NON-EXISTING VII

Nanlamig ako habang nakaupo hawak hawak ang braso. Hindi alam kung aabutin ko ba ang mga kamay na nakalahad para sakin.

Ang walang emosyon niyang asul na mga mata ang siyang nakakakilabot para sakin. Naumid ang dila ko at di alam kung Anong gagawin.

"Uupo ka lang ba riyan?" Malamig niyang tanong sakin nang hindi ko inabot ang nakalahad niyang kamay.

Nanginginig kong hinawakan ang kamay niya. Medyo napaso pa ako nang makahawak ang kamay niya. Dahan dahan niya akong itinayo at nagulat pa nang hawakan niya ang bewang ko.

"S-salamat..." Hindi siya nagsalita ngunit ramdam kong nakatitig siya sakin.

"Ano ba ang bilin ko Sayo?" Biglang tanong niya gamit ang Malamig na boses. Napalunok ako

"Handa ka na ba talagang mamatay?" Hindi Ako nakapagsalita. Nanginginig ang labi ko at gusto na sanang magsalita ngunit agad ko namang itinikom ang bibig ko.

Inalis ko ang pagkakahawak sakanya at Napahinga ng malalim.

"Aalis na ako" Mahina kong saad at agad na tumalikod ngunit nakailang hakbang palang ako nang biglang may Isang kamay na humatak sakin pabalik.

Nakatitig ang prinsipe sa mga mata ko at hindi kumurap na para bang mawawala Ako kapag ginawa niya iyon. Napalunok ako sa ginawa niya ngunit desidido na akong umalis Kaya buong pwersa kong inalis ang pagkakahawak niya sakin.

Agad akong tumakbo at agad na umuwi sa bahay ni Aling Lucia.

NAG AALALANG mukha ng matanda ang nadatnan ko. Mababakas sa mukha niya na kagagaling lang niya sa pag iyak. May problema kaya?

Nang Makita ako nito ay kaagad niya akong sinalubong ng mainit na yakap

"Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang nakauwi! Akala ko'y nadamay ka sa pagsabog!" Halata sa Mukha niya na nag aalala talaga siya. Hindi ko maiwasang makonsensya

"Ano bang nakain mo at umalis ka sa tabi ko ha? Ang kabilin bilinan ko wag na wag ka aalis!" Sermon niya at napatingin sa braso ko.

Nang tingnan at iangat ko ito ay nakaramdan Ako ng kirot. Nag aalala na naman ang matanda

"Nakita kita kanina... Paano mo nalamang may gagawa ng gulo sa pagsasalubong kanina?" Tiningnan ko siya. Hindi ko magawang makapagsalita.

"M-may nakita po akong lalaki... M-malakas po ang pakiramdam ko na may gagawin siyang masama Kaya lumapit ho ako " Pag sisinungaling ko. Ayoko naman Sabihin na narinig ko iyon Mula sa kung sino kagabi.

"Paniguradong madidiin ka Dito. Paniguradong Ikaw ang pagbibintangan nila" Dahil sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan.

"P-pero po niligtas ko lamang ang dalawa. A-ang Prinsesa at Prinsipe ----

"Hindi iyon sapat... Siguradong gagawa Sila ng paraan para lang may managot sa nagawang kaguluhan kanina. Ayaw nilang ipamukha sa taumbayan na hindi nila kayang hulihin ang nanggugulo"Hindi Ako makapagsalita

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Wag ka na munang lumabas. Kailangan munang humupa ng tensyon para hindi ka madiin" Saad niya at iginaya Ako upang gamutin ang sugat ko sa braso

"Lucia narinig mo ba ang nangyari kanina sa palasyo?" Napatigil ako sa ginagawa at pasimpleng nakinig sa kausap ni Aling Lucia.

"Bakit Merlin? Ano bang nangyari?" Sinulyapan ako ni Aling Lucia

"Nahuli na daw ang gumawa ng kaguluhan kahapon. Dalawa Sila. Pinapahirapan ang isa samantalang pinugutan naman ng ulo ang isa at nilagay sa pintuan ng palasyo bilang babala sa mga nagtatangka sa buhay nila" Kinilibutan ako sa narinig.

"Diyos ko. Mabuti naman at nahuli na sila. Hindi talaga marapat na pagtangkaan nila ang Buhay ng mga maharlika" Pag sang ayon ni Aling Lucia sa kausap

"Balita ko pinaghahanap na ngayon yung babaeng tumulak sa mga anak ng kamahalan " Doon na ako napalingon. Hindi naman siguro ako Nakita ng mga iyon

"At bakit raw?"

"Malay ko. O siya sige, aalis na ko" paalam nito

Napatigil ako sa ginagawa. Nagkatinginan kami ni Aling Lucia ngunit walang lumabas na salita Mula sa bibig ko.

Kasalukuyan akong nanguha ng pang gatong dahil Wala naman akong ginagawa. Tulong ko na Rin kay Aling Lucia. Ang kapal ko naman kung maski ito lang diko pa tulungan

Abala Ako sa ginagawa ng makarinig ako ng matinis na sigaw Mula sa di kalayuan. Napakunot ang noo ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid, puro Puno at kagubatan lang talaga ang makikita mo. Walang katao tao.

Narinig ko ulit ang sigaw ng matinis na tinig kaya naman ay walang pag alinlangan kpng sinundan ito. Iniwan ko ang mga dala ko saka agad na hinanap kung sino ang sumigaw.

Napatakip ako sa bibig sa Nakita. May dalawang nakasalakot na lalaki na parang dinudukutan ang sakay ng Isang karwahe.

Nakita kong nakahandusay na ang kutsero nito at may dugo sa ulo. Wala nang Malay.

Halos mawalan Ako ng Malay nang makitang ang tinutugis nila ay si Prinsesa Rhayla. Umiiyak ang Bida kong babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Ito yung scene kung saan darating yung third male lead ko sa story. Infamous prince siya na hindi masyadong known sa kahit saang bayan

Dito eh! Dito niya ililigtas ang bidang babae! Dito Rin siya mahuhulog Kay Rhayla at maging bodyguard niya rin ito! Pero asan na siya?! Bakit Wala?!

Naghintay Ako ng ilan pang Segundo ngunit Wala! Takot na takot na ang Bida ko sa kwento at parang may masamang balak pa atang galawin o saktan ang mahal na prinsesa.

Walang pag alinlangang lumabas Ako sa pinagtataguan. Naiinis parin talaga ako dahil hindi man lang nagpakita yung third male lead. Lagot yun sakin! Hindi man lang ginawa ng maayos ang role niya dito sa buhay ng Bida.

Kumuha ako ng malaking kahoy at pinagpupukpok Sila sa ulo. Hindi ko alam pero pinaghalong inis na yung naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nainis ako sa dalawang dahilan, una, hindi dumating yung third male lead, pangalawa, hindi man lang lumaban yung prinsesa! Teka! Naisulat ko to eh! Na tutulungan niya yung infamous prince para matalo tong dalawa pero tingnan mo ang nangyari, Ako lang ang humarap at kumalaban! Samantalang siya ayon! Nakatulala lang habang nakatingin sakin...

Hinihingal akong napaupo nang makitang Wala nang mga Malay ang dalawa. Natahimik ako at nang tingnan ko ang nakasakay sa karwahe ay Nakita ko itong manghang nakatingin sakin.

"I-ikaw?" Mahinhin nitong Saad na para bang pamilyar Ako sakanya. Maya maya pa ay Ngumiti siya sa saya

"Ikaw yung nagligtas sa buhay namin ni Arkanghel!"

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now