NON-EXISTING V
Mas lalong hindi ako nakatulog sa narinig. Pabalik balik ako ng lakad at di mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinaghalong pangamba ang nararamdaman ko. Napabuga Ako ng hangin bago napagdesisyonang lumabas ulit. Alam ko naman na mangyayari ang ganitonh bagay
Naisulat ko ito sa nobela ngunit Isang estranghero ang nilagay ko na siyang nagligtas sakanila. Hindi ko na ito binigyan pa ng pansin dahil alam kong extra lang naman ang Isang yun.
Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit Ako mismo ang nakarinig nun. Sa pagkakaalam ko Isang estranghero din ang nilagay ko na siyang nakarinig at nakapagligtas sa kanila ngunit... Asan na siya?
Hindi ko alam na hanggang langit Pala ang kaba pag Ikaw mismo ang nakarinig ng mga ganitong bagay. Napahinga ako ng malalim bago agad na lumabas.
Naglakad ako ngunit nakailang hakbang palang nang makarinig ako ng pagdaing ng kung sino. Napakunot ang noo ko pero nangingibabaw sakin ang takot.
May multo Kaya Dito? O di kaya nilibing ng buhay?
Agad kong nilapitan ang pinagmulan nun at nanlaki ang mga mata ko nang Makita ang Isang nakahandusay na nilalang sa lupa. Napakurap Ako Bago agad itong nilapitan.
Mula sa maputi niyang balat, manipis na kulay pulang labi, matangos na ilong maging ang magandang pangangatawan kahit na natatakpan naman ng kanyang magandang kasuotan na pwede nang pang model. Napalunok Ako at biglang pinagpawisan
Ngunit agad din nanlaki ang mga mata nang makitang may sugat siya sa tagiliran. Hula ko ay parang sinaksak ito. Napatakip Ako sa bibig.
Kahit hindi dumilat ay alam kong gising ito. Nahihirapan na itong huminga
"Sir? Naririnig niyo po ba Ako? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko dito ngunit daing lang ang Naging Tugon niya.
Wala akong nagawa kundi punitin ang bestida ko ng konting piraso. Nakita kong nahihirapan na ito. Hindi ko masyado aninag ang Mukha niya.
Nang mahawakan ko ito ay tila may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko at nang lingunin ko ang lalaking tutulungan ko sana ay nakadilat na Pala ito. Kulay asul ang mga mata niya
Biglang bumalik sakin ang alaala. Nanlaki ang mga matang tiningnan ko ito. Ito yung lalaking nakausap ko Nung napasok Ako sa nobelang ito!
"T-tulungan na kita" Nauutal kong saad. Agad akong pinagpawisan hindi ko alam kung bakit. Nanatili parin itong nakatitig sakin na parang ako lang ang tanging tanawin na kanyang makikita.
Hindi parin ito nagsalita... Napakunot ang noo ko dahil hindi manalang ito kumurap sa harapan ko. Napatikhim Ako
"Ehemm! Gagamutin po kita. Tingnan mo oh. May sugat ka po" Saad ko ngunit nanatiling nakatitig lamang ang asul niyang mga mata sa akin.
Wala akong nagawa kundi gamutin nalang ito. Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang gamutin ito. Pabalik balik pa ko sa kubo Saka babalikan ko na naman siya na tulala lang at pag dadating Ako ay tititigan na naman Ako.
"Ayan! Tapos na!" Nakangiti kong saad bago ilagay ang telang nakuha ko pa sa bestidang suot ko.
"Masakit pa ba? Dahan dahan lang sa paglakad ha kase baka dumugo ulit sugat mo. Tsaka masakit pa talaga yan kase presko pa yan. Hayaan mo, baka bukas hindi na masakit Yan" Saad ko.
Tinitigan ko ito ngunit nakatingin lamang siya sakin.
Hindi ata to nakakaintindi ng Tagalog? Napakamot ako ng Mukha parang may malaking problema. Magsasalita na sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang dalawang balikat ko
![](https://img.wattpad.com/cover/372282120-288-k136518.jpg)
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasia"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...