NON-EXISTING XIX
He wants me to what? Dance with him? Siguro ba siya? I mean... Hindi lang ako makapaniwala. Really? A Prince ask me to dance with him... Well... Okay naman kaso awkward pag ganun.
"Is that okay to you? Or... not?" Nag alinlangan pa siya. Maski ako din naman. Napatanga lang kase ako dahil di talaga ako makapaniwala.
Ibubuka ko sana ang bibig ko pero naunahan na niya Ako.
"I-it's o-okay if you don't want. Sino ba naman ang gustong makisayaw ang halimaw na katulad ko" Lumunok siya at umiwas ng tingin saka nahihiyang ibinaba ang kamay niya ng dahan dahan.
Ano?! Halimaw?! Hindi ko alam pero naiinis Ako pag naririnig yun through... Ako naman talaga ang may kagagawan kung bakit yun ang tingin sakanya ng iba.
"A-ayos lang..." Aabutin ko sana ang kamay niya ngunit naibaba niya na Kaya Hindi ko na nahawakan. Sayang.
Nagtataka naman niya akong tiningnan ngunit nang makuha ang ibig kong sabihin ay umiwas lang siya ng tingin saka ngumisi.
"You also see me as a monster right? Well... That's okay" Humina ang panghuli niyang sinabi Kaya naman ay napatikhim ako.
"Okay naman sakin na makasayaw ka Kaya lang... Okay lang ba? I mean ayos lang ba Sayo? A-ang daming babaeng gustong isayaw ka oh" Tinuro ko ang kumpol ng mga katulad niyang royalty na pasimpleng tumitingin sa gawi namin na nasa labas. May ibang tao rin o commoner na kagaya ko ang pasimpleng dumadaan dito. Pero minsanan lang.
"I ask one or maybe five princess but they refuse to dance with me... Reason. I'm a monster and I scared the h*ll out of them" Hindi ako natutuwa sa totoo lang. Ang daming hindi umakma sa mga isinulat ko.
In the story or in the book usually habulin siya ng mga babae but what happened?!
"P-payag ako " Wala naman sigurong masama kung makikipagsayaw ako sakanya di ba? He's a Prince and okay lang naman siguro na makasayaw ako ng prinsipe. Hindi na tumugma ang nasa kwento ko kaya lulubos lubusin ko na.
Well technically, Wala din naman nakikipagsayaw sakin kapag may mga ganitong okasyon even sa prom namin sa totoong Mundo o di kaya acquaintance or ball kase... Di ko alam kung bakit walang lumalapit.
First time ko lang ayain ng lalaki at ito pa talagang evil second male lead ko sa story na para namang green flag kung umasta.
Nakita kong sandali niya akong tinitigan. Sinisiguro niya ata kung seryoso ako. Well, seryoso naman talaga akong makasayaw siya. Susubukan ko lang.
Hindi lang siya umimik at nagsimula nang lumapit ng dahan dahan sa akin saka hinawakan ang bewang ko at ipinatong naman niya sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko.
Sakto naman at parang pang romantic ang tugtog sa loob na abot Hanggang dito sa labas.
Sumasabay kami sa tugtog habang siya ay mataman na nakatitig sakin at dahan dahan akong isinasayaw nang hindi iniiwas ang titig sa akin.
Hindi ko namalayan na nagsasayaw na pala kami ng paikot ikot. Hindi ko na namalayan ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang musika na masarap sa pandinig at ang... Malakas na tibok ng puso ko.
Nagulat ako nang dahan dahan siyang ngumiti at agad na hinapit ako sa bewang. Akala ko ay isasayaw pa niya ako pero nagulat ako nang bigla kaming yumuko kasabay nun ay ang pagtama ng isang mabilis na palaso na tumusok sa dingding.
Hindi ako makakilos at nanatiling nakatitig Kay Prince Rhuss. Parehas kaming natahimik at nang dahan dahan kong tiningnan ang palasong muntik na tumama sa amin ay doon ko nakitang, bumaon ito. Malalim na malalim.
"A-anong..." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang yakapin niya ako Saka mas yumuko pa kami.
"Stay still. Wag na wag mong ipapakita ang ulo mo. Yumuko ka lang" Utos niya sakin Saka may kinuha sa bulsa niya na Isang antidote Saka niya kinuha ang espada at pinatakan iyon Saka ekpertong inihagis iyon sa kung saan nanggaling ang palaso.
Narinig ko ang pagdaing ng Isang lalaki at ang pagtakbo nito papalayo. Inilahad ni Prince Rhuss ang kamay sa akin Kaya agad ko naman iyong tinanggap Kaya napahawak ako sakanya habang siya ay inilipat sa bewang ko ang hawak.
Agad niya akong binitawan bago bumaba para kunin ang espadang inihagis niya kanina at doon ko nakita na may pulang dugo ito.
Napatakip ako sa bibig at dinamba ng kaba ang buong Sistema ko. Tinitigan ko si Prince Rhuss pero hindi naman siya mukhang natakot.
"S-sino yun?" Halos pabulong kong tanong sakanya. Umakyat siya ulit at kaagad lumapit sakin at hinawakan ako.
"It's just nothing..." Malamig niyang Saad bago lumingon sa palaso Saka balik sakin.
"It's just a threat by someone I don't know" Parang balewala lang sakanya ang sinabi niya.
"Sino namang nagbabanta Sayo?" Nagkibit balikat siya sakin Bago ngumisi Saka hinapit ang bewang ko ulit.
"Let's continue dancing" Saad niya... Magsasalita na sana ako nang may mga papalapit sa amin...
Nanlaki ang mga mata ko Kaya napalayo ako Kay Prince Rhuss na nagpakunot ng noo sakanya.
"M-magandang gabi po mga kamahalan" Doon na siya napalingon sa likuran at Nakita ang mga magulang niya na nakatingin sa kanya Saka nalipat ang tingin sa akin.
"Rhuss. You okay? Nararamdaman kong may nagmamanman ngayon para mapahamak tayo" Seryosong Saad ng ama niya na ikinatango niya
"Yeah I know... Sinubukan nga nilang patamaan kami ng palaso. Buti nalang at mabilis kaming nakailag" Napatingin ang nanay niyang reyna sa akin na nakakunot ang noo.
"Sino ang Kasama mo?" Hindi niya sinagot ang ina at magsasalita na sana ito pero agad na lumabas si Prince Arkanghel kasabay sina Prinsesa Rhayla, Prinsesa Fahara at mga kapatid nito na papalapit sa amin.
"Ayos ka lang?!" Nagulat ako dahil bigla akong hinawakan ni Prince Arkanghel sa braso at may pag aalala ang Mukha niya. Nabaling sa akin ang tingin ng lahat kaya napalunok ako at napalayo sakanya
"A-ayos lang po kamahalan" Yumuko ako at lumayo na sakanya.
"M-magkasama kayo?" Nauutal na tanong sa akin ni Prinsesa Rhayla. Nakatingin na Silang lahat sa aming dalawa ni Prinsipe Rhuss. Nabaling ang tingin ko kay Prinsesa Fahara na nakataas ang kilay sa akin at mataray akong tiningnan.
"Wag na wag ka nang lalapit sakanya sa susunod... Mapapahamak ka lang kapag siya ang Kasama mo" Saad ni Prince Arkanghel at agad naman akong nilayo Kay Prince Rhuss
Teka lang! Bakit ba toh ganito makaasta? Hindi ba niya nakikitang pinagtitinginan kami.
"Wag ka nang lumapit sakanya at baka mapahamak pa siya" Seryoso nitong Dagdag. Napangisi naman si Prince Rhuss sakanya.
"Don't worry, I won't allow anyone to harm her... As long as she's with me"
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Фэнтези"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
