Chapter 17

0 0 0
                                        

NON-EXISTING XVII

"Hindi ko maintindihan, palagi Kong tinatanong kung totoo bang mahal ako ng aking mga magulang. Palagi ko nalang Hindi nararamdaman ang pagmamahal nila. Naging mabuti akong anak at sinusunod ang mga gusto nila pero bakit parang pakiramdam ko hindi parin sapat?" Pagsisimula niya.

"Ganyan naman po yung mga magulang. Palaging nagdedesisyon para sa anak nila. Pero mahal po tayo ng mga magulang natin. Wala naman pong mga magulang ang hindi mahal ang mga anak nila. " Saad ko at naalala ang mga magulang ko. Kumusta na Kaya sila? Ayos lang Kaya? Hinahanap kaya nila ako?

"Ako naman ang anak nila hindi ba? Ngunit bakit hindi ko ramdam?" Gumaralgal ang boses niya. Ha? What does he mean by that?

"Ano po bang problema?" Tanong ko sakanya. Huminga siya ng malalim at hindi agad nagsalita. Panay tikhim pa siya at singhot. Wait. Parang naiiyak siya

"N-nag desisyon na ang aking ama na bumaba na sa kanyang trono" Saad niya na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko. So it means! Magpapakasal na sila ng prinsesa?!

"Omo! So it means malapit na kayong ikasal si Prinsesa Rhayla kase magiging hari ka na di ba? Nandito ba sila para sa magiging kasal niyo? Nagplano na ba? Oh my God ba't ang dali naman ata?" Natataranta kong Saad. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng Prinsipe.

"I-ikakasal? H-hindi kami ikakasal..." Sagot niya at umiwas ng tingin. Malungkot na tumingin sa labas at nagsalita ulit

"Nandito si ama dahil nais niyang imbitahan si Haring Ikarus at Reyna Hanara sa nalalapit na pagkorona ng bagong hari ng aming lungsod" Saad niya kaya di ko mapigilang magulat. At the same time maexcite OH MY GOD!

"So magiging hari na po ang kapatid niyo? Naks. Sure po ako na magiging mabuti ang lungsod at mas magiging maayos sa ilalim ng pamamahala ng kuya niyo... Support po ako " Tumawa siya ngunit agad din naman napawi iyon. At kumunot ang noo niya

"W-wala akong kapatid. Nag iisang anak lang Ako. M-maganda sana kaso... H-hindi ako ang tatanghaling hari ng aming palasyo sa susunod" Gulat akong napatingin sakanya. What the h*ck? What's the meaning of that? Na hindi siya magiging king? At sino?! Teka Anong Sabi niya?! Wala siyang kapatid?!

"Ha?! Eh kung di po kayo ay sino?!" Di ko mapigilang magtaas ng boses.

"Ang aking pinsan. Si Prinsipe Gideon ng Quinones" Halos atakihin ako sa puso sa narinig. Para akong hihimatayin sa nalaman. P*tang *na bakit iyon?!

"P-pero di ba po Wala naman yung Kasama sa pamilya niyo? Hindi po yun pwede pano po kayo? Di ba kayo yung mga totoong anak di ba? Ipapasa dapat iyan sa anak at hindi sa pinsan!" Nag hehystirikal kong Saad.

"W-wala akong magagawa... Maluwag sa loob ko nalang tatanggapin ang desisyon ni ama... Ayoko naman na itakwil niya ko at paalisin kapag hindi ko tanggapin ang desisyon niya" Umiling Ako at hinawakan siya sa balikat.

"Mag file ka po ng petition! Mag reklamo ka po! Karapatan mo po yan kase Ikaw ang anak!" Ngumiti lang ang prinsipe sa akin at umiling lang na ikinabagsak ng balikat ko.

"H-hindi na... Kahit naman Gawin ko iyon ay Wala akong magagawa" Saad pa niya kaya Napahinga ako ng malalim. Hindi naman toh nangyayari sa story eh. As in hindi talaga walang ganito! Bakit naging ganito na?!

"Hindi naman to ganito Nung sinulat ko eh! Maayos pa nga yung pagkakasulat ko nun at Wala sa eksena yung Gideon na yun! Teka kuya yun ni Fahara di ba?! Arghhh kairita!" Frustrated Kong saad.

"Sinulat? At bakit mo sila tinatawag sa pangalan nila? Baka may makarinig sayong iba" Umirap ako sakanya at nanggigigil na hinarap siya

"They are not worthy of my respect!" Matigas kong Saad at umirap ulit.

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now