Chapter 44

0 0 0
                                        

NON-EXISTING XLIV

"Naalala mo ba nung sinabi ko sayong may ibig sabihin at may malalim na kahulugana ng keychain na yun? Kagaya ng wishing star, may malaking ganap din ang keychain na iyon sayo..." Tumigil siya at tiningnan saglit ang reaksyon ko

"Ang keychain na yun ang magliligtas sayo at ang nag iisang bagay para makalabas ka dito"

"Akala ng mga kalaban mong karakter na kapag napunta o naipatapon ka dito ay p*t*y ka na well, mali sila. Lahat ng mga naitatapon dito ay mga manunulat lang lahat na kagaya mo, akala nila, o akala ng mga tauhan mo sa nobela mapa extra man o ano pa ang role nil sa kwento mo na ang ipapatapon dito ay mga may mabibigat na kasalanan well mali sila..."

"Dahil lahat ng naipapatapon sa wasted Island ay mga manunulat lang na gustong ipatapon o sirain ng mga kalaban nilang karakter... Kagaya mo, kagaya ng kalaban mo" Huminga siya ng malalim

"Ngayon, balik tayo sa keychain na naiwala mo. Ang tanging paraan lang para makawala ka dito ay kung tutulungan ka ng karakter na iyon na palabasin ka dito... Kung hindi, problema na naman" Nagkibit balikat siya.

"P-paano ko po malalaman o makakausap ang karakter na iyon?" Hindi siya sumagot sa akin at tumalikod na

"Paano ka nakakasisiguro na hindi mo siya makakausap? Pagmamahal palang niya sayo nangibabaw na sa lahat... Malabong hindi ka niya matulungan" Saad niya at agad nang nawala sa paningin ko

Napatayo ako at hindi nakagalaw. Hinanap ng mata ko yung matandang lalaki pero wala na siya...

Tumingin ako sa kalangitan bago dinamdam ang lamig ng hangin

"Kung totoo man ang sinasabi ng matanda... Prinsipe Arkanghel... Iligtas mo ko nakikiusap ako sayo... Parang awa mo na" Tumulo ang luha ko.

"Alam kong hindi naging maganda ang huling pagkikita natin pero kung ikaw man o si Prinsesa Rhayla ang may hawak. Tulungan niyo naman ako..." Napahikbi ako

"P-pasensya na kayo kung hindi ko natupad ang pangako ko sainyo na babawiin natin ang trono niyo. Pasensya na kayo kung nangako ako tapos di naman pala natutupad. Gusto ko nang bumawi sainyo"

Napaupo ako nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sa sinuman. Napayakap ako sa tuhod ko bago isinubsob ang ulo ko at doon umiyak

"Sana panaginip nalang ang lahat... Sana hindi ko nalang hiniling na mapunta dito" Mahina kong saad. Napatingin ako sa paligid ng wasted island. P*t*y na isla talaga siya kung titingnan mo.

Napakunot ang noo ko at napatayo nang may marinig ako sa kung saan. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa may makita akong liwanag mula sa langit.

Napatayo ako dahil para itong ipo ipo na unti unting lumaki. Biglang sumilaw ang liwanag kaya napatakip ako sa mga mata ko. Biglang humanhon ng malakas dahilan para mapaupo ulit.

Biglang sumakit ang ulo ko na parang may humigop sakin pataas na ikinahina ko. kasabay nun ay nawalan ako ng malay.

Nang magising ang diwa ko ay kalansing ng espada ang narinig ko. Mabigat ang dibdib ko at agad hinabol ang hininga nang mapagtantong hindi ako humihinga. Malakas ang kabog ng dibdib ko at agad napadaing nang makaramdam ng kirot sa ulo ko

Nang imulat ko ang mga mata ko ay madilim na kalangitan ang nabungaran ko. Inilibot ko ang mga mata ko at dahan dahang napatayo nang mapagtantong nakahiga ako sa lupa.

Nang tingnan ko ang paligid ay doon ko nakita ang mga nagkakagulong mga kawal. Naglalaban sila at doon ko lang napagtantong nasa gitna ako ng isang digmaan.

Napaatras ako nang matumba ang isang kawal sa harapan ko. Dilat ang mata nito at napaubo nang dugo. May palasong nakasaksak sa dibdib nito

"MAGSITABI! PADAANIN NIYO ANG KAMAHALAN!" Napatingin ako sa di kalayuan nang may biglang sumigaw.

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now