Chapter 9

2 0 0
                                        

NON-EXISTING IX

Gusto kong mabilaukan dahil sa gustong mangyari ni Prinsesa Rhayla. Pasimple pa akong napahawak sa Mukha ko. Mukha na ba akong alalay o mukha ba akong alila?

"At bakit? Hindi ba't nandiyan naman si Aurelia" Tiningnan ako ng prinsesa bago magsalita.

"Siya ho ang gusto kong ipalit Kay Aurelia ina. Ayoko kay Aurelia. Hindi niya ginagawa ng maayos ang trabaho niya" Naiinis na Sagot ng prinsesa ngunit bakas parin ang kahinhinan doon

"At isa pa. Dati siyang naninilbihan sa mga Quinones. Alam mo naman ho na hindi kami magkasundo ni Prinsesa Fahara" Dagdag niya pa.

"Mahal hayaan mo na ang bata..." Mahinahong Saad ng hari na nakapagpangiti kay Rhayla. Napahinga naman ng malalim ang reyna at walang nagawa kundi sumang ayon

"Sige. Ngunit kailangan bantayan ang babaeng iyan. Wag ka Basta basta magtitiwala sa Isang iyan agad agad" Hindi ko nagustuhan ang lumalabas sa bibig ng reyna. As far as I remember, mabait ang description ko sa nanay nito. Para naman atang hinuhusgahan ako nito.

"ANG lambot ng kama" Bulong ko. Nahiga ako nang paulit ulit dahil ang sarap sa likuran.

Pagkatapos ng usapan namin kanina ay hindi ko na nakita ang mahal na prinsesa. Abala siguro ito sa mga aralin na gagawin niya. Dahil Wala naman siyang Kapatid kaya siya ang susunod na tagapag mana ng trono. Magiging soon to be Queen ang mahal kong alaga.

Mag papantasya pa sana ako ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Aling Lucia. Patay! Hindi nun alam na nandito ako sa palasyo ng mga Ursianna. Paniguradong mag aalala iyon.

May kumatok sa pintuan Kaya naman ay agad ko itong pinagbuksan. Napangiti ako ng malaki nang makitang ang prinsesa ito. Suot ang pantulog niyang damit na bumagay sa mala diyosa niyang kutis

"Ayy magandang Gabi po kamahalan halika po pasok po kayo!" Mahinhin naman itong natawa. Agad naman siyang pumasok at naupo sa kama ko saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko

"Ayos ka lang ba rito?" Mahinang tanong niya na ikinatango ko

"Okay na okay po mahal na prinsesa" Nangunot ang kanyang noo at nagtatanong ang mga mata. Hindi siguro nakuha yung gusto kong iparating

"Ayos na ayos po Ako Dito... Salamat po sa pansamantalang pagpapatuloy. Ang bait niyo po" Yumuko ako Saka Ngumiti

"Gusto kitang naging personal na alalay. Magaan ang loob ko sayo Aila. Gusto kong maging magkaibigan tayo. Gusto ko na may Kasama at may kakwentuhan sa Araw araw. Yun bang ituturing kong parang kapatid. Masaya siguro ang ganun ano?" Hindi ko alam pero nakokonsensya ako. Oo at ginawa ko siya na nag iisang anak ng hari at reyna ngunit hindi naman Ako aware na malulungkot Pala siya ng ganito.

"Gusto ko po sana... Kaso po, may pamilya din po kase akong uuwian eh. Yung nanay ko baka nag aalala na" Pagpapalusot ko. Hindi naman sa ayaw kong makasama siya. natatakot lang ako na baka makasagupa ko na naman yung dalawang prinsipe na alam kong may malaking papel sa buhay niya.

"Aila pumayag ka na. Para may rason ako para paalisin si Aurelia" Hinawakan niya Ako sa kamay na parang nag mamakaawa.

"May ginawa ho bang masama ang babaeng yun sa Inyo mahal na prinsesa?" Yumuko naman siya at natulala saglit Bago umiling.

"Wala naman... Sadyang ayoko lang sa presensya niya" Sagot niya. Hindi na ito umimik pa at nakatulala nalang. Halatang malungkot ito sa hindi ko malamang dahilan. Kaya naman, gumawa nalang Ako ng topic para may pag usapan kami

"Alam mo mahal na prinsesa... Ang swerte mo ano? Ang ganda ng palasyo niyo. Ang yaman niyo. Ang ganda mo. Nasa Sayo na ang lahat ang bait mo pa! Pinagpala ka talaga!" Natutuwa kong saad. Ngumiti naman siya

"Salamat..." Yumuko siya ulit na may ngiti sa labi

"Sigurado po akong maraming magkakagusto na lalaki sa iyo pero focus muna po tayo kay Prinsipe Arkanghel. Hehe yun kase yung manok ko at boto Ako sakanya para Sayo! Andami din sigurong naiingit Sayo kase nga di ba? Ang ganda ganda niyo po tas ang bait pa di ba?"

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil andami kong compliment na nasabi.

"Maganda nga ang Buhay ko. Hindi naman Ako Masaya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako susunod sa utos ng mga magulang ko. Ayoko Rin ng kinaiingitan ako. Hindi ako natutuwa. Ang sarap siguro sa pakiramdam na Malaya ka noh? Yung tipong, Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mong buhay" Nakita ko ang pagsilay ng pait sa mga mata ng mahal kong Bida. Nasasaktan ako para sakanya at gusto kong humingi ng sorry ng paulit ulit sakanya.

"Cheer up po... Mahal na prinsesa... Kaya niyo po yan. Laban lang." Napangiti naman siya at hinawakan ang mga kamay ko saka pasimpleng pinisil ang mga iyon.

"Maaari bang tawagin mo nalang ako sa aking pangalan?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa request niya.

"Hoy! Hindi pwede yan! Naku! Kawalan po ng galang sa Inyo yan kamahalan. Mapuputulan po ako ng dila sa gusto niyo mangyari eh" Natawa naman siya.

"Sige ganito nalang. Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko kapag tayo lang dalawa" Napatango ako. Wala namang masama kung susundin ko ang utos niya di ba?

"Okay sige. Nga Pala. Asan yung mama mo? Grabe, kinabahan ako kanina sakanya. Mukha siyang mataray pero mabait naman siya di ba?" Nawala ang ngiti sa labi ng prinsesa dahil sa sinabi ko. Kalaunan ay nagsalita din siya

"Ang babaeng Nakita mo kanina... Hindi siya ang totoo kong ina"

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now