NON-EXISTING XLVII
"Aalis na kayo?" Tanong ni Prinsipe Arkanghel nang makitang hawak hawak na ni Prinsipe Rhuss ang kamay ko. Napahawak ako sa ulo ko nang mapagtantong isa na palang hari si Rhuss
"Yeah, thank you for taking care of my queen when I'm not around" Malamig niyang saad. Tipid namang ngumiti si Prinsipe Arkanghel sakanya at tumingin sakin
"Ikinalulugod ko ang alagaan at pagsilbihan siya" Malumanay niyang saad at malamlam na tumingin sakin. Napangiti naman ako
"Maraming salamat po mahal na hari... Tunay po na may mabuti kayong kalooban at puso, hinahangad ko ang maayos niyong pamumuno" Tumango siya at ngumiti habang nakatitig parin sakin
"Ikaw rin, mag iingat ka" Narinig naming umasik si Rhuss sa gilid ko kaya napatingin kami.
Nang makita akong nakatitig sakanya ay napayuko siya at bumusangot sa ang mukha kaya natawa kami ni Prinsipe Arkanghel
"Seloso" Bulong niya pero narinig naman ni Rhuss kaya sinamaan siya ng tingin
"What did you say? I'm not jealous why would I? After all sa akin sasama si Aila at hindi sayo" Mayabang siyang ngumisi habang nakatingin kay Arkanghel. Napangiwi naman ang prinsipe at bumusangot
"Oo na panalo ka na... Basta Rhuss, alagaan mo sana at wag saktan yan. Bantayan mo rin dahil muntikan ko nang maging asawa yan kung di ka lang umepal" Nalukot ang mukha ni Rhuss at masamang tiningnan si Arkanghel
"What?! What's the meaning of that baby?" Natigilan ako sa tawag niya sakin.
"Muntikan maging asawa? Are you making fun of me? Ikaw magiging asaw---
"I am also her first kiss Rhuss" Pinanlakihan ko ng mga mata si Arkanghel pero nagkibit balikat lang siya sakin
"Pardon? Did I heard it right? You dare kiss my queen? You're such an a**hole" Nangangalaiti niyang saad at nagulat ako nang bumunot siya ng espada.
Nataranta naman si Prinsipe Arkanghel at agad tumakbo na hinabol naman ni Prinsipe Rhuss habang galit na galit na sumisigaw.
Napahinga naman ako ng malalim bago napahawak sa ulo ko saka napangiwi. Para silang mga bata.
"This is our room" Napanganga ako sa nakita sa loob. Magandang kwarto ang bumungad sakin pagpasok. Pagkatapos nilang magbangayan ni Prinsipe Arkanghel kanina ay agad niya kong dinala dito sa palasyo nila. Napanganga pa ko sa laki nito. Pang royalty ang ambiance ng kwarto at halatang para sa hari o may mataas na katungkulan ang may ari. Mabango rin sa loob at natulala pa ko nang makita ang malaking portrait ng litrato ko.
Napansin niya sigurong napatitig ako doon kaya nagsalita siya
"I payed a famous painter just to paint your portrait and put it here in our room so that whenever I missed you, I will just enter her and look at your beautiful face all day" Hindi ako makapaniwalang nakatitig sakanya
"S*raulo ka ba? Bakit ang laki niyan?" Ngumiti lang siya nang pagkalaki laki kaya ako na ang nahiya. Kitang kita talaga ako dahil ang laki naman talaga ng pinagawa niyang portrait.
"You deserve it after all you've been through a lot and for me you're the real hero for saving me from d*ath" Saad niya.
"And... Am I not allowed to pay tribute to my queen for being strong and smart?" Hindi ako nakapagsalita at tipid lang siyang nginitian at napatitig ulit sa portrait.
Parang ang special ko naman. Nakakatunaw ng puso
"Are you sure about this? Baka hindi mo kayaning makita sila..." Tipid akong nginitian siya kahit na ang lakas lakas ng kabog mg dibdib ko. Kinakabahan din ako.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasi"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...