Chapter 31

1 0 0
                                        

NON-EXISTING XXXI

Nang gumalaw ang kamay ko ay dun ko lang napagtanto na may hawak Pala ako. Dahan dahan ko itong tiningnan at biglang Kinilabutan nang makita ang hawak ko.

Ang keychain na binili ko... Tinitigan ko ito ng maigi. Nang marinig kong may papasok sa selda ko ay kaagad ko itong itinago sa likuran ko bago ako nagkunwaring tulog ulit.

"Aila? Tulog ka ba?" Napamulat ako at napaupo nang marinig ang mahinhin na boses ni Prinsesa Rhayla.

"Mahal na prinsesa. May problema po ba? Ano po yung sabi ng ama niyo tungkol sa pagpapalaya sakin?" Naging malungkot ang titig niya sakin Saka napahinga ng malalim.

"Nag usap na kami at Sabi niya ay pag iisipan niya pa raw ang lahat. Kokonsulta daw muna siya Kay ina dahil ito naman ang may utos kung bakit ka nakakulong dito" Napaupo ako at nawalan ng pag asa.

"W-wag kang mag alala Aila... Pangako at gagawa ulit ako ng paraan para makalabas ka dito kahit na magmakaawa ako kay ina" Tiningnan ko siya at Nakita kong malapit na naman siyang maiyak habang nakatitig sakin.

Hindi dapat ako mawalan ng pag asa dahil kapag nakikita niya akong ganun, nawawalan na Rin siya ng pag asa kagaya ko. Kailangan ko na talagang makalabas dito.

"M-may masama din akong Balita Sayo Aila" Napatingin ulit ako sakanya. Malungkot siyang ngumiti ulit sa akin.

"Sa susunod na Araw na bababa sa trono ang ama ni Prinsipe Arkanghel... N-natatakot ako Aila... Natatakot ako at hindi ako panatag na hindi si Prinsipe Arkanghel ang tatanghaling bagong hari..." Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya

Bigla naman akong natakot. Kinabahan sa kung ano pa ang susunod na mangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito na ko lalo na ngayong ang panaginip ko ang bumagabag na sa akin.

Isa sa mga karakter ko ang may alam kung sino ako. Siya ang sisira sakin. Siya ang sisira sa kwento ko.

"A-aila gusto ko matulungan si Prinsipe Arkanghel... Ano ba ang dapat Kong Gawin? Kahit yun man lang para sa pagiging mabuti niya kaibigan sakin" Isa pa to ang pinoproblema ko.

Hindi ko alam kung bakit parang walang progress ang relasyon nila. Hindi ko na makilala ang mga karakter ko at mas lalo pa akong naguluhan dahil hindi na tumutugma ang mga nangyayari sa libro at dito. Hindi ito ang mga dapat mangyari.

Sa nobela ay tanging si Prinsipe Rhuss lang ang malaking hadlang sa kanila... Ngunit... Maging si Prinsipe Rhuss ay nabago na Rin ng tuluyan. Hindi ko na Makita sa kanya ang pagiging marahas bagay na kinatatakutan ko.

Kung nag iba na ng tuluyan ang kwento, malamang ay iba na rin ang mga kontrabida dito. Napasabunot ako sa buhok ko Bago frustrated na napatingin sa mahal na prinsesa na ngayon ay nababahalang nakatitig sakin

"H-hindi ko na rin po alam..." Yun nalang ang tanging nasabi ko. Yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil Wala na talagang lumabas na ideya sa utak ko.

"I-ito ang pinakaayaw ko sa lahat... Ang pagiging mahina ko... Ang pagiging Wala Kong kwenta... Kaya siguro ayaw ni ama na ibigay sakin ang trono dahil natatakot siya baka hindi maging maayos ang kaharian namin kapag ako ang namuno"

Gusto kong humingi ng sorry sa kanya dahil ako ang may kagagawan kung bakit naging ganun ang takbo ng Buhay niya at kung bakit ganun siya kumilos at mag isip. Ginawa ko siyang mahina...

Wala talagang dapat sisihin dito kundi ako lang.

"I-ilabas mo nalang ako dito mahal na prinsesa... Pangako at kapag nakalabas Ako dito ay tutulungan ko kayong dalawa" Sandali siyang napatitig sakin bago nagsalita

"Tumakas ka nalang Aila... Tutulungan kita... Imposible kaseng mapabago ko pa ang desisyon ng aking mga magulang lalong lalo na si ina na talagang ayaw na ayaw sayo " Naiiyak na talaga siya na ewan...

"Hindi po... Mas mabuting makalabas ako dito sa mabuting paraan... Yung paraang hindi marahas at hindi labag sa batas ng palasyo" Hinawakan ko siya sa mga kamay niya bago nagsalita...

"Prinsesa Rhayla ipinapangako ko po... Kapag nakalabas ako dito, babawiin natin ang mga trono ninyong dalawa at ibabalik ko kayo sa dati... Ibabalik ko kayong dlawa ni Prinsipe Arkanghel sa kung ano ang mga ginagampanan niyong dalawa sa nobela ko" Napakunot ang noo niya na para bang nagtataka

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nalilito na siya

"Mahal na prinsesa hindi ka man maniwala pero... Nasa loob tayo ng Isang kwento" Sandali siyang napatitig sakin at tila pinoproseso pa ang sinabi ko.

Pipiliin ko nang sabihin sakanya ang lahat. Na ako ang may akda sa nobe---

"Aila ayos ka lang ba?" Tinitigan niya ko na para bang sinasabi kung maayos lang ba talaga ako...

"Ano bang nobela ang pinagsasasabi mo? Nag iilusyon ka na naman ba? Na nasa nobela tayo? Pwes Tama na! Husto na! Hindi na ako natutuwa... Nasa bingit tayo ng problema pero eto ka at nag iilusyon ng nga bagay na imposibleng mangyari" Natahimik ako dahil parang nauubusan na siya ng pasensya sakin

"Mahal na prinsesa eto po ying totoo!" Tumayo siya Saka marahas na pinunasan ang mga luha sa mga mata niya at tinitigan ako sa mga mata

"Alam ko na mahina ako at hindi katalinuhan tulad mo pero isa lang ang sasabihin ko sayo... Hindi mo na ulit mabibilog ang ulo ko... Itigil mo na ang ilusyon mo Aila dahil hindi na Ako natutuwa" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang umalis at iniwan ako na natulala

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong sumikip... Bigla nalang akong naiyak at namalayan ang sariling nawawalan na talaga ng pag asang maibalik sa dati ang nobelang isinulat

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kalabog na nanggaling na naman sa itaas. Madilim man ang parteng iyon ng selda ay alam kong may tao na gustong pumasok dito sa loob.

Napaatras ako nang maaninag ang Isang lalaking nakaitim lahat habang may nakasuksok na patalim sa gilid ng bewang niya. Kinabahan ako nang makitang may susi siyang hawak at agad na binuksan ang selda kung saan Ako nakakulong. Nang makapasok ay bigla akong natakot nang itutok niya sakin iyon.

Napataas ang mga kamay ko dahil sa takot.

"Pasensya na binibini... Napag utusan lang" Saad niya ay napatili ako nang akmang sasaksakin na niya ko ngunit napatigil nang marinig ang daing niya

Natulala ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa Nakita. Nakahandusay ang lalaki at duguan habang nakabukas ang mga matang nakatingin sa direksyon ko.

Napaatras ako at siniklaban na naman ng takot nang may Makita ulit na nakaitim na lalaki.

Lumapit ito sakin at agad akong hinila patayo. Hindi parin ako makagalaw o makaimik man lang dahil sa nangyari. Nagtataka pa ako kung sino ang estrangherong nasa gilid ko.

Namalayan ko nalang ang sariling tumakbo Kasama siya. Nahabol pa kami ng mga kawal at bigla namang nagkagulo ang lahat.

Tila eksperto naman itong tumakbo dala dala ako... Nakayakip parin ang kanyang mukha Kaya di ko nakilala kung sino ito...

Nang makalayo kami ay binitawan ako nito at huminto sa may kagubatan kung saan walang masyadong tao ang dadaan.

"S-sino ka?" Natatakot Kong tanong sakanya at mas lalo akong nagulat nang makilala kung sino ang tanong nagawa akong itakas

"P-prinsipe Arkanghel..."

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now