Chapter 11

1 0 0
                                        

NON-EXISTING XI

"I-ikaw?" Gulat parin ang rumihestro sa mukha ng prinsipe habang nakatingin sakin. May halong pagkamangha ang nasa mukha nito

"Magkakilala kayo?" Biglang tanong ni Rhayla sa Amin dahilan para maputol ang titigan naming dalawa ng mahal na prinsipe

"Ah! Oo Rhay--- mahal na prinsesa. Nag... Kasalubong po kase kami noon sa daan opo yun nga" Pag papaliwanag ko. Tumango naman ang mahal na prinsesa bago bumaling sa prinsipe na ngayon ay tulala paring nakatitig sakin

"N-natutuwa Ako na magkakilala kayo" Tumango naman ako bago nagsalita dahil hindi parin ako tinantanan ng tingin ng prinsipe. Parang may gusto siyang itanong o sabihin sa akin bagay na alam kong napansin ni Rhayla.

"Nga pala! May... Ipag uutos po ba kayo mahal na prinsesa? Sabihin niyo lamang po sakin at malugod kong gagawin" Pag iiba ko ng usapan. Napangiti naman ang prinsesa sa akin.

"Wala naman. M-may gusto lang na makita ka" Medyo naiilang pa siyang sabihin iyon dahil hindi parin umuupo ang prinsipe at nanatiling titig sa akin. Napatikhim naman ako.

"E-ehemm! Kamahalan? May dumi po ba ako sa Mukha po?" Hinarap ko pa ang prinsesa para ipabatid na nagtatanong talaga Ako. Doon naman natauhan Mula sa pagkakatulala ang prinsipe at nahihiyang umupo

"Pagpasensyahan niyo na po talaga. Nang tawagin niyo po kase ako eh kakagising ko lang po nun Kaya nagmamadali talaga ako pasensya na po" Ngumiti lang ang prinsesa habang ang prinsipe naman ay pasimpleng uminom ng kape ngunit alam kong nakikinig ito sa pinag uusapan namin.

"Ayos lang. May... Iba ka pa bang gagawin? Sige na Gawin mo na baka nakaistorbo na kami Sayo" Hindi naman tunog tinataboy niya ko di ba?

Nalaman ko na umalis na pala ang prinsipe Kaya naman ay nakahinga ako ng maluwag. Kasalukuyan kong Inaayos ang sarili ko dahil ngayon ay pinayagan akong umuwi. Sa totoo lang ayoko naman talagang maging tagapagsilbi sa kahit Anong palasyo dito sa loob ng isinulat kong libro.

Like, ang unfair ang di ba? Ako yung author tas ako pa yung gagawing alalay. Mahiya naman Sila noh? Pero Wala akong magagawa. Kase, kailangan kong masubaybayan ang mga scenes sa nobela. Malay ko ba kung may epal pa na eeksena.

Habang naglalakad papauwi ay napatigil ako nang may marinig ako na parang nag aaway.

"Kalansing palang ng espada alam ko na" Saad ko at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad at hahayaan na sana Sila kase di ba problema naman na nila yan kung magsaksakan Sila ngunit napatigil ako nang mapamilyar ko ang bulto sa may di kalayuan.

"Parang kilala ko to ah?--- HAAHHH!" Napatili Ako nang makilala ko kung sino ang dalawang nag aaway. Hutek na yan! Ang dalawa kong character sa libro.

"Teka bakit Sila nag aaway?--

Napatigil ako nang may maalala sabay hawak ng ulo ko. Teka lang, asan na ba ako na chapter ngayon? 5? 6? Or 10? Ahhh ewan!

Wala naman akong natatandaang may encounter na ganito sa pagitan nila maliban nalang sa pag eensayo o di kaya ay yung tinatawag nilang royalty battle. Ako Pala may gawa nun.

Nanood pa ko. Si Prince Arkanghel Nevada at Prince Rhuss Clint Asmodeus ang nakikita ko ngayon. Magaling Sila mag laro bigay ko yun sakanila. Pero kung titingnan mo mas mahusay talaga si Prince Rhuss sa dalawa kase Bata palang siya sinasanay na eh si Prince Arkanghel may nakakatanda siyang kapatid Kaya di siya ang susunod sa trono nila pero magiging King naman siya kase nga di ba magiging queen si Rhayla tas ikakasal sila pero Teka....

Asan na yung kapatid ni Prince Arkanghel? Diba dapat lalabas na yun sa eksena Nung nag pa welcome party Sila? Naiinis na ko ah?! Dalawang character na ang hindi sumulpot! Gagi talaga tatanggalin ko talaga mga bungo nun.

Nanood pa ako at Napatango tango pa kase naman ang huhusay nilang dalawa ngunit napatili nang akmang sasaksakin na ni Prince Rhuss si Arkanghel na ikinakaba ko. Bago niya pa magawa yun agad na akong pumagitna

"AYYYY! TEKA LANG! NO WAYYY! WAG MO SIYA PATAYIN PRINCE RHUSSS! HUHU!" Napatigil Silang dalawa at napatitig sakin. Gulat ulit ang Mukha ni Prince Arkanghel habang nakakunot naman ang noo ng Prinsipe Rhuss.

"We had an audience..." Malamig na Saad ni Prince Rhuss. In fairness English na yun. Mas sexy na pakinggan. Hindi naman siya mukhang nagtatanong.

Hinawakan ko si Prince Rhuss at hinila palasyo si Prince Arkanghel Saka nagsalita.

"Muntik na kayong magpatayan alam niyo ba yun? Hindi pa nga nakakalahati yung kwento papatayin mo na ang bida? Jusko naman Rhuss maghunos dili ka nga" Sermon ko sa gwapong color blue eyed na prinsipe na matamang nakatitig sakin

Humarap naman ako Kay Prince Arkanghel na nakatingin lang din naman sakin.

"At Ikaw naman! Magpapakamatay ka ata! Para sabihin ko Sayo hindi pepwede! No pwedes! Okay?! Ikaw yung bida tas eto hinayaan mo lang na tutukan ka ng espada? That's unfair. Hindi ka manlang lumaban. Hayy! Kaloka ka! Muntik na kong atakihin sa yo sa puso!" Hinawi ko ang buhok ko.

"At sino ka sa inaakala mo para sermonan kami ng ganyan?" Malamig na tanong ni Prince Rhuss sa akin na ikinairap ko.

"Ako lang naman ang--- Goodness!" Napatakip ako sa bibig ko nang maalalang...

Nasa loob nga Pala Ako ng libro at... Mga prinsipe pa ang pinagalitan ko. Patay...

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now