NON-EXISTING XIV
Nagsumbong si Fahara Kaya ang ending, kami dalawa ni Rhayla ang napagalitan. Kainis talaga. Sinubukan namin ipagtanggol ang sarili namin. Okay na sana kaso nga lang ay umeksena pa yung step mother ni Prinsesa Rhayla.
KINABUKASAN. Naghanda na si Rhayla para sa pagpasok niya sa paaralan. At dahil ako ang kanyang personal na alalay, Kasama niya ko sa pagpunta Doon. Aba dapat lang! Kapag talaga may nanakit sa prinsesa ko lagot talaga sakin.
Nakangiti naman si Rhayla at halatang Masaya talaga siya na makapasok ulit.
"Wow ah? Excited ka atang makapasok Prinsesa?" Tiningnan niya Ako Bago nagsalita. Hinawakan niya Ako sa mga kamay
"Magkikita kami mamaya..." Nagtataka naman akong napatingin sakanya.
"Huh? Sino po?" Tiningnan niya ang Kasama namin at nang masigurong abala ito sa ginagawa ay nagsalita siya
"Si Prinsipe Arkanghel!" Dahil don ay napatakip ako sa bibig at kinikilig na nahampas siya sa balikat ng konti.
"Hala! Sure?! My goodness! Support po ko sainyo!" Ngumiti siya sa akin.
"Wag kang maingay at wag mo sabihin kahit kanino ha?" Tumango ako na parang Bata Saka nagsaludo pa.
"Promise po. Diko ipagsasabi" Saad ko na mas nakapagpalawak ng ngiti niya.
May kinuha siyang sulat Mula sa kanyang bulsa Saka ipinakita sakin. Napangisi naman ako saka siniko ang tagiliran niya.
"Ikaw ah? May love letter ka na pala galing sa manliligaw mo. Haba ng hair mo dae" Kinikilig Kong saad. Kukunin at babasahin ko na sana yung letter pero agad naman niyang itinago habang nakangisi sakin.
Kung alam niya lang... Ako talaga may pakana ng letter na yan na bibigyan siya ng prinsipe. .. Sinulat ko Kaya Yan sa libro
Maraming mga royalties ang nauna na samin. Kaya lang, yung iba, not known or mga infamous kumbaga. May mga palasyo din pero mas sikat talaga ang pamilya ni Rhayla, ni Prince Arkanghel at Rhuss kase alam niyo na Sila naman talaga yung mga main characters sa story.
Nagbubulung bulungan naman yung iba kapag napapadaan kami ni Rhayla. Ang iba naman ay yumuyuko o ngumingiti sakanya na nginingitian naman niya pabalik. Sikat siya you know kase ang bait niya at ang hinhin ang Ganda pa.
"Good morning Princess Rhayla. It's nice meeting you here" Nakangiting Saad ng babae at Yumuko pa na lumapit saamin. Buti alam ko mag English. May alalay din ito sa gilid na lalaki.
"Good morning also Princess Kath it's also nice seeing you here. Where's your brother by the way?" Tanong naman ni Rhayla dito.
"Ugh! He's just somewhere I don't know" Sagot pa nito at napairap. Agad naman naputol ang usapan nila nang may Isang lalaking dumating at nagsalita
"Kath! What the h*ck! Why did you leave me ? I told you to wait for me" Galit na anya nito na ikinairap ng kausap ni Prinsesa Rhayla. Natawa naman ang prinsesa.
"Oh. You're busy fli*ting with some b*tches so I thought you already forgot about your sister" Mataray nitong Saad at di na nilingon pa ang kapatid na nagrarant. Nagpaalam na ito sa amin at umalis.
Marami rin kaming mga nakasalubong na talaga namang binabati kami... I mean... Yung Kasama ko lang pala. Medyo na out of place ako kase Wala man lang nagtanong kung sino Ako. Di siguro Sila interesado...
Maya maya pa ay biglang natahimik ang paligid. Pansin ko na puro babae ang nandito. Oo nga pala. Magkaiba ang room ng babae at lalaki. Hindi ko naman din nilagay sa book na conservative Sila ganun. Parang feel ko mas bagay ang ganung set up at mas maangas tingnan.
Dumating lang Pala yung malditang prinsesa Kasama ang mga alipores niyang mga cheap princesses din na parang galing sa kanal ang mga itsura.
Mataray na naglalakad na animo'y reyna ng mga bubuyog si Prinsesa Fahara habang nakataas ang kilay. Kasunod nito ang alalay niyang nakayuko at ang may Dala ng gamit niya.
Huminto ito sa tapat ni Princess Rhayla bago ngumisi at nagsalita.
"The most famous Princess together with her cheap personal maid"
Dahil sa sinabi niya ay nagtawanan ang mga Kasama niya maski ang ibang mga nasa paligid. Nanatiling kalmado ang mukha ni Rhayla at parang walang pakialam kahit insultuhin siya.
"It's early in the morning to argue to the most dumbest Princess" Mahinhin namang Saad ni Rhayla pabalik sakanya. Pasimple akong napangisi
"Oh! What did you say? The dumbest? Who do you think you are to even call me like that?!" Asik nito. Pikon na siya. Halatang inis na
"Me?" Tumayo ng Puno ng kompyansa sa sarili si Prinsesa Rhayla bago sumilay ang matamis niyang ngiti sa labi
"The soon to be Queen of our kingdom. Anything you want to know?" Napapalakpak ako Kaya napatingin sakin ang lahat.
"Slay!" Ngumiti ako Kaya naoailing ang prinsesa sa akin habang gulat namang napatingin si Fahara sakin.
Magsasalita na sana si Prinsesa Fahara ngunit agad siyang napatigil dahil may nagsalita sa may pintuan.
"What's this commotion all about?" Napalingon kami doon para lang Makita namin ang Malamig na tingin ni Prince Rhuss
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasía"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
