EPILOGUE

0 0 0
                                    

"R-rhuss happy birthday..." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. Nanginginig na rin ang tuhod ko at kahit di ko siya tingnan ay alam kong nakatitig siya sakin

"Someone's nervous right now, you know what son, you should stop looking at her like that she's not even comfortable" Natatawang saad ng ina. Hindi naman ako nakaimik at nakisabay nalang din sa tawa niya

"Thanks for bringing my queen mom... I owe you a lot" Ngumisi lang ang ina at tinaasan siya ng kilay

"Rhuss Clint Asmodeus ayusin mo yang suot mo" Tinuro nito ang suot niya na nagusot ng konti saka nginitian ako at kumaway para umalis na. Naiwan naman kaming dalawa

Nahihiyang humarap ako sakanya.

"My queen is nervous and not even comfortable with me. Why?" Nahihiya kong kinamot ang ulo ko

"Nakakahina naman kase ng tuhod yang titig mo" Ngumisi naman siya at mayabang na sinuklay ang buhok niya. Sexy. Lumabi siya at nakangiti akong tiningnan saka kinindatan

"You should get used to it after all we will get married... Masanay ka nang nakakatunaw ang titig ng magiging asawa mo" Napairap naman ako. Yabang. Pero napangiti rin naman dahil sa kilig kalaunan

"Araw araw kitang tititigan ng ganito kaya di ka na dapat mahiya" Hinalikan niya ko sa pisngi kaya napabusangot ako

"Tama na nga. Halik ka nang halik nakakahiya sa mga nakakita. Ang l*ndi mo" Ngumisi lang ulit siya

"Sayo lang naman" Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko at inilakbay ang mga kamay niya sa tiyan ko. Nagulat pa ko nang hawakan niya ang hita ko

"Let's dance..." Bulong niya saka hinalikan ang leeg ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Napakunot ang noo ko. Nandito kase kami sa may hardin ng palasyo at kami lang ang taong nandito. Tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin.

Nawala ang kunot ng noo ko nang maalala ang pamilyar na pangyayari... Tiningnan ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin

"Do you remember our first dance?" Tumango ako kaya napangiti siya

"Well, that was the fourth time my heart beats crazily for you so... I wanted to experience it again... With you..." Lumapit siya saka hinawakan ang bewang ko at ang mga kamay ko ay nilagay niya sa leeg niya habang hindi inaalis ang titig sakin.

Kagaya nung una naming sayaw, may naririnig din kaming tugtog na masarap pakinggan. Kasabay nun ay simoy ng hangin. Nakangiti akong nakatitig sakanya habang siya ay hindi inaalis ang titig sakin at nanatili lang seryoso ang mga mata.

"Hindi ko alam kung kailan ako aalis sa mundong ito pero..." Naging mahina ang sayaw namin. Napayuko siya.

"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita Rhuss... I wanna spend my lifetime with you... Sana makita kita sa totoong mundo at makasama" Tipid akong ngumiti sakanya.

"P-pwede namang hindi mo ko iwan di ba?" Mapait akong napangiti bago masuyong hinalikan ang labi niya. Natigilan siya pero kalaunan ay sinuklian din ang halik na ibinigay ko

Nang humiwalay ako ay kusa niyang hinabol ang labi ko at hinalikan ulit ito. Ipinagdikit niya ang mga noo namin pagkatapos at saka bumulong

"I love you too" Ngumiti ako sakanya at magsasalita na sana nang bigla akong matigilan dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko.

"Y-you okay?" Natataranta niyang tanong sakin. Tipid akong ngumiti sakanya nang maramdamang sumama bigla ang pakiramdam ko.

"Pwede na ba tayong mag pahinga? Nahihilo na ko..." Napahawak ako sa ulo ko.

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now