Chapter 28

0 0 0
                                        

NON-EXISTING XXVIII

Nang mabalik sa katinuan ay naitulak ko siya bigla. Nabigla naman siya sa ginawa ko at bumalik sa wisyo niya. Nang marealize niyang hinalikan niya ko ay agad siyang nag aalalang lumapit sakin.

Agad akong umatras hindi dahil sa takot ako kundi dahil sa naguluhan ako sa ginawa niya sakin. B-bakit niya ko hinalikan?

"I-i'm sorry hindi ko sinadyang ---

"I-iwan niyo po muna ako kamahalan... Umalis po muna kayo" Mahina kong Saad na ikinatigil niya. Natulala siya at nang makuha ang gusto ko ay napayuko siya at napasabunot sa sarili niyang buhok.

"A-aila hindi mo naman ako iiwasan di ba?" Hindi ako umimik at umiwas lang ng tingin. Narinig ko ang pagbuntung hininga niya bago dahan dahang umalis sa kinatatayuan at umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog nito. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko dahil Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang malambot na labi ni Prinsipe Arkanghel.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok bago tumili nang walang tinig. Napahinga ako ng malalim at napaupo sa kama ngunit napabaling nang may marinig na kaluskos mula sa kung saan.

Mahigpit akong napahawak sa bestidang suot ko dahil sa bigla akong natakot. Mukha atang may multo pa dito. Inilibot ko ang tingin sa kabuoan at doon ko napagtantong sobrang luma na pala nito at halatang ilang dekada o siguro nga siglo na ang nakalipas.

Napabaling ulit ako doon nang may kumaluskos ulit. Madilim dito pero alam na alam ko kung saan banda nanggagaling ang kaluskos.

Parang may tao.

Napatili ako bigla nang maaninag ko ito na nahulog Mula sa taas. Narinig ko ang pagdaing nito

"D*mn! I would f*cking k*ll them all if I have enough time" Inis nitong bulong na narinig ko naman. Napapagpag ito sa damit na suot at nang humarap sakin ay siya namang ikinagulat ko.

Nagulat din siya na Makita ako dito at nang makabawi ay lumamig bigla ang titig niya at umigting pa ang pangang tiningnan ang kabuoan ko.

"Who the h*ll told them to put you here there?" Malamig nitong tanong pero gulat parin ako hanggang ngayon na makita siya dito sa loob

"Rhuss Anong ginawa mo dito?!" Nagulat siya sa naging tawag ko sakanya pero kalaunan ay napangisi rin. May saltik ata ang Isang toh eh.

"Obviously... I want to see you that's why I'm here" Malamig niyang Saad pero nakangisi parin

"Rhuss huh? You're calling me by my first name without the word 'Prince'" napayuko ako sa sinabi niya. Nagalit ba siya?

"P-pasensya na po kamahalan--

"You don't need to say sorry. It's alright " Ngumiti siya na mas ikinatulala ko pa lalo.

"A-ano bang ginagawa mo dito?! Baka may makakita sayo! Baka mapahamak ka" Nag aalala kong Sabi sakanya na ikinatigil niya.

Pumungay bigla ang mga mata niya at nanatiling titig sa akin.

"Don't worry, they won't see me here... How are you? Did they hurt you?" Nagulat ako nang hawakan niya ko sa mukha habang nilusot niya sa selda ang malaking braso niya.

Bigla naman akong napaso sa hawak niya kaya agad akong lumayo na ipinagtaka niya. Bigla Kong nakitang may sakit na dumaan sa mga mata niya. Bigla naman akong nakonsensya pero ang totoo... Gusto ko rin naman siyang makita.

"You need to escape here. Itatakas kita dito. It's very dark in here too and I know they will punish you" Nagulat ako nang maglabas siya ng susi Kaya naman ay napatulala ako sakanya.

"Teka lang! San mo nakuha yan?!" Inosente niya naman akong tiningnan bago ngumisi.

"I'm not an evil villian for nothing" Sandali siyang napatitig sakin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata dahil parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya ginawa.

Napaiwas siya ng tingin sa akin saka dahan dahang inilusot ang susi sa butas pero pinigilan ko.

Napatingin siya sakin at sa kamay Kong nakahawak ngayon sakanya.

"Prinsipe Rhuss wag na... Hindi ako tatakas Kasama ka" Nakatitig na naman siya sakin at nagulat pa ako dahil sa masuyo niyang hawak sa mukha ko.

"Why don't you want to escape? With me?" Tila naging malungkot siya

"M-mapapahamak ka lang... At... Ayokong Iwan sina Prinsesa Rhayla at Prinsipe Arkanghel dahil kailangan naming bawiin ang trono at ibalik sa kanila... Ayoko ring mas magalit pa ang mga kamahalan kapag gumawa ako ng kaguluhan ulit. Baka mas lalong bumigat ang parusa ko" Mahaba kong paliwanag

"I will make a way for you to escape here don't worry... I will talk to King Ikarus and will beg to spare you---

"Prinsipe Rhuss ---

"Call me by my name..." Nilagyan niya ng hintuturo ang bibig ko Kaya natikom ito

"Call my name please... I want you to do it my queen" Mas lalo na akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Nagmamakaawa ang tono ng boses niya at hindi na Ako makapagsalita pa.

"A-ano pong--

"Hindi ka pwedeng makulong dahil magiging reyna pa kita" Dire diretso niyang Saad at tinitigan ako sa mga mata. Hindi naman ako makapagsalita

"I want to marry you Aila... I want no other queen but you" Humina ang boses niya at hinila ako papalapit sakanya.

"Prin-- R-rhuss... Hindi pwede---

"And why not?!" Nagulat ako dahil sa naging sigaw niya. Kumalansing pa ang bakal ng selda dahil hinampas niya.

"Do you love him?!" Hindi ako makapagsalita dahil naguluhan ako at nagtataka kung sinong 'him' ang tinutukoy niya.

"Kaya ba ayaw mong tumakas dahil hinihintay mo siyang iligtas ka di ba?" Narinig ko ang hinanakit sa boses niya.

"S-sino pong tinutukoy---

"Stop denying! I know you know who I mean!Obviously! I'm not dumb to not feel that he has an affection or secret love for you. And I'm afraid... It really scares the h*ll out of me... W-what if you'll choose him over me? I'm always here Aila ... Silently loving and imagining you as my queen" Umiyak na siya nang sabihin niya yun.

Hindi naman ako makapagsalita at Wala ring lumabas na tinig sa bibig ko. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"I can't take my feelings anymore... Since I met you... I really try to my best to be the best and kind person so that I can fit the innocent you even if I know it's really impossible..."

"K-kailan pa?" Mahina kong tanong. Yun ang unang lumabas sa bibig ko. Sumikip ang dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog nito at the same time ay sa sakit.

"Since day one when I saw you in the middle of the battle field"

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now