NON-EXISTING XL
Kirot ng ulo ko ang unang naramdaman ko nang magising ang diwa ko. Iginalaw ko ang katawan ko na sana ay di ko nalang ginawa. Napadaing ako at napaigik sa sakit na naramdaman.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay napapikit pikit pa ko dahil sa silaw. Nang maayos ang paningin ay bumungad sa harapan ko ang mga nilalang na nakaupo sa harapan ko habang nag uusap usap ng mga bagay bagay.
Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong, nasa gitna ako ng mga nakaputing tao. Hindi sila mga ordinaryo alam ko. Bigla akong siniklaban ng takot nang makita ang pamilyar na mukhang nakita ko na dati... Ngayon alam ko na kung nasan ako, nasa Korte ng mga elders.
"She's awake" Anunsyo ng kung sino dahilan para mapatigil Sila sa ginagawa. Napa cross arm ang iba habang ang iba ay matalim akong tiningnan. May iba pa na naaawa sakin at ang iba naman ay walang pakialam
"B-bakit ako nandito?" Tumayo ang isang lalaking nakaputi at may dala siyang libro.
"Nandito ka para panagutan ang mga ginawang kasalanan mo sa mga kamahalan ng Ursianna at Quinones ---
"Where is she?!" Nagulantang ako dahil sa sigaw ng kung sino. Napatingin ako sa hall at doon ako Napaiyak nang makita si Prinsipe Rhuss na nagmamadaling pumunta dito.
"What did---
Natigilan siya nang makita ako at halos sumabog sa galit nang makita ang itsura ko. Bigla ko naman naramdaman ang kirot ng ulo ko kaya napapikit ako
"Did you hurt her para umamin?! What the h*ll did you all do?!" Gusto niyang lapitan ako pero hinarangan siya ng mga kawal kaya di siya nakalapit
"Prince Rhuss, this girl is hurting one of the royalt---
"Shut up! You don't have any evidence to prove that she did hurt that royalties you're talking about" Malamig niyang Saad at walang emosyong binalingan ang mga elders na nakaupo sa itaas.
"Prince Rhuss you know that you're doing such things na labag sa batas naming eld--
"I don't need your opinions. Give me my queen or else magkakagulo tayo dito" Napatigil ang mga elders at nagkatinginan bago napailing iling.
"This girl is just a serv--
"Give. Me. That. Girl" Mariin niyang saad at konti nalang ay sakalin ang mga kawal na nakaharang sakanya.
"We're so sorry your highness. Pero nagdedesisyon na kami na ipatapon ang babaeng ito sa wasted isla--
"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" Nangangalaiti niyang sigaw at dumagundong pa sa magkabilang Banda ng hall court. Parang kulog naman ang boses niya
"Your father will be disappointed if he sees you here disturbing the elders judgement" Seryosong saad ng lalaking Nakita namin dati. Tumayo siya at tinitigan nang mariin si Prinsipe Rhuss na ngayon ay di nagpatinag at tinitigan din siya.
"I don't care---
"Then we don't have any choices but to dethrone you---
"Yes go and dethrone me. Get my crown my golds, my kingdom but please..." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ng mga ito. Nasa itaas akong bahagi kaya kitang kita ko ang pagmamakaawa niya.
"Spare and give my queen back" Halos naging bulong iyon pero rinig na rinig naman namin.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang ang mga mata naming dalawa. Hindi siya umiiyak pero nakikita kong nasasaktan siya habang nakatingin sa kalagayan ko.
"It's not enough Prince---
"Then what else do you want? You want to throw away my queen to that wasted island right? Then I will go with her... Please sir bring me with here I want to be---
"R-rhuss..." Natigil siya sa pagsasalita at bumaling sakin Saka nag aalala akong tiningnan.
"A-aila... Why? Baby please look at me may masakit ba Sayo? Please tell me..." Nginitian ko siya kahit pagod na ang katawan ko. Umalpas ang luha sa mga mata ko
"H-hayaan mo na ko dito... You can go now" Umiling iling siya at nagsisimula nang umiyak nang konti
"No! Before I go I will get you... Let's get out of here together... Sasama ka sakin. I promise" Nangungusap ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin at pagod na sumandal sa upuang kinalalagyan ko.
"H-hindi..."
"Please your highest majesties... I beg you to give my queen, I promise lalayo kami at di niyo na kami makikita pa please... Give me this favor for being one of the consistent royalty in my own town. I want this one as my reward" Nagmamakaawa ang boses niya na mas lalo Kong kinaiyak
"P-prinsipe Rhuss ano ba?!" Nabaling ang tingin niya sakin at lumambot ang ekspresyon nang tingnan niya akong umiiyak
"Umalis ka na... Hayaan mo na ko! Ayoko na!" Sobra na Kong pagod at gustong gusto ko nalang magpahinga.
Wasted island... Kilalang kilala ko ang islang Yan. Ang isla kung saan nilalagay ang mga makasalanang tao. Mga walang kwenta o mga basura galing sa iba't ibang kaharian.
Napaiyak ako dahil alam kong m*m*m*t*y ako kapag napunta ako doon. Dahil limitado lang ang mga pagkaing nandoon at lahat ng mga itinataoon Doon ay Wala nang nabubuhay nang pangmatagalan.
"N-no... I'll go with you---
"Pwede mo na siyang lapitan" Nabuhayan naman ako ng loob at narinig ko nalang ang nagtaakbong si Prinsipe Rhuss papunta sakin.
Nag aalala ang asul niyang mga matang nakatingin sa kalagayan ko. Napadaing ako nang hawakan niya ang mukha ko na may pasa.
"Who did this to you?" Malamig niyang tanong sakin pero hindi ako nagsalita
"Si Prinsesa Fahara ba? At si Reyna Hanara ba? I knew it. Sila ang mga kalaban at..." Nag alinlangan pa siyang sabihin sakin ang nalalaman niya
"Ang may alam kung sino ka ba talaga"
Natulala ako dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayon. Parang binundol ng kaba ang dibdib ko. May pumasok sa isip ko bigla dahil sa sinabi niya
"So you're not one of us?" Yumuko siya nang hindi ko sagutin ang tanong niya. Nakita ko nalang ang pag uga ng balikat niya senyales na umiiyak na siya
"Is it true Aila? Is it true that... All of us here are just a product of your imagination?" Mahina niyang tanong at nakikiusap na tanungin ko ang isa sa mga naging tanong niya
Nahihirapan akong tumango kaya napayuko siya at Niyakap ako ng mahigpit at umiyak ng tahimik.
"If that's true then... Can I go with you?"
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...