Chapter 4

2 0 0
                                        

NON-EXISTING IV

"M-male lead character?" Naguguluhan niyang tanong sa akin na mas ikinalawak ng ngiti ko.

"Oo male lead character---

Naputol ang sasabihin ko nang biglang may dalawang kawal na dumating at agad akong tinutukan ng espada. Napatili Ako sabay taas ng kamay ko nang Wala sa oras.

Matalim ang tingin nila sa akin Kaya naman ay hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito

"Sino ka?! Bakit mo kinakausap ang mahal na prinsipe?!" Diretsahang tanong sakin ng Isang kawal. Malalim ang boses niya. Halatang Wala man lang kahit katiting na emosyon.

Sandali akong napaisip at halos mapatulala nang maalalang... Shocks! Bawal nga palang kausapin o lapitan man lang ang mga maharlika sa nobelang isinulat ko. Bakit ko ba nakalimutan?! Patay! Tingnan mo ang nangyari sayo Aila Raine Dito ka sa Sarili mong nobela mamamatay dahil diyan sa ginagawa mo!

Magpapaliwanag na sana Ako nang biglang magsalita ang mahal na prinsipe. Nasa likuran lang Pala siya habang pinoprotektahan ng mga kawal.

"Ibaba ninyo ang inyong mga sandata. Walang ginagawang masama ang binibining iyan. Hayaan na ninyo siya" Mahinahon niyang pagkakasabi dahilan para ibaba nila ang mga espada nila ngunit hindi parin umaalis sa pagkakatayo.

Animo'y pinoprotektahan talaga nila ang soon to be king nila. Wow ah? Ako din naman may gawa ng mahal nilang prinsipe dahil Ako yung author dito

"M-mga sir... Wala po akong ginagawang masama hehe. May pinag uusapan lamang kami ng mahal na prinsipe" Tugon ko

"Anong kailangan mo sakanya? Bakit kailangan mo siyang kausapin? Sino ka? Espiya ka ba ng mga kalaban para kumuha ng impormasyon sa aming kaharian? Nandito ka ba para patayin ang mahal na prinsipe ----

"Hep hep hep! Sandali!" Inayos ko ang damit ko Bago nagpaypay gamit ang sariling mga kamay

"Sandali lang naman kuya. Wala Tayo sa beauty pageant para sunod sunod mo kong tanungin o di kaya nasa Isang court room... Tsaka hello... Masama bang makipag friend sa kamahalan niyo? Espiya agad? Grabe naman po kayo... Ang judgemental niyp masyado Mukha Rin ba akong mamamatay tao?" Napakunot lang ang noo ng kawal.

Tinitigan naman Ako ng isa pareho Silang natahimik at nang tingnan ko ang prinsipe, nakanganga na siya habang nakatingin sakin. Parang may nasabi akong mali

"A-ang iyong wika..." Nauutal na saad ng prinsipe Kaya napakunot ang noo ko.

"Iba ang lengguaheng kanyang ginagamit mahal na prinsipe. Pinaghalong wikang ng Isang maharlika" Suri pa ng Isang kawal. Doon na naproseso sa akin ang nangyari

"Saan mo natutunan ang wikang maharlika na isinama mo sa inyong ginagamit na wika?" Ngayon ay seryoso na ang prinsipe.

Napalunok Ako. Parang may bumara sa lalamunan ko

"Y-yung English po ba? S-sa scho---

"Maaari ka nang umalis at wag nang magpakita pang muli. Kung nais mo pang madugtungan ang iyong pinakamamahal na Buhay" Seryosong saad ng prinsipe

"Palalagpasin ko ito. Hindi naman sa ipinagbabawal kitang gamitin ang wika ng mga maharlika ngunit mapanganib ang magiging Buhay mo pag nagkataon Kaya mas mabuting wag mo na iyong uulitin. Mananatiling tikom ang bibig naming tatlo sa kalapasatanganang ginawa mo. Adios"

Agad na itong umalis at agad na sumunod ang mga kawal niya.

Natulala Ako at biglang nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. Tama siya...

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag gamit ng wikang maharlika sa mundong ito. At maging Ako, bawal gumamit niyon dahil pag nagkataon, mapupugutan ako ng ulo grabe na talaga to, napasabunot nalang ako sa buhok dahil sa inis.

Hindi ko alam pero naiinis parin Ako Hanggang ngayon. Bakit ko ba kase naisipang isulat ang batas na iyon. Napakamot Ako sa sarili kong ulo.

Frustrated na naupo sa batuhan. Medyo malayo layo na din ako Mula sa kaharian ng mga Arkanghel.

Medyo madilim na nang makauwi Ako sa bahay ni Aling Lucia. Hindi ko alam kung pano ako nakabalik Basta ang alam ko ay lutang ako Hanggang sa makauwi.

Nabungaran ko pa ang Mukha ng matanda kaya naman ay nakonsensya Ako.

"Diyos ko naman iha. Akala ko kung napano ka na. Akala ko naman ay napano ka na" Napahinga ako ng malalim Bago siya pilit na nginitian

"A-ayos lang po ako Aling Lucia. Wag po kayong mag alala. Nandito na po Ako o" Pilit kong magpatawa pero parang hindi effective

"Mabuti naman at hindi ka nahuli ng mga kawal ng palasyo o di kaya'y nakasagupa ang isa sa mga maharlika" Nangunot ang noo ko

"Ano naman pong problema don? Hindi naman po Sila nananakit" Naging seryoso ang Mukha ng matanda.

"At paano ka nakakasisiguro? Hindi mo sila o natin kilala kaya marapat na mag ingat tayo." Pansin ko na parang ayaw ni Aling Lucia na pag usapan ang mga maharlika base sa pananalita niya

"O siya. Magbihis ka na at matutulog na tayo pagkatapos mong Kumain. May dadaluhan tayo bukas" Na curios ako

"Ano po iyon?"

"Inanyayahan ang lahat ng mamamayan na dumalo bukas dahil darating ang mga Maharlika sa lungsod ng Quinones, Asmodeus, at ng Ursianna"

Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Omy my God! So it means makakaharap at makikita ko ang mga royalties bukas?! Gosh!

Hindi ko alam pero imbes na excitement ay kaba ang nangibabaw sakin. Dahil alam kong bukas ang simula ng totoong laban. Napalunok Ako.

GABING Gabi na pero gising parin ang diwa ko. Tulog na si Aling Lucia. Nasa kabilang kwarto siya habang ako ay nandito sa kwartong hindi ko alam kung kanino.

Napaupo ako. Napahikab sabay tayo. Siguro namamahay lang Ako. Pansin ko Rin ang kalumaan ng kwartong kinahihigaan ko.

Hindi naman siguro masamang lumabas di ba? Magpapahangin at magpapaantok lang Ako kahit papaano.

Hindi ko alam pero bigla nalang kumapal ang Mukha ko dahil nagawa ko pang magtimpla ng mainit na kape Bago lumabas. Well, Gawain ko to palagi Nung nasa totoong Mundo ko palang Ako.

Nang makalabas ay kaagad akong humigop ng kape. Sarap na sarap pa ko kahit tahimik at walang katao tao sa paligid. Kumusta na Kaya sa totoong Mundo ko? Hinahanap na siguro Ako ng mga mahal ko sa buhay.

Ano kayang magiging reaksyon ng bruha Kong kaibigan kapag nalaman niyang nagawa ko ngang makapasok sa sarili kong nobela.

Paubos na sana ang kape ko nang makarinig ako ng kaluskos sa kung saang parte. Maraming damo at talahib sa may gilid ng Kubo ni Aling Lucia.

Napatigil at napalunok ako. Nang makitang may dalawang tao ay agad akong nagtago at tiningnan kung Anong pinaplano nila.

Hindi naman Ako chismosa pero para kaseng may gagawin Silang hindi maganda. Maya maya pa ay narinig kong nagsalita ang isa.

"Sigurado ka ba talaga sa narinig mo Marcelo? Darating ang ibang mga maharlika bukas?" Tanong ng isa

"Oo. Kalat na sa palengke maging sa bayan ang Balita. Magdadaos sila ng malaking handaan bukas lahat dapat dadalo" Natawa ang isa.

"Kita mo nga naman, ang swerte natin bukas. Magkakasama pa nating mababaon sa hukay ang mga hilaw na maharlikang iyan"

"Sa wakas makakaganti na rin Tayo" Bigla akong kinabahan. May pinaplano sila. Bigla akong nangamba para sa buhay ng mga tauhan ko sa nobela.

"Ilagay mo ang pasabog na ito sa ilalim ng mesa ng mga maharlika bukas. Pagkatapos ay umalis ka na. Wala na tayong kinalaman pa kung may madamay na iba. Ang mahalaga, mawala na ang mga naghahari harian sa ating bayan"

Napatayo ako pero kalaunan ay agad din napaupo

"Sige, aalis na ako. Siguraduhin mong walang makakaalam ng Plano"

Narinig ko nalang ang papaalis nilang yabag kaya agad akong umalis sa pinagtataguan

"Hindi pwede. Hindi pwedeng mapapahamak ang mga characters ko sa kwento. May magagawa pa ko" Huli kong saad Bago Ako agad na pumasok sa loob

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now