NON-EXISTING XXXIV
"Dahil ikakasal na siya kay Prinsipe Rhuss"
Nanigas ako sa kinauupuan at namanhid sa nalaman. Biglang kumirot ang dibdib ko at biglang nawalan ng lakas sa narinig.
"I-ikakasal?" Nauutal kong tanong. Sandali namang napatitig si Prinsipe Arkanghel sa akin bago may dumaang kakaibang emosyon sa mga mata niya na hindi ko alam.
"Oo. Nag kausap kami at ang sabi niya sa akin, babawiin niya ang trono at magpapakasal kay Prinsipe Rhuss para lumakas lalo ang kapangyarihan ng pamilya nila" Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang binabasa ang iniisip ko.
Napaiwas ako ng tingin at umaktong normal kahit na sa loob loob ko ay sobra akong nasaktan.
"Bakit parang hindi ka Masaya?" Sandali akong natigilan sa sinabi niya.
"Dapat matuwa ka Aila sapagkat nasa mabuting kamay na Ang kaibigan mo. Ang kamahalan mo" Mahinahon niyang saad pero di ko magawang magsalita
"N-natutuwa po ako..." Hindi ko namalayan na naging mapait na pala ang pagkakasabi ko nun.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago umiwas ng tingin at ibinaling ang titig sa kinakain.
"Alam kong nasasaktan ka..." Napatingin ako sakanya. Mahinahon ang titig niya pero mababakasan din doon ang pait sa tinig niya.
"Pero wag kang mag alala... Nandito naman ako, handa kong saluhin lahat ng sakit na nararamdaman mo" Naging magaan ang loob ko dahil sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita pa
"Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Prinsipe Arkanghel dahil sa naging tanong niya. Napatango naman ako kahit na napapagod na sa kalalakad.
"Humanap tayo dapat ng matutuluyan ngayon, hindi pwedeng ganito nalang at palakad lakad tayo" Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Yung hawak na parang magkasintahan.
Sandali akong napatitig sa mga kamay namin at hindi maiwasang hindi mamula. Nakakahiya. Basang basa pa naman ang kamay ko pero mukhang balewala lang iyon sakanya. Nagawa pa nga niyang pisilin iyon bago ako malamlam na tinitigan
"Aila..." Tawag niya sakin pero di ako lumingon dahil alam kong nakatitig na naman siya sakin
"Hmm?"
"Masaya ako dahil Ikaw Ang Kasama ko ngayon" Bigla akong napatigil pero di siya nilingon. Alam ko naman... Mahahalata na na may gusto siya sakin kahit hindi ko itanong o hindi niya sabihin
"Sana maging Masaya ka rin sa piling ko" Napakunot ang noo ko at napabaling ang tingin ko sakanya. Parang may ibang ibig sabihin yun ah?
"Jusko! Mahal na prinsipe?!" Naestatwa sa kinatatayuan ang matandang babae habang ang Kasama niyang matandang lalaki naman ay natulala nalang habang nakatingin samin na papalapit sakanila.
"Magandang Araw ho" Magalang niyang saad at nagawa pang magmano sa mga ito kaya nagmano na rin ako at naiilang na ngumiti.
"Anong nangyari sa inyo? Pinaghahanap po kayo ng inyong ama dahil kahapon pa kayo nawawala at..."
Sandaling napatitig ang matanda sa akin nang mabaling ang tingin niya. Sinuyod pa nito ang kabuuan ko at natulala habang may naisip
"N-nagtanan kayo ng Isang binibini?!" Gulat nitong tanong. Napakamot naman ng noo si Prinsipe Arkanghel bago ako binalingan ng tingin at nahihiyang umiwas ng tingin
"Naglayas po ako" Sagot niya na ikinagulat ng matanda. Naaawa naman itong napatingin sakanya at mukhang alam nito ang rason.
"Bakit ba hindi ka nakinig saamin kamahalan? Sana pinakinggan mo muna ang paliwanag ng iyong ama bago ka umalis at nagpadalos dalos sa iyong desisyon"
Naupo kami ngayon sa Isang kahoy na upuan. Inilibot ko ang paningin at ko at doon ko nalamang, Kubo Rin pala ang bahay nila. Maganda naman ito at maaliwalas tingnan. Napapalibutan naman ng mga bulaklak ang bakuran nila.
"Kaya ba hindi ka nakinig dahil may plano ka talagang mag tanan ng dalaga? Ganun po ba? Nako, malalagay sa alanganin ang buhay ninyong dalawa lalo pa at pinaghahanap ka na ng buong lungsod ninyo" Bigla akong kinabahan sa Balita ng matanda at hindi nakapagsalita
"Alam ba ng mga magulang mo iha na sumasama ka sa mahal na prinsipe?" Baling nito sakin na ikinagulat ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman kami magkasintahan ni Prinsipe Arkanghel pero hindi ako makapagsalita
"Wag niyo na po siyang tanungin. Ako nalang ho dahil..." Lumingon siya sakin bago ako alanganing nginitian
"Tinakas ko po siya Mula sa kulungan sa palasyo ng mga Ursianna" Napahawak ang matanda sa kanyang dibdib at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"Ibig sabihin ay isa siyang bilanggo? Ganun ba?" Tumango lamang ang prinsipe bago Napahinga ng malalim
"Ako po talaga ang may kasalanan sa lahat at Wala po siyang ginawa kundi ang sumama sa akin... May tiwala po siya sakin Kaya naman ay papatunayan ko sakanyang hindi siya magsisising sumama sakin"
Napatingin naman ako kay Prinsipe Arkanghel. Sandali ko siyang tiningnan at pinag iisipan kung tama ba talaga ang ginawa ko na sumama sakanya.
Nakiusap si Prinsipe Arkanghel na dito na Mula raw kami pansamantala at aalis na kapag nakakita na ng matitirhan. Sa ngayon ay nasa bahay muna kami ng mga matanda na napag alaman kong sina Nanay Henya at Tatay Julio.
Dalawa lang ang kwarto dito at ang isa ay para sa mga matatanda. Napangiwi ako at hindi alam kung anong magiging reaksyon ko dahil ang sabi ng matanda ay magtatabi daw kaming dalawa
"Dito ang kwarto ninyo. Magtabi nalang kayo tutal ay magkasintahan naman kayong dalawa" Napatikhim ako at napatingin kay Prinsipe Arkanghel na nasa gilid ko lang at hindi umimik.
"Maraming salamat po Nanay Henya. Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng matutuluyan naming mag asawa" Saad niya na ikinatigil ko.
Tiningnan ko siya pero nakatitig lang din siya sakin na para bang sinasabing makinig at makisama nalang Ako sa gusto niyang mangyari.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...