NON-EXISTING XXXIX
Doon ako nanlamig sa sinabi niya. Natulala ako at di maproseso sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Prinsesa Fahara. Napangisi siya sa naging reaksyon ko at parang natutuwang makita ako sa ganoong sitwasyon.
"Natatakot ka na ba? Mahal naming manunulat?" Hindi ako makapagsalita dahil naninikip ngayon ang dibdib ko.
Umupo siya sa harapan ko at walang emosyon akong tiningnan
"Wag na wag mo kong susubukan Aila... Dahil baka Isang pitik ko lang, tapos na kaagad ang Buhay mo at ang buhay ng mga bida mo" Ngumisi siya at tumayo ulit.
Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pa niyang sinasabi dahil napupuno na ng mga katanungan ang utak ko. Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging kalaban ko. Na siya ang sisira sa akin at ang tuluyang magkukulong sakin sa libro.
Namalayan ko nalang na umalis na sila. Napaiyak ako. Hindi ko alam kung paano pahupain ang sakit. Masakit ang katawan ko at masakit din ang puso ko.
Nakatulog ako at nagising nang biglang may nagyugyog sakin nang malakas. Napamulat ako at hindi agad nakagalaw sa pagkakahiga. Napahawak ako sa noo ko dahil parang sasama ang pakiramdam ko ngayon. Mainit ang paghinga ko idagdag pa na masyadong masakit at tuyong tuyo ang lalamunan ko.
"Bangon diyan! May bisita ka!" Malakas na sigaw sakin ng kawal na gumising sakin. Napabangon ako sa kinahihigaan ko at nagtatakang napatingin sa kawal na agad ring umalis.
Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at agad na pumasok ang taong hindi ko inaasahan. Nakataas ang kilay nito at nakangisi nang makita ang kabuuan ko. Napapaypay pa ito sa dalang pamaypay at aroganteng nakatitig sakin
"Kumusta ka naman mahal naming may akda? Anong pakiramdam ang makapasok sa sarili mong nobela? Masaya ba? Hmm?" Napatulala ako at hindi makapaniwala na maski ito ay may alam sa kung sino talaga ako.
"A-anong ginagawa mo dito?" Galit Kong tanong. Nagpakawala ito ng nakakarinding halakhak bago nagsalita at tiningnan ako ng matalim
"Ano pa nga ba? Aba! Binibisita Ang may akdang may gawa sakin" Napahawak ako sa ulo ko nang biglang kumirot ito. Pati na rin ang dibdib ko ay kinakabahan na para bang nasasaktan ako. Kumirot ito kaya napaluha ito.
"H-hindi kita kilala... At mas lalong hindi ka kasali sa nobela---
"Malamang... Ginawa talaga ako para pahirapan ang matigas na manunulat na kagaya mo! Di ba ito ang gusto mo?! Ang makapasok ka dito?! Bakit ngayon parang natatakot ka na?!" Lumapit ito sakin at hinawakan ang panga ko saka pinaharap sakanya
Matalim Ako nitong tiningnan.
"Ako nga pala ang p*p*t*y Sayo... Handa ka na ba?" Natawa ito nang sinubukan kong magpumiglas sa hawak niya. Naiiyak ako dahil masakit pa ang panga ko dahil sa paghawak ni Prinsesa Fahara kanina at sa pagsampal niya
"Nga Pala... Hindi ka maniniwala kung Anong ginawa ko sa pinakamamahal mong bidang Prinsesa..." Dumaan ang pekeng lungkot sa mga mata niya bago tumalik ang tingin at ngumisi sakin
"A-anong ginawa mo kay Prinsesa Rhayla?!" Bigla akong nabuhayan ng galit. Saktan niya na lahat wag lang ang bida ko sa kwento.
"Nakalimutan ko? Basta... Marami... Pinaglinis ko siya, ginawang alipin, tagahugas, ginawang parausan para sa mga kawal---
"Hay*p ka!" Dahil sa Galit ko ay naitulak ko siya at nasakal. Napasigaw naman siya pero hindi ako nakinig. Hinampas ko ang mukha niya at sinabunutan ang maganda niyang buhok. Hindi pa ko nakontento at nag Iwan pa ko ng kalmot sa mukha niya habang nangangalaiting sumisigaw sa galit. Nadala na rin ako ng Galit ko kay Prinsesa Fahara at maging sakanya
"KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SAKANYA HINDI KITA TATANTANAN HANGGANG HINDI KA N*M*M*T*Y!" Gigil Kong sigaw na mas lalong ikinadaing niya. Malaki din ang damit na suot niya kaya nakasagabal talaga dahilan para hindi siya makapanlaban sakin.
Umiiyak na ko sa frustration. Gigil na gigil na ko at habang sinasabunutan siya ay sumagi sa isip ko si Prinsesa Rhayla. Nakikita ko ang mga paghihirap niya at parang naririnig ko ang mga iyak niya.
"Walang hiya ka..." Nanghihina ko siyang binitawan dahil napagod ako. Napahawak ako sa dibdib ko habang hingal na hingal sa pag iyak.
"Tinuring ka niyang parang totoong ina kahit hindi naman! Napakasama mo! Wala kang puso Wala kang utang na loob! H*yop ka..." Dahan dahan itong bumangon at nakangisi akong tiningnan. Hindi ininda ang mga sugat na ginawa ko.
"Hindi ko siya kailanman ituturing na anak... Si Fahara lang ang anak ko. At siya lang ang nag iisa Kong anak at Wala nang iba... At yang Prinsesa mo? Ginamit ko lang naman ang ama niya para tulungan ang anak kong maagaw ang trono Mula sakanya..." Napadaing siya nang mapahawak sa mukha niya.
"Maraming salamat sayo Aila dahil sa pagtulong samin na pabagsakin si Prinsesa Rhayla... Nagtagumpay kami at ang anak ko na ang namumuno ngayon" Hindi ako makapagsalita.
Gulat akong napatitig sakanya at nagtataka kung paano niya naging anak si Prinsesa Fahara.
"At ngayon... Hawak naman ng anak kong si Gideon ang trono na dapat ay kay Arkanghel... Salamat sa lahat dahil nagawa niyong gumawa ng kasalanan at dahil doon ay napatunayan ng ama niya na hindi siya karapat dapat sa trono" Halatang natutuwa siya sa mga nangyayari pero ako hindi.
"Nasaan si Prinsesa Rhayla?" Seryoso kong tanong kaya napatigil siya at sandaling napatitig sakin Saka humalakhak.
"Nasa kama ng isa sa mga kawal saan pa ba--
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang agad ko siyang hinampas sa ulo dahilan para matumba siya. Hinablot ko ang buhok niya dahilan para mapadaing siya.
"Nasaan ang totoong ina ng prinsesa? Wag na wag kang magkakamaling magbigay ng maling impormasyon sakin at baka di kita matantya... Hindi ko ugaling manakit pero sumusobra ka na" Tumawa lang siya na parang baliw bago nagsalita
"P*nap*ta*y ko na... Matagal na... Mabuti nalang at naagaw ko ang asawa niya at naging reyna ako. Guminha---
"Nagagawa mo pa talagang pagtawanan lahat ng ginawa mo?! Hindi ka man lang ba naaaw---
"Bitawan mo ang kamahalan!" Nanigas ako nang biglang may tumutok ng espada sa leeg ko. Hindi ako makagalaw at ang tanging nagawa ko lang ay ang itaas ang dalawang kamay ko.
Gusto kong tadyakan ang babaeng ito. Gusto ko siyang sunugin ng buhay. Gusto kong manlaban pero hindi ko ginawa dahil iniisip ko ang buhay ko.
"Ina!" Nilapitan ni Prinsesa Fahara ang babae saka nag aalalang tiningnan.
"Anong ginawa mo?!" Lumapit ito sakin at galit akong hinawakan sa balikat. Ngumisi lang ako bagay na hindi niya nagustuhan
"Dapat lang yan sakan--
Sinampal niya ulit ako bago hinawakan sa buhok.
"Wala kang respeto sa---
"Hindi din naman deserve ng nanay mo ang respeto ko!" Hinila ko ang buhok niya kaya napasigaw siya.
Nataranta ang kawal at sasaksakin na sana ako nang iharap ko si Fahara habang sakal sakal sa leeg. Napasigaw siya dahil hindi makahinga
"Hudas ka talaga kahit papano! Sana di nalang kita isinulat sa nobela ko! Sana masunog ka sa empyerno Kasama ang nanay mo!" Nanggigigil Kong Tugon. Napasigaw naman ang nanay niya at agad na tinawag ng iba pang kawal.
"AHHHH!!" Tili niya nang kurutin ko ang mukha niya at sugatan ito. Hinawakan ko ang balikat niya at binagsak siya saka tinadyakan sa tiyan dahilan ng pagdaing niya.
"Bago niyo ko m*p*t*y sisiguraduhin ko munang mauuna kayo!" Naiiyak ako na ewan. Hindi ito ang gusto kong matagpuan sa nobela. Dapat ay nanonood ako ng mga nagaganap at Masaya sa mga nangyayaring eksena pero anong nangyari? Eto ako, nakikipagsabunutan sa walang kwentang prinsesa
"Bitawan mo ang kamahalan!" Sigaw ng kung sino. Agad ako nitong itinulak dahilan para mapasalampak ako sa sahig at mauntog ang ulo ko sa mabatong pader.
Nanghihina at nahihilo ako Hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
