NON-EXISTING III
Napatulala nalang ako. Halos maiyak na ko dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil napakalaking problema ng pinasok ko.
"Sh*t naman! Sana pala di nalang ako nagwish sa wishing star na yun! Hindi sana ako mapupunta dito!" Napahinga ako ng malalim bago nakapamaywang
Bumukas ang pinto at nakita ko si Aling Lucia na may dalang mainit na sabaw.
"Kumain ka muna at nang magkalaman ang sikmura mo..." Saad niya habang inilapag ito sa harapan ko. Ngumiti ako
"Aling Lucia asan po ba dito yung... Bayan?" Tanong ko sakanya
"May bibilhin ka ba? O may ipapabili sakin? Idadaan ko nalang dahil pupunta ako dun" Ngumiti ako sakanya
"Hindi na po... Ayos na po sakin" Gusto kong maglibot dito. Gusto kong malaman kung nandito ba talaga ako sa totoong libro. Kung totoo ba talaga na nakapasok ako dito
"O siya sige... Basta mag iingat ka huh?" Tumango ako at ngumiti lang ng tipid sakanya.
Napahinga ako ng malalim at napangiwi dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maglakad. Hindi ko na alam. May tao sa kaliwa, may tao sa kanan may tao rin sa gitna...
Naglalakad lang ako nang may Bigla akong mabangga. Natumba ako dahilan para mapapikit ako sa inis. Tiningnan ko yung nasa harapan ko at nakita ko ang isang gwapong nilalang...
Kulay green ang mga mata niya at nakakaakit ngunit kahit na ganun! Hinding hindi ako papayag na hindi siya mag sorry sakin.
"Tumayo ka riyan! Humingi ka ng tawad sa mahal na prinsipe dahil sa pagbangga mo sakanya!" Sigaw ng isang kawal at tinutukan ako ng isang espada?
Napangiwi ako saka inis na tumingin sa isang kawal... Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko
"FYI lang ah?! Kayo kaya Yung bumangga sakin tapos ako pa ang hihingi ng sorry? Hoyyy kayo" Tinuro ko sila na nasa harapan ko
"Sino ba kayo para mag adjust pa ako at ako pa ang mag sorry huh?" Walang umimik
Inilibot ko ang tingin ko at halos mawalan ng malay dahil ang sasama ng tingin sakin ng lahat ng taong nandito... Nag bubulung bulungan sila at masama akong tiningnan. Kumbaga, disgust is visible on their eyes...
Tiningnan ko ang nasa harapan ko at nakita ko ang pangangamba ng ibang kawal habang ang lalaking nasa harapan ko ay hindi umimik at parang natutuwa pang nakatingin sa akin.
Nakasakay lang siya sa kabayo niya at di ko alam kung aware ba siya na siya ang dapat mag sorry dahil sa sinasakyan niya
"Mapangahas ka! Dapat sayo ay putulan ng dila!" Sigaw ng Isa na ikinasigaw ng lahat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang sang ayon pa silang putulan ako ng dila...
Itinaas Bigla ng lalaking nasa kabayo ang isang kamay niya dahilan para matigil sila
"Kasalanan ko ho ang lahat... Walang kasalanan ang babae at kung maaari ay wag na ho ninyo siyang awayin..." Natulala ako sa hinhin ng boses niya.
Napatulala ako... Narinig ko ang bulungan ng nakararami pero Wala akong naging imik dahil narinig ko ang tinig ng isang anghel. Ang amo ng boses niya
"Magpatuloy na tayo..." Mahinang utos nito sa kawal niya kaya yumukod ito.
Tumingin sakin Yung lalaki at nagulat nang makitang ngumiti siya sakin Bigla. Biglang kumabog ng biglaan ang dibdib ko... Napahawak ako dito
"Paumanhin ulit binibini... Hindi ko sinasadyang mabangga ka... Hanggang sa muli..." Hindi ako umimik at nakita ko nalang ang pag alis nila.
Nakita ko rin ang pagyukod ng mga taong madadaanan niya na sinusuklian naman niya ng tango
"S-sino ho iyon?" Wala sa sariling tanong ko sa ale na nasa gilid ko lang din. Nagtataka siyang tumingin sakin bago nakataas ang kilay na nagsalita
"Siya si Prinsipe Arkanghel Nevada... Hindi ka ba taga rito babae?" Mataray niyang Sabi ngunit
Nagliwanag lang ang mukha ko at di maiwasang di maexcite at mamangha... Napangiti ako... Siya ang make lead ng story ko...
"Siya ang prinsipe at ang susunod na hari sa lungsod ng Arkanghel... At ikaw?! Bakit mo siya binangga?!" Nagulat ako sa sigaw niya ngunit agad na akong umalis
"Susana hayaan mo na yan..." Rinig Kong Sabi nung isa ngunit Hindi ko na sila pinansin pa.
Palihim ko silang sinundan. Na excited ako bigla dahil siya ang ginawa kong male lead character ng story ko... Napalakpak ako sa sarili ko dahil ang gwapo ng nagawa Kong character. I'm so proud of you self!
Napatango tango ako habang nakangiti dahil nakita ko itong huminto at inilagay ang kabayong gamit niya sa lalagyanan nito...
"Kyahhh! Ang gwapo ng male lead na ginawa ko!" Mahinang tili ko... Napatalon pa ko at agad na napatakip ng bibig nang mapagtantong napalakas ang sigaw ko
"Sino yan?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ulit ang boses niya... Natahimik ako saglit at napapikit ngunit...
"At bakit ka nariyan?" Nanlaki ulit ang mga mata ko dahil nasa harapan ko na siya. Nakangiti siya sakin at parang tuwang tuwa pa na nakita ako
"A-ahhh ehh..." Napalunok ako at di lang yun dahil sa matinding kahihiyan kaya hindi na ko makapagsalita
"Sinisilipan mo ba ako?" Tiningnan ko ang mukha niya. Nang aasar na ito kaya naman ay agad akong napatayo at agad na masama siyang tiningnan
"H-hindi ah! Bakit naman kita sisilipan? Saka hello?... Di ka naman gwapo..." Mahina kong Saad sa panghuli pero nagsinungaling lang ako para mapagtakpan ang kahihiyang nagawa ko...
Narinig ko ang pagtawa niya. Hindi ko alam na napangiti na pala ako... Ang gwapo niyang Tumawa... Hindi ko alam kung dapat ko bang palakpakan ang sarili ko dahil nakagawa ako ng napakagwapong male lead character pero mamaya na...
"Kung ganun anong ginagawa mo rito? Kung hindi mo ako sinisilipan ay... Ano?" Hindi naman nakakainis yung smile niya kaya lang nahihiya ako eh...
Napakamot ako ng ulo saka ngumiti nalang kalaunan...
"Masama bang kumustahin at tingnan ang male lead character na ginawa ko?" Napangiti ako dahil nagtaka ang mukha niya...
Kalaunan ay napangiti pa ako lalo... Mukhang maiisipoil ko siya sa mga susunod na mangyayari...
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Фэнтези"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
