NON-EXISTING XXXVII
"You sure you'll stay here?" Tumango ako at nginitian siya. Pinilit niya kase akong sumama sakanya pabalik. Natatakot naman ako dahil galing pa Kong kulungan at alam kong pinaghahanap na din ako. Hindi ko alam pero bigla akong natakot harapin si Prinsesa Rhayla. Hinatid pa niya ako dito pabalik sa kung saan niya ko nakita.
"Give me one reason why you're not going with me?" Seryoso ang mukha niya at walang emosyong nakatitig sakin pero kahit na ganun ay ramdam ko ang lumanay ng boses niya
"Natatakot kase akong bumali--
"Surrender all your worries to me Aila please... Come and go with me" Umiling ako ulit Kaya bigla siya lalong nalungkot
"Gusto ko sana pero Kasama ko kase si Prinsipe Arkanghel --
"And that Prince again? Who the h*ll is he to take you here? He's putting you in danger" Nangangalaitinh Saad niya. Napahinga ako ng malalim at hindi na nagsalita pa.
Napahinga din siya ng malalim dahil alam niyang di niya mababago ang desisyon ko.
"Alright. Please take care and don't..." Tumigil siya at matalim akong tiningnan na siyang kinakaba ko
"Don't allow him to touch nor kiss you... Kapag talaga pag balik ko dito buntis ka swear" Nagbabanta niyang saad. Imbes na matakot ay nahiya pa ko sa sinabi niya.
"W-wala namang namamagitan samin---
"Yeah I know and I trust you but I don't trust that Prince. He's no good to you at all" Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Umuwi ka na po kamahalan. Look oh. Gabing gabi na. Matutulog na po ako" Napakunot ang noo niya
"Saan ka matutulog?"
"May Nakita kase kaming matutuluyan dito kaya nakiusap si Prinsipe Arkanghel na dito na muna kami pansamantala " Nakatitig parin siya sakin
"Did you two sleep together?" Umurong bigla ang dila ko sa tanong niya. Sasabihin ko ba sakanya? Gusto ko sana pero... Di ba hindi ko naman siya boyfriend para ipaalam sakanya ang lahat ng ginagawa ko? Pero kase... Nakokonsensya din ako.
"H-hindi... May ibang kwarto pa kase" Pagsisinungaling ko para hindi siya magalit. Baka mamaya sugurin niya pa si Prinsipe Arkanghel. Halata namang possessive siya kahit na walang kami. Nasaktan at natawa lang ako sa naisip
"You sure? Well that's good. Okay I have to go. Good bye, if I have enough time I will visit you here okay? I will make a way so that you can get back to the town and after that, we'll gonna marry" Hinalikan niya ko saka niyakap
"Good night" Huli niyang saad at iniwan at agad nang umalis.
Pagbukas ko ng mga mata ay nakangiti agad ang labi ko. Napabaling ako sa ibang direksyon at nakitang Wala na si Prinsipe Arkanghel sa gilid ko. Nauna nang magising.
Bumangon ako at napakunot ang noo nang makita ang bulaklak na bigay ni Prinsipe Rhuss sakin kagabi na nakapatong na sa may maliit na lamesa. Sa pagkakatanda ko inilagay ko to sa may kabinet Dito ah?
Napakibit balikat naman ako. Baka ako ang naglagay niyan kagabi di ko lang maalala.
Inayos ko ang higaan namin bago lumabas. Naabutan ko si Prinsipe Arkanghel na nakatalikod sa gawi ko habang umiinom ng kape. Suot pa rin niya ang damit niya nung naglayas siya.
"Oh gising ka na pala iha. Halika, tikman mo tong niluto Kong maruya dali" Masiglang Saad ni Nanay Henya sa akin nang Makita ako. Napangiti naman ako
Naramdaman kong may nakatitig sakin at nang ibaling ko ang paningin kay Prinsipe Arkanghel ay nakita ko itong nakatitig sakin. May nababasa akong lungkot at sakit. Para ring nababahala siya sa di ko alam kung ano.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
