Chapter 43

2 0 0
                                        

NON-EXISTING XLIII

Nanatili akong tulala. Hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatingin sa makulimlim na kalangitan na parang nababalot ng sakit at pagdurusa.

"Welcome to wasted island Ms. Mendoza, sana naman ay may natutunan ka na na sa susunod ay wag pakialaman ang kwentong sinulat mo" Dagdag pa nito matapos ang mahabang katahimikan

Biglang umalpas ang luha sa mga mata ko bago ako napahawak sa dibdib at nakagalaw ng tuluyan.

"Y-yun na po ba yun? Hindi ko na po ba sila makikita?" Napahikbi ako dahil sa tanong ko.

"Oo. Hindi mo ba alam? Hindi ka ba aware na dito na ang k*m*t*y*n mo sa islang ito? Hindi mo ba sinulit ang pagkakataong makapagpaalam sa mga karakter mo sa nobela?" Dahan dahan akong bumangon at napahawak sa katawan ko nang hindi ako makaramdam ng kahit anong sakit.

Natulala ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa itsura ko ngayon. Sa pagkakatanda ko hindi ganito ang damit ko nung nasa court hall ako.

"Nakakapanibago, hindi naman nag iiba ang mga damit na suot ng mga itinatapon dito ss wasted island" Biglang saad niya. Napalingon ako sakanya at sandaling natulala.

Iba na ang damit na suot niya. Malinis siyang tingnan at may mamahaling sumbrero sa ulo. Nakaputi siya lahat ulo hanggang paa pero itim ang gamit na sumbrero. May dala siyang tungkod pero hindi niya ginamit at nakaipit lang sa gilid niya.

"Sino po kayo?" Tanong ko.

"Ako? Ako ang tagabantay sa islang ito..." Sagot niya saka inilibot ang paningin sa buong isla. Maganda naman ang lugar na nakikita ko, nagmistula nga lang malungkot ang paligid dahil sa makulimlim na langit at walang buhay na paligid

P*t*y lahat ng halaman na nandito at iilan lang ang buhay. Napalunok ako dahil alam kong malabo nga akong mabuhay dito. Gusto kong mapaiyak. Karma ko na siguro ito dahil ako naman ang may gawa ng islang ito. Hindi ko maimagine ang mga taong napapatapon dito dahil talaga namang hindi sila matatagalan dito ng buhay. At nakakalungkot lang dahil ako pa na may akda ang nandito sa isla.

"H-hindi na po ba ako makakaalis dito?" Biglang tanong ko dahil nakaramdam ako ng takot. Napalingon sakin ang matanda bago nagsalita

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo dati? Nung pumasok ako sa panaginip mo?" Bigla kong naalala lahat nung gabing na nakita ko siya sa panaginip ko.

"Binigyan na kita ng babala. Mag iingat ka sa isa sa mga karakter mo dahil siya ang sisira at pupuksa sayo. At nagawa nga niya. Nagtagumpay siya, ito ang nagawa niya" Nilahad niya ang mga kamay niya na nagpapahiwatig na ito ang plano ng kalaban kong karakter. Ang itapon ako at hayaang mamatay dito.

"A-ano pong mangyayari sa mga karakter ko sa nobela? Si Prinsesa Rhayla? Si Prinsipe Arkanghel? Si... Prinsipe Rhuss?" Naging bulong ang huli kong saad.

"Sila? Hmm... Tuluyan na silang sisirain ng mga kalaban mong karakter" Baliwala niyang saad. Bigla akong siniklaban ng takot dahil sa sinabi niya

"Tuluyan na silang maghahari sa lahat ng bagay. Maagaw nila lahat at sisirain nila ang nobelang sinulat mo" Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo ba napapansin?" Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Hindi na umaayon ang sinulat mo sa linro at ang nangyayari sa loob ng kwento" Natigilan ako ngunit kalaunan ay napatango

"D-dahil may sumira sa kwento ko... Kilala ko na po sila... Alam ko po na sila ang may kagagawan sa lahat! Sila ang dahilan kung bakit nag iba ang daloy ng kwento ko. N-napakasama nila..." Humina ang boses ko at pinigilan ang wag maiyak

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now