Chapter 16

0 0 0
                                        

NON-EXISTING XVI

"Ha?" Nabingi ata ako eh.

"A-ang ibig kong sabihin ay... S-sayo na yan" Umiwas siya ng tingin sa akin Bago tumayo at tinalikuran ako.

"A-aalis na pala ako" Saad niya dahilan para mataranta ako. Napatayo ako dahil sa sinabi niya. No way! Mag de date pa sila. Ito yung first date nila sa novel ko.

"Prince Arkanghel wag po muna! Promise parating na talaga si Prinsesa Rhayla dito. Antay lang tayo mga 5 minutes sige na po" Pagmamakaawa ko sabay hawak sa braso niya at paupuin siya ulit sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na hawak hawak ko na Pala ang dalawang kamay niya. Natulala kami pareho habang dinadama ang init ng hawak ng isa't isa.

"Aila... Prinsipe Arkanghel... N-nandito na ko" Gulat akong napalingon sa nagsalita. Si Prinsesa Rhayla! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko alam kung bakit. My God! Nakatingin siya sa kamay ko na hawak parin ang kamay ni Prince Arkanghel Kaya napabitaw Ako.

"N-nako..." Bumitaw Ako at dahan dahang lumapit kay Rhayla saka hinila siya para magkalapit sila dalawa.

"Mukha po kaseng kanina ka pa po hinihintay ng mahal na prinsipe. Aalis na po sana siya kaso po pinigilan ko" Pagpaliwanag ko ngunit pareho parin Silang tahimik.

"Oo nga pala noh. Privacy. Nakalimutan ko. Sige, usap muna kayo dyan, doon nalang po ako uupo sa ilalim ng puno para maghintay" Nakangiti kong Saad at aalis na sana ngunit napatigil ako nang tumayo si Prinsipe Arkanghel at nag aalalang tiningnan ako.

"A-ayos ka lang ba doon?" Tumango ako para ipakitang walang malisya iyon dahil nakikita kong nakatitig si Prinsesa Rhayla sa aming dalawa lalong Lalo na sa akin.

Agad na akong umalis at napasandal sa malaking katawan ng Puno. Napahinga pa Ako ng malalim at napangiti nang Makita ang dalawa kong bida na masinsinang nag uusap.

"Kaloka. Para talaga akong third wheel eh noh? Bakit pa ba kase sinama sama pa ako" Napairap ako at Napahinga ng malalim Saka napaisip

"Saang chapter na kaya ito? Hayy Nako. Sana nadala ko man lang yung libro----

"Sinong kausap mo?" Biglang tanong ng kung sinong tinig

"Ahh... Naisip ko lang yung chapter ng---

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marealize ko na... Walang ibang tao dito kundi Ako lang.

Nanginginig pa ako dahil nakalimutan kong nasa ilalim Pala Ako ng punong mangga. Malamang sa malamang at baka nabulabog ko yung mga engkantong naninirahan Dito.

"Tsk!" Bigla itong umasik at titili na sana ako ngunit agad nitong hinawakan ang bibig ko.

"Don't shout woman! They might see us" Bulong pa nito sakin. Doon ako nanigas sa kinauupuan. Jusko. Tama nga ang hinala ko.

"Prinsipe Rhuss?!" Gulat kong Saad at tumingin sakanya ngunit naging maling galaw ata dahil nagkalapit na ang mga mukha naming dalawa. Napatitig naman siya sa akin.

Kahit na madilim ay kitang kita ko parin ang kinang ng kulay bughaw niyang mga mata.

Dahan dahan ako umatras pero hinila niya lang ako ulit at this time ay inis na ang rumihestro sa gwapo niyang mukha. Napakurap ako at napaiwas ng tingin.

"B-bitaw..." Mahina kong utos sakanya pero hindi siya nakinig sakin. Mas hinigpitan pa yata yung paghawak sa bewang ko. I feel secured actually. Pero kase... Nakakailang yung posisyon.

"Wag ka ngang magulo! Gusto mo ba talagang mahulog?! Sabihin mo lang at bibitawan na kita agad!" Asik niya at dahil don ay napatigil ako.

Dahan dahan akong napalingon sa gilid ko at Tama nga siya, malaking butas nga ang nasa gilid nitong puno. Madilim Kaya Hindi ko alam kung mababaw lang ba o malalim pero alam kong kakasya ang tao kapag nahulog.

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now