NON-EXISTING XLVI
"Maghanda ka. May iba ka pang bisita" Nakangiting saad ni Prinsipe Arkanghel sakin. Napakunot naman ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan. May iba pa?
Umalis muna siya saglit at iniwan ako sa loob. Habang hinihintay ang sinasabi niyang bisita ay nakatingin lang ako sa labas. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ganito ako palagi kapag nag iisa, iniisip ang mga bagay na nakapagpapalungkot at nakapagpapasakit sakin.
Napahinga ako ng malalim. Bigla akong nakaramdam ng pagod kahit na nakaupo lang naman ako sa kama buong araw. Umalis na si Prinsesa Rhayla kanina lang dahil marami pa siyang gagawin ngayong naging reyna na siya at siya na ang namumuno sa kaharian nila.
Napangiti ako dahil nabalik na sa normal ang lahat pero... Hindi ko magawang maging masaya dahil may isang tao akong gustong makita bago ako umalis dito. Kahit na di ko isipin alam ko na malapit na kong umalis sa mundong ito. At iyon ang ikinalulungkot ko.
Bumukas ang pintuan pero di ako nag abalang lumingon. Hinayaan ko lang kung anong mangyari at tila walang pakialam kung sino ang pumasok
"Aila" Natigilan ako at hindi kaagad nakalingon nang may nagsalita at binanggit ang pangalan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimula itong pumintig ng mabilis. Naluha ako at dahan dahang nilingon ang nagsalita
At nang makita at makilala ito ay agad akong napaiyak. Nagtama ang mga mata namin. Nang matitigan ko ang asul niyang mga mata ay napasandal ako at agsd nakaramdam ng kapayapaan sa kalooban
"R-rhuss..." Halos naging bulong iyon. Nakatitig lang siya sakin. Ang mga mata ay nagsusumigaw ng pagmamahal at pangungulila.
Inisang hakbang niya ang pagitan namin bago ako niyakap ng nakapakahigpit na para bang ilang dekada kaming hindi nagkita.
"Thanks God... You're safe" Mahinang bulong niya na para bang nakahiga siya ng maluwag. Napaiyak naman ako sa balikat niya at niyakap din siya ng napakahigpit.
"A-akala ko hindi na kita makikita.." Mahinang bulong ko. Humiwalay siya ng yakap sakin bago ako tinitigan ng mariin.
"I'm sorry if I failed to protect you..." Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko bago ipinag dikit ang mga noo namin.
"I'm really sorry if I failed to save you when you needed me the most..." Nabasag ang boses niya
"Sorry if I'm us*less and weak that time and let them throw you to that Island" Niyakap niya ko ng mahigpit
"Everyday, I always prayed to God to guard and guide you there... I know it's really hard for your part... I can't imagine your fear when you're there, alone" Niyakap ko siya ng mahigpit at tipid na napangiti
"H-huwag ka na mag alala... Ligtas na ko... Nandito na ko" Mahina kong saad. Naramdaman kong mas niyakap niya pa ko ng mahigpit dahilan para hindi ako makahinga ng maayos
"Nakakatakot kang bitawan..." Mahina niyang bulong habang nakasiksik ang ulo sa leeg ko
"I'm afraid to think this might be a dream. Baka nakatulog lang ako at baka pag gising ko wala ka pala sa tabi ko" Humiwalay siya ng yakap sakin bago ako tinitigan ulit.
"Ang ganda mo..." Hilaw akong napangiti at naiilang dahil sa nakakalusaw niyang titig. Hinarangan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko
"Tigilan mo nga yan nakakahiya" Tumawa siya bago kinuha ang harang sa mukha ko at nagulat nang halikan niya ako bigla sa labi.
Nang humiwalay siya ay natulala ako at di nakagalaw. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan niya ko pero nakakailang parin.
Napayuko ako nang mabalik sa wisyo at makaramdam ng hiya. Uminit pa ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantastik"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
