NON-EXISTING XXXV
Dahil sa ginawa at sinabi ni Prinsipe Arkanghel ay parang nawalan ako ng ganang makipag usap sakanya. Maghapon ko siyang hindi pinansin bagay na alam kong napansin niya. Alam ko naman na delikado lalo na at hindi kami magkasintahan tapos magkasama pero dapat inalam niya muna sana ang magiging opinyon ko.
Napayuko ako at napahinga ng malalim. Natulala ako at mas lalong nasaktan nang malamang ikakasal na pala sina Prinsesa Rhayla at Prinsipe Rhuss.
Tiningnan ko si Prinsipe Arkanghel na mahimbing na nakatulog sa tabi ko. Pagod siya. Habang ako kahit pagod ay di magawang dalawin ng antok.
Lumabas ako at sakto namang naabutan ko pa doon ang mag asawa na parang may pinag uusapan. Napalingon sila sa akin at sandaling napatitig.
"Iha saan ka pupunta? Gabi na hindi ka pa ba matutulog?" Umiling lang ako at tipid Silang nginitian
"Pwede pa po bang lumabas? Kahit saglit lang" Nagkatinginan naman sila bago tumango kaya napangiti naman ako at agad na lumabas ng bahay.
Humampas sa mukha ko ang lamig ng hangin. Naglakad pa ko ng kaunti. Hindi naman ako maliligaw dahil malapit lang naman ang bahay nina Nanay Henya.
Napahinto ako at napatingin sa paligid habang dinadama ang Malamig na simoy ng hangin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pait sa dibdib. Ganitong ganito ako palagi kapag nag iisa. Maaalala ang mga bagay na nakapagpapasakit sakin.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Inaamin ko na nasasaktan ako dahil nagsinungaling sakin si Prinsipe Rhuss. May pasabi Sabi pa siyang gusto niya Kong maging reyna. Pero ano na ngayon? Sa iba niya tinupad.
Napatingin ako nang may biglang dumaang babae at lalaki, may Kasama Silang batang babae na nakangiti. Hula ko ay pamilya Sila. Mas lalo naman akong Napaiyak sa nakita at hindi ko alam kung bakit.
"I didn't expect to see you here..." Napasinghot ako at kunot noong napatingin sa lalaking nagsalita sa gilid ko
"Akala mo ba Ikaw lang ang may karapatang pumunta dito ha?!" Hindi ko alam pero naiinis ako.
"My queen is crying after being stubborn and escaped from prison without my permission" Malamig nitong sabi. Napataas ang kilay ko at handa na sana akong sumbatan ito nang makilala kung sino ang nasa gilid ko
Naestatwa ako sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon na parang aalis na sa loob ng dibdib ko. Napanganga ako at nanlaki ang mga matang nakatitig sakanya
"A-ano pong ginagawa niyo dit---
"I was supposed to be asking you that question. Why. Are. You. Here?" Matigas niyang tanong sakin. Galit na siya at umigting ang panga niyang napakapit sa hawak niyang patalim.
"K-kase po---
"You're with someone right? A guy? Where the f*ck is he and I will going to crash his face into pieces" Nakakatakot niyang sabi.
Napatulo ang luha ko dahil sumikip bigla ang dibdib ko dahil sa nakakatakot niyang tinig. Bigla akong Nanghina at siniklaban bigla ng takot sa Sistema.
Lumamlam ang mga mata niya at nataranta nang makitang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Agad niya akong kinabig at Niyakap ng mahigpit kaya Napaiyak ako ng tuluyan at napahagulgul pa sa balikat niya.
Panay naman ang haplos niya sa buhok ko na parang pinapatahan ako
"Sssh baby stop crying please... F*ck I don't know how to make you stop" Parang namroblema pa siya sa sitwasyon niya dahil suminghot pa ko.
"Baby... Look at me... I'm sorry I won't do that again I won't scare you again please hush now..." Napatingin ako sakanya at Nakita kong parang naiiyak na din siya habang nakatitig sakin
"Please... I'm begging you stop crying" Hinalikan niya Ako sa pisngi at noo dahilan para mas pumalahaw ako ng iyak. Napapadyak naman siya sa lupa at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Nagulat ako at napatigil sa pag iyak nang marinig ang hikbi niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o Hindi.
"My queen please stop crying... Seeing you cry makes me in pain too" Humiwalay siya ng yakap sakin at nang makitang tumigil na ako ay biglang lumamig ang tingin niya sakin pero hindi na masyadong nakakatakot gaya ng kanina.
Niyakap niya ko ulit ng mahigpit at bumulong
"I miss you..."
Nakahiga ako sa balikat niya habang siya ay isinandal ang ulo sa may punong pinagsilungan namin. Mahigpit ang hawak niya sakin at ganun din ako sakanya. Walang nagsalita at walang nangahas mag bukas sa amin.
Gumalaw ako at para naman siyang nataranta at mas Niyakap pa ako ng mahigpit.
"I thought they k*ll you" Panimula niya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sakanya.
"When I entered their palace to visit you there, they say you're no longer there" Ipinatong niya ang baba sa ulo ko
"Then... They said that you escaped last night" Huminga ako ng malalim
"Hindi naman po ako talaga tumakas. Eh si Prinsipe Arkanghel po eh ninakaw ba naman Ako dun" Napahiwalay siya ng yakap sakin at kunot noo akong tiningnan.
"What?! Where's that f*cking Prince then?! And why did he bring you here?!" Nangangalaiti niyang tanong pero hindi ako nagsalita agad
"Lumayas kase siya sa palasyo nila kase hindi na daw siya ang magmamana ng trono nila. Bilang respeto nalang din po daw sa sarili niya" Kunot noo parin siya at napapangiwi sa kwento ko
"And he bring you together with him?! E kung lumayas nalang Kaya siya mag isa?!" Natampal ko siya sa braso Bago samaan ng tingin na ikinatahimik niya
"May pinagdadaanan na nga yung tao ang harsh mo ha?" Umirap ako pero nanatili lang siyang nakatitig sakin
"And you come with him?" Narinig ko ang pait sa boses niya. Tiningnan ko siya at napayuko siya. Parang nasaktan
"Hindi---
"Do you love him? I mean, do you have a feelings towards him? What do you feel when he's around you? Like your hearts beats crazily? A butterflies suddenly appear on your stomach?" Napangiti ako at napaiwas ng tingin saka napatakip sa mukha
"Pfft"
"What's funny?" Napalingon ako sakanya at nakitang nalukot ang Mukha niya at halatang naiinis na dahil sa reaksyon ko. Doon na ko Natawa ng tuluyan
"San mo naman nakuha ang ideyang Yan? Seryoso? May pa butterfly butterfly ka pang nalalaman ah?" Napanguso naman siya
"I'm just checking if it's true... Rhayla told me last time that whenever I'm with her she feels that one... What's that by the way?" Napatigil ako at napalingon sakanya
Biglang sumikip ang dibdib ko dahil napagtanto ko ngayon na ang lalaking Kasama ko ngayon ay... Malapit nang ikasal sa iba.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasía"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
