EPILOGUE

0 0 0
                                    

(Never ending)

"Congratulations Ms. Mendoza! Great job! Ang ganda mo naman dahil ginawan pa talaga ng prince Charming mo ng paraan para hindi ka na mahirapan... I am glad that you made it. That you both made it... Dahil diyan maaari ka nang makabalik sa totoo mong mundo" 


Napamulat ako ng mga mata. Nakatulala ako sa kisame at unti unting napahawak sa dibdib ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko nang maalala ang panaginip ko. 


Maari na kong makabalik sa totoo kong mundo... Napangiti ako ng mapait dahil parang ayokong umalis. Hindi ko gusto ang umalis sa lugar kung saan nasanay na ko. 


Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang natutulog na si Rhuss. Mahimbing na mahimbing. Inabot ko siya at nang mahawakan ang braso niya ay napaiyak ako ulit. 


Ibinaling ko ang tingin sa gilid at napahinga ng malalim habang pinapatahan ang sarili ko. Nang akmang tatalikod ako ay agad akong natigilan nang maramdaman na may humawak sa mga kamay ko. 


Tiningnan ko ang humawak at nakita ko si Prinsipe Rhuss na nakatingin sakin. Nang makita na umiiyak ako ay agad niya akong nilapitan at niyakap


"You okay?" Bulong niya habang nakayakap sakin. Hindi ako umimik at mas lalong sumiksik sa yakap niya. 


"I promise dadalhin kita..." Saad ko. Hindi naman siya umimik at nanatiling nakayakap lang sakin. 


Unti unti niya kong binitawan at tiningnan. May pangamba sa mga mata niya. Parang natatakot siya. Sa huli ay niyakap niya ako ng mahigpit ulit


"A-aalis ka na?" Napapikit ako at pinigilan ang huwag kumawala ang hikbi sa bibig ko. May kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ang tanong niya. May halong sakit iyon at takot. 


"S-siguro..." Hindi ko naman alam kung kailan o anong oras nalang ang pananatili ko dito. 


"C-can I go with you Aila? Please... I don't want to lose you... I can't" Huminga siya ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili niya. 


"Sasama ka ba sakin kung pwede?" Tanong ko. Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang mukha ko


"Yes. Whatever it takes. Wherever you go" Desidido niyang saad habang ang asul niyang mga mata ay nakatitig ng mariin sakin. 


"You will bring me with you right?" Ngumiti ako at tumango saka niyakap siya ng mahigpit. 


Namamangha akong nakatingin sa magandang gown na kulay asul na nasa harapan ko. May mga glitters pa na nakapalibot dito. Parang naeexcite akong suotin. 


Biglang may yumakap sa likuran ko at bumulong


Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now