Chapter 42

1 0 0
                                        

NON-EXISTING XLII

"How about you?" Hindi ako umimik dahil sa tanong niya. Ano pa nga bang gagawin ko? Malamang ay doon na ko sa Wasted Island mananatili.

"A-ayos lang ako don..." Ngumiti ako ng pilit sakanya bagay na hindi niya nagustuhan.

"I will make sure to you out there when things will be alright... Just promise me to take care of yourself" Tumango ako bago siya nginitian.

Nakatingin ako sa malalim na bangin na alam kong babagsakan ko mamaya. Dito ang daan papunta sa wasted island. Napahinga ako ng malalim. Walang masyadong nanonood at tanging mga elders at royalties lang ang nandito. Hindi ko nakita ang anino ni Prinsesa Rhayla at ni Prinsipe Arkanghel.

Wala sila dito. Medyo nasaktan ako dahil inaasahan ko na sa huling pagkakataon bago ako tuluyang umalis sa Kaharian nila ay sila ang makikita ko. Ang mga bida ko ang gusto kong Makita

Napatingin ako kay Prinsesa Fahara na ngayon ay may mga bandage sa mukha pati na rin yung reyna na nanay niya pala... Biglang sumiklab ang galit ko at napakuyom ang kamao ko.

Malalaman din ng lahat ang pinag gagagawa niyo. Napag alaman kong matagal na pala talaga nilang planong pabagsakin lahat ng mga kaharian para sila na ang maghari

Doon ko rin nalaman na pinapaikot lang pala ni Reyna Hanara ang ama ni Prinsesa Rhayla. Ang totoong nanay ng Prinsesa ay tinatago lang nila.

Nawalan ako ng pag asang mailigtas ang mga karakter ko sa kwento. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari kung sakaling Wala na ako dito. Baka tuluyan na nilang masira ang lahat.

Nagawi ang tingin ko kay Prinsipe Rhuss na ngayon ay nakayuko at ayaw akong tingnan pati na rin sa ina niya na nakataas ang kilay na nakatingin sakin. Parang natutuwa pa ata na hindi natuloy ang pagsama ng anak niya sakin

Ang sabi pa niya kahapon, 'Mabuti naman at nagising ang anak ko at nagbago na Ang isip niyang hindi sumama sa walang kwentang kagaya mo'

Napahinga ako ng malalim. Si Prinsesa Rhayla... Gusto ko siyang makita. Humingi ako ng permiso na kung pwede ko bang makita siya kahit sa kahuli hulihang pagkakataon pero hinarangan ako ng mga kawal at sinabing hindi ko na makakausap pa ang Prinsesa kahit kailan. Banned na daw ako sa palasyo.

Gusto kong matawa dahil nagtawag pa sila ng parang pari para kuno basbasan ako. Sa pagkaalama ko Sila ang mga higher graces. Gustong kong humalakhak dahil para naman akong p*t*y sa sitwasyon ko. Pero sabagay, Wala naman talagang nabubuhay ng matagal sa wasted island dahil doon ka na titira. Hindi ko lang maiwasang mangamba para sa buhay ko

Hindi na talaga ako makakabalik? Sigurado na talaga Lord? Saklap naman ng buhay ko. Ang gusto ko lang naman eh makita ang mga characters ko sa nobela pero bakit naging ganito?

"Listen all of you!" Napatingin ako maging ang iba pang nanonood na elders nang may nagsalita sa tabi ko.

"today, we will witness the banishment of this poor slave lady in the kingdom of Ursianna. May our deity and almighty heavenly father guide her on her journey to the Wasted Island until his death" Napakuyom ang kamao ko at halo halo pa ang nararamdaman ko.

Napalunok ako dahil sa matinding kaba. Gusto ko ring maiyak dahil sa naging sitwasyon ko

"This punishment was given to her because of breaking the rules and hurting one of the royalties in different kingdoms"

"THAT'S NOT TRUE!" Nabaling ang tingin ko kay Prinsipe Rhuss na ngayon ay nangangalaiting nakatingin sa higher grace na nasa gilid ko.

Pinigilan naman siya ng ina

"Rhuss Clint enough! Don't make a scene here!" Mahinang diin ng ina at saka nginitian ang higher grace na ngayon ay napatigil sa pagsasalita.

"She's innocent!" Hindi siya nagpapigil kaya nabahala ako. Napatayo ang ibang elders dahil sa pag gawa ni Prinsipe Rhuss ng ingay

"That royalties you're talking about just test her patience that's why she didn't control her anger tow--

"Rhuss enough! Get back and sit down here! Let that girl banished in this town. That w*tch is such a waste and trash in our kingdom" Malamig akong tiningnan ng ina nito na para bang sinasabing ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganun ang anak niya

"Don't call her a w*tch! She's not a w*tch!" Diin pa nito. Nag aalala ako nitong tiningnan

"M-my queen..." Mahinang bulong niyang tawag sakin. Pilit at mapait naman akong napangiti sakanya

"It's all your fault!" Giit pa ng ina nito habang nakatingin sakin.

"Throw that b*tch away you higher grace... We don't want to see that girl's face anymore... Such a disgrace in our town and kingdom!" Dagdag pa ng ina ni Prinsipe Rhuss

"Try to touch her and I will distroy this hall. I'm telling you. Try to throw her--

"THROW THAT GIRL AWAY ANO BA?!" Napatikhim ang higher grace bago bumaling sakin

"May gusto ka bang mensahe? Para sa mga mahal--

"Sana di ko nalang kayo ginawa" Seryoso kong Saad. Napakunot noo naman ang iba habang nagtataka naman ang higher grace na nakatingin sa akin

"What are you talk--

"Sana nasunog nalang kayo. Sana hindi ko nalang kayo na imagine! Sana Wala nalang kayo! Sana hindi ko nalang kayo binuhay lahat... Nagsisi ako kung bakit ko pa hiniling na mapunta sa mundong ito" Tumulo ang luhang kanina ko pa pinigilan

"Masunog sana ang kwentong sinulat ko... Mabura sana kayong lahat sa isipan ko... At..."

Napahinto ako bago bumaling si Prinsipe Rhuss

"G-gusto kong si Prinsipe Rhuss lang ang maalala at madala ko pagkatapos" Malamlam itong nakatitig sakin.

"Nababaliw ang babaeng iyan!"

"God! Throw that away!"

"She's scary!"

"What is she talking about?"

"Why did I find it creepy?"

"Ayoko na! Nakakatakot siya!"

Rinig kong komento ng mga elders pero di na ako nakinig sakanila dahil nasa Kay Prinsipe Rhuss ang atensyon ko na ngayon ay malayo sakin.

"Mahal na mahal kita..." Huling saad ko bago ko naramdaman ang pagkahulog ko.

Mabilis ang mga pangyayari. Nang imulat ko ang mga mata ko ay kitang kita ko ang dilim ng kinahuhulugan ko. Pinikit ko ang mga mata at agad naramdaman ang matigas na bagay na kinahihigaan ko.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko at nakapikit lang. Pagmulat ko, bumungad sakin ang madilim na kalangitan na nagpapahiwatig ng k*m*t*y*n. Napangiti ako ng mapait at pipikit na sana nang biglang may nagsalita

"Hihiga ka lang ba diyan at hindi ililigtas ang mga karakter mong nasa panganib na?"

Napatingin ako sa nagsalita, alam kong malabo ang mga mata ko pero kilalang kilala ko ang boses ng nagsalita

Ang misteryosong matandang lalaki

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now