NON-EXISTING VI
"MAGBIGAY PUGAY AT MAGBIGAY GALANG! SA PINAKAMAKAPANGYARIHANG KAMAHALAN SA LUNGSOD NG ASMODEUS!"
Hindi ko alam pero... Bigla akong nanlamig at agad na kinabahan dahil ngayon... Makikita ko na ang isa sa prinsipeng magiging hadlang ng aking dalawang bida...
Nakita kong nag mamadali ang lahat sa paglalagay ng pinakamaganda at mahal nilang regalo sa kanilang tabi.
"Mag madali ka Raine. Ihanda ang ating mga regalo" Dali Dali ko nmang inilahad ang aming mga dalang regalo
"Nasasakop ang bayan natin sa Lungsod ng Asmodeus kaya't tayo ay kanilang mga nasasakupan" Paliwanag pa niya sa akin. Akala ko ba sa Arkanghel kami?
Halos mapahampas ako sa ulo dahil sa maling akala. Napalunok ako. Naalala ko na nasabi pala ito noon sa akin ni Aling Lucia dati.
Natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung kinakabahan din ba ang iba katulad ko. Dumating ang pinakamagandang karwahe sa lahat. Kulay ginto ang kulay nito at kumikinang ang mga diyamante at iba't ibang mga brilyanteng nakapaligid Dito.
Kahit na hindi mo man Sabihin, malalaman nun na sa loob ng magandang karwaheng iyon ay lulan ang mga pinakamakapangyarihang maharlika na nabubuhay sa nobelang aking isinulat.
Doon pumasok sa isipan ko na naisulat ko pala ito sa libro. Nakalimutan ko lang sa dami ng iniisip ko ngayon. Walang kurap naming sinalubong ang mga ito.
Naunang lumabas ang hari sa aming lungsod. Si Haring Isaac Asmodeus na suot ang pinakamagarang damit pang maharlika. May corona ring nakapatong sa kanyang ulo kagaya ng mga naunang hari na aming Nakita. Kasunod nito ay si Reyna Valeria na suot ang pinakamagandang damit pang Reyna. Matamis itong Ngumiti at bumati sa iba pang mamamayan at mga maharlika.
Panghuli ay ang kanilang nag iisang anak. Ang pinakamahusay na anak ng hari at reyna. Ang Prinsipe Rhuss Clint Asmodeus. Suot ang kanyang magandang damit, Isang tingin mo palang alam mong makapangyarihan na. Alam mong nakakatakot at alam mong maawtoridad.
Walang emosyong mababakasan sa mukha nito pero halos mapugto ang hininga ko. Pinaghalong kaba, at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil... Ang nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking nakasagupa ko nung unang pasok ko sa nobelang ito at ang lalaking ginamot ko kagabi.
Nanlaki ang mga mata ko at natuod sa kinatatayuan. Halos hindi ako humihinga dahil hindi ko matanggap na matagal ko na palang Nakita ang nag iisang villian sa kwento ko kasunod ni Fahara.
Naalala ko ang senaryong ito. Kung saan magkakatitigan Sila ni Princess Rhayla sa scene na ito kase first time niyang Makita ang prinsesa kase nag aaral kase siya pandigmaang hukbo bilang sunod na tagapag mana ng ama niyang hari
Nakita kong sinulyapan niya ang prinsesa. Ngunit nagulat Ako nang agad siyang umiwas dito. Hindi Ako makapaniwala dahil sa nobelang isinulat ko ay tititigan niya ito ng matagal Hanggang sa makauwi Sila ngunit ang mas ikinagulat ko ang ang paglipat ng dalawang asul niyang mga mata sa... Akin.
Talagang nagulat ako sa nangyari at diko na alam ang gagawin. Natuod ako sa kinatatayuan habang hindi maialis ang mga mata sakanya. Mas Lalo akong siniklaban ng kilabot nang biglang sumilay ang hindi ko pamilyar na ngisi sa labi niya. Parang natutuwa pa sa reaksyon ko.
PARANG press conference lang naman ang nangyari. Nagbigay lang ng mga speeches ang hari at Reyna Saka nagpasalamat sa mga mamamayan dahil sa mainit na pagsalubong. Nagbigay din Sila ng mga pangako at sinisiguradong mas uunlad pa ang kada bayan at lungsod na kanilang kinasasakupan
Nagkaroon din ng sayawan at kainan para sa lahat ng dumalo. Napatingin ako Kay Prinsesa Rhayla na nakangiting nakikipag usap sa mga panauhin. My God! I can't take my eyes away from her talaga.
Mas Lalo akong napapalakpak nang makitang lumapit si Prinsipe Arkanghel sakanya at inilahad ang mga kamay nito para sumayaw Sila. Mas Lalo akong napangiti at mahina pang pumalakpak.
Sumayaw sila sa harapan ng marami habang natutuwa naman Silang tiningnan ng kanilang mga magulang. Naku! Kung alam niyo lang, ikakasal sila sa susunod kase palihim Silang magkikita at di kalaunan ay tuluyan nang hihingi ni Prinsipe Arkanghel ang kamay ni Prinsesa Rhayla.
Ngunit siyempre hindi mawawala ang mga hadlang. Bigla nalang akong kinabahan sa takbo ng sarili kong kwento. Nakangiti akong pinagmasdan Sila nang Makita ang Isang lalaki na palihim na pumunta sa lamesa para sa kamahalan ng Ursianna.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bomba siyang inilagay sa ilalim nun. Napatayo ako sa gulat. Luminga ako sa paligid pero abala ang lahat. Natatakot din akong humingi ng tulong dahil alam kong may madadamay na iba kapag ginawa ko iyon.
Wala akong nagawa kundi ang agad na umalis sa kinauupuan at agad na lapitan ang nakareserbang lamesa para sa pamilya ni Prinsesa Rhayla. Nang Wala na ang lalaki ay kaagad akong lumapit sa kanilang pwesto.
Pasimple kong kinuha at tiningnan ang ilalim ng kanilang lamesa ngunit... Wala akong Nakita.
Tumayo ako. At nang luminga ako sa paligid ay kaagad nagtama ang mga mata namin ng misteryosong lalaki Saka siya ngumisi at dahan dahang itaas ang pasabog na dala.
Napasigaw Ako nang ihagis niya ito sa kinatatayuan ng dalawa kong Bida, nasa paanan nilang dalawa ang pasabog at kapag hindi ko sila maitulak ay masasabugan Sila Kaya kaagad akong lumapit at dali dali Silang itinulak dahilan para mapasigaw ang karamihan nang matumba sila. Biglang Isang napakalaking pagsabog ang nangyari kaya naman ay Napahiga Ako.
Nagkagulo ang lahat at naging alerto ang mga kawal. Tiningnan ko ang aking braso at nakitang nagkasugat ako.
Malaki ang apoy sa gitna. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng mga maharlika ay sumakay na sila ng karwahe at agad na umalis.
Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong ako nalang mag isa dahil tumakbo na ang lahat.
Napahinga ako ng malalim at tatayo na sana nang biglang may kamay na inilahad sa harapan ko. Aabutin ko na sana iyon ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung kanino ito galing
"Prinsipe R-rhuss..."
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasia"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
