NON-EXISTING VIII
"Ikaw yung nagligtas sa buhay namin ni Arkanghel!" Napapikit ako dahil sa naging sigaw niya. Nakangiti siya ngayon sakin. Napatikhim ako Bago tumayo pero Bago iyon ay kaagad niya akong tinawag.
Napalingon Ako sakanya at dahan dahan naman siyang bumaba sa karwahe niya at agad na lumapit sakin. Nakangiti parin siya
"Ito na ang pangalawang beses na iniligtas mo ang buhay ko. Halika. Sumama ka sakin, ipapakilala kita kina ama at ina" Tulala ako at di manlang nakapagsalita. Nakatulala kase ang Ganda niya.
Nagising ang Kasama niya. Nag aalala naman niya itong tiningnan.
Kanina pa kami nakasakay sa karwahe nila. Naiilang parin ako hanggang ngayon. Kase naman, Ikaw ba naman nasa posisyon ko tas makakausap mo ang bida sa kwento mo. Ang ganda talaga ng ginawa kong female lead sa story.
"Taga saang lungsod ka ba nakatira? Ano ang iyong ngalan?" Mahinhin niyang tanong sakin. Pilit naman akong ngumiti sakanya Bago nagsalita
"A-aila po ang pangalan ko" Sagot ko. Buti nalang may pangalawa akong pangalan. Hayst, ayoko din naman Sabihin yung buong detalye ng buhay ko. Malamang di ba? I should be low-key kase ako ang author ng story.
"Napakagandang pangalan... Bagay sa isang binibining kagaya mo. Salamat nga pala sa pagligtas mo sa buhay namin ni Prinsipe Arkanghel " Nakangiti niyang Saad at namula pa nang mabanggit ang pangalan ng prinsipe. Kyahhh! Sabi ko na nga ba!
"May crush ka po sakanya?" Mahinang tanong ko. Nagtataka naman siyang napatingin sakin.
"Huh? C-crush?" Napangisi naman ako habang siya ay nakakunot na ang noo. Nagtataka siguro kung Anong mga pinagsasasabi ko.
"Crush po yung... May gusto ka sakanya" Malakas kong saad dahilan para mamula siya sa hiya at ngumiti ng pilit habang nagpipigil naman ng tawa yung kutsero niya. Halatang natutuwa din ito.
"W-wala akong gusto sakanya" Nauutal at mahina niyang Sagot na ikinahalakhak ko Lalo. Napatingin naman Silang dalawa sakin.
"Wag mo na pong ideny... Na experience ko na din po yang crush crush na yan yung mga ganun! Ang harot ko masyado!" Natatawa kong saad. Napatikhim naman ako nang mapansing parang feeling close ko naman ata.
Ngumiti lang ang mahal na prinsesa Kaya naman ay pasimple akong napangiti.
"Lord... Hindi ko alam na sobra ang biyayang ibinigay mo sakin ngayon, shocks! Ang Ganda ng female lead at male lead ko grabe!" Bulong ko
"Sino ang kausap mo?" Nilingon ko ang katabi at nakitang ang prinsesa ito.
"W-wala po... May sinsaulo lang po ako. Pero! Hindi na po iyon importante!" Pagkukumbinsi ko sakanya.
"Mag focus tayo dun sa inyong dalawa ni Prinsipe Arkanghel! Ang gwapo niya di ba? Bagay na bagay talaga kayo! Naksssss! Excited na ko sa magiging kasal ninyo!" Napakunot ang noo ng prinsesa.
"A-ano kamo? K-kasal?" Napatakip ako ng bibig at napaiwas ng tingin. Secret dapat yun eh.
"N-nako... Fantasy lang po iyon. Imagination ko po ganun na magkatuluyan kayo... Kung sakali..." Pag kukumbinsi ko sakanya dahil parang nahahalata niyang may nalalaman Ako.
"A-ah ganun ba? Kanina ko pa napapansin na ang iyong ginagamit na wika ay... Pinaghalo sa wikang maharlika. Hindi ka ba nangangamba na baka... Alam mo na" Pilit naman akong ngumiti sakanya
"Oo nga po eh... Pero kase---
"Pangako po. Hindi ko na po uulitin" Tugon ko sakanya
"Wala namang kaso sa akin kung alam mo ang wikang iyan. Sadyang di ko lang maunawaan kung bakit ipinagbabawal ang pag gamit ng aming wika kapag hindi ka kabilang sa mga dugong bughaw. Wala namang masama dun hindi ba?" Tanong niya sa akin
Hindi ko alam pero nakikita kong nangangamba at nagdadalawang isip siya habang sinasabi niya iyon sa akin.
Mabilis kaming nakarating sa palasyo nila. Napanganga Ako sa ganda nun. Ang perfect talaga ng imagination ko!
Nakangiti akong tiningnan ng mahal na prinsesa bago hinawakan sa kamay. Nagtataka naman Ako maging ang Kasama naming kutsero.
"MAGBIGAY GALANG PARA SA MAHAL NA PRINSESA!" Napaigtad ako sa sigaw ng punong kawal sa bulwagan ng palasyo. Nagsiyukuan naman ang lahat kaya ngumiti ang prinsesa at di na nag abalang magsalita pa.
Papasok na sana ako Kasama ang prinsesa nang harangin ako ng Isang kawal gamit ang matalim niyang espada.
"Maaari ba naming malaman kung sino ka?" Diretsahang tanong ng kawal.
"Kasama ko siya" Yumuko lang ito nang magsalita si Rhayla bago ibinaba ang hawak nitong matalim na bagay.
Kada madaanan namin, mapa alipin o kawal ay nagbibigay galang sa prinsesa na may ngiti sa labi. Sinusuklian naman niya ito ng matamis na ngiti. Habang ang ibang alipin naman ay nagtatakang napatingin sakin at tinitingnan ang itsura ko.
Namangha ako sa ganda ng palasyo nila. Hindi ko naman maisip na ganito Pala kaganda kapag nakikita ko na sa personal ang mga bagay na dati ay sa imagination ko lang nakatambak. Ano kayang magiging itsura ni Aleana kapag nalaman niyang napunta Ako dito?
Ang elegante ng palasyo nila. Wow naman oh! Ang swerte talaga ng female lead ko! Hayy Nako. Ako ang nakaimbento nitong lahat ng toh pero di Ako ang nakinabang. Sabagay, imagination nga lang naman at di talaga pwedeng mag katotoo.
"Rhayla? Sino ang estrangherang dala mo?" Napalingon ako nang may magsalita sa harapan namin.
Natulala ako sa ganda nito dahil para itong Isang diyosa. Well, goddess naman talaga ang beauty ng lahat ng mga characters ko.
"Ina. Ipinapakilala ko sa Inyo ang aking bagong kaibigan..." Nakangiti at mahinhin na Tugon ni Prinsesa Rhayla sa kanila.
Nataranta naman Ako. Hala! Mama niya Pala toh?! My God! Paglingon ko sa gilid ay nandoon din ang tatay niya. Nataranta akong napayuko
"M-magandang Araw po mga kamahalan" Napapikit ako ng palihim dahil sa pagkautal. My God! Sino ba namang di kakabahan? Nasa harap ko ngayon ang mga magulang ng female lead ko.
"Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? Saan kayo nagkakilala? At... Ano ang ngalan mo?" Baling ng Reyna sakin. Hindi naman Galit ang mukha niya.
Magsasalita na sana ako pero agad ding napatigil nang maunahan ako ni Rhayla
"Ama... Ina... Siya po si..." Agad akong hinarap ni Rhayla at nagtatanong ang mga matang nakatingin sakin
"A-ako po si A-aila..." Nauutal kong sagot sakanila. Walang namang reaksyon ang dalawa.
"At bakit siya narito?" Ngumiti ang mahal na prinsesa bago nagsalita
"Gusto ko po siyang kunin bilang aking personal na alalay"
Napatanga Ako. Ano raw?

YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...