NON-EXISTING XXI
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Nag aalangan akong lumapit. O kung lalapit ba ako sakanila. Baka makaistorbo ako...
Alam Kong nag uusap Sila, halata naman pero dapat ay umalis na ako di ba? Kase hindi naman mabuti na makinig sa pinag uusapan ng iba.
Pero kase... Gusto kong marinig ang pag uusapan nila lalo na si Prince Rhuss na nakahawak sa likuran niya
"B-bakit pakiramdam ko mas mahal siya ni ina? Palagi ko iyon nakikita at napansin sa tuwing nagkakasama kami at magkikita sila" Mahinhin at halatang may hinanakit ang boses ni Prinsesa Rhayla. Kahit di niya banggitin, alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Stop crying, I know your mother loves you" Malamig niyang Saad sa prinsesa pero mas Lalo lang itong umiyak.
"I know she didn't... You know Rhuss, I'm not her real daughter" Mahinang Sabi niya Saka sinamahan ng mahinang paghikbi
"Don't say that... Your mother loves you so much I can feel that. Even though you're not her real daughter at least she's treating you like one" Nakita kong humiwalay siya ng yakap sa prinsesa at saka nagsalita
"R-rhuss? Bakit pakiramdam ko walang nagmamahal sakin?" Biglang tanong niya kaya napatingin sakanya ang prinsipe.
"Don't say that again Rhayla... All mothers loves their child... Except for my mother of course" Malamig niyang dagdag na ikinagulat ko.
"H-hindi ka rin mahal ng iyong ina?" Hindi sumagot ang prinsipe sa tanong niya pero hindi naman namilit magtanong ang prinsesa.
"Let's just stop talking about them. Just forget it. Magpahinga ka na" Mahinahon niyang saad at hinaplos ang buhok ni Prinsesa Rhayla. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa ginawa niya.
Binalik niya sa bulsa ang mga kamay niya at tatalikod na sana pero biglang hinawakan ni Rhayla ang braso niya at pinaharap ito sakanya.
Nagtataka naman si Prince Rhuss na lumingon sakanya. Ang gwapo niya kapag nakatagilid siya.
"P-prince Rhuss? Salamat sa pakikinig mo sakin at pakikipag usap mo sakin..." Namula ang mukha niya at umiwas ng tingin saka bumaling ulit sa prinsipe ng tingin
"P-pwede ba kitang m-mayakap?" Nahihiya at nakikiusap niyang tanong dito na alam kong ikinagulat ni Prinsipe Rhuss at di pa ata nakuha ang gusto niyang mangyari.
"A-ayos lang" Yumuko siya at ibinaba ang kamay nang dahan dahan saka lumayo ng konti ngunit bago pa man niya maibaba ang kamay niya ay agad na itong kinuha ni Prince Rhuss at nagkatitigan Sila sa mata.
Gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko magawa... Gusto kong umalis pero parang may nakadikit sa mga paa ko. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko.
Dahan dahan itong tumalikod sa gawi ko at maingat na Niyakap si Prinsesa Rhayla nang mahigpit. Doon na ako parang nawasak at di alam ang mararamdaman. Bakit ko ba naramdaman toh? Bakit parang gusto kong maiyak? Bakit parang may masakit sakin?
"You can always ask for my hug... I will be always here for you... Anytime" Nanghina ang tuhod ko at nagulat dahil bigla akong natumba ngunit hindi natuloy dahil may humawak sa bewang ko at Niyakap ako.
"A-anong... AHHH!" Nagulat ako at biglang may tumakip sa bibig ko para di makagawa ng ingay.
Dahan dahan kong hinarap ang nakayakap sakin at doon nanlaki ang mga mata ko nang Makita si Prinsipe Arkanghel na seryoso ang mukha na nakatitig sakin.
"M-may tao?" Narinig ko ang tinig ni Prinsesa Rhayla Kaya agad akong kinabahan pero bago ako makapagsalita ay hinila na ako ni Prinsipe Arkanghel at agad na niya akong itinakbo Doon papalayo.
"Bakit ba nanggugulat ka kanina?!" Asik ko sakanya at sinamaan siya ng tingin pero nanatili siyang seryoso.
Nasa madilim kaming parte na bahagi ng palasyo kung saan tahimik at walang nakakita. Kagaya kanina ay maliwanag naman ang buwan Kaya nakikita ko ang Mukha niya pero seryoso talaga siya. Nakaupo naman ako sa batuhan
"Sabihin mo... Bakit ka nakikinig sa pinag uusapan nila?" Seryoso niyang tanong nang hindi pinuputol ang titig sa akin. Hindi naman Ako makapagsalita.
"W-wala naman..." Iwinagayway ko ang kamay ko at naiilang na Ngumiti ngunit seryoso talaga ang mukha niya at parang hindi nagustuhan ang pag sisinungaling ko.
"Bakit ka umiyak kanina nung Niyakap ni Prinsipe Rhuss ang Prinsesa? May gusto ka ba sa Prinsipe? Sabihin mo" Seryoso parin niyang tanong sa akin Kaya naman ay napanganga ako.
"H-ha?" Yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil sa naging tanong niya.
Umiwas siya ng tingin at tumalikod sa akin. Nakita kong napayuko siya at inilagay sa bulsa ang mga dalawang kamay at Napahinga ng malalim.
"S-sabihin mo lang kung gusto mo rin ng yakap... I-ibibigay ko rin naman Sayo" Mahina niyang Saad at humarap sa akin ulit.
"T-tatanggapin mo parin naman itong yakap ko di ba kahit na... Hindi ako... Siya" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bakit niya ito sinasabi? I mean, bakit siya nag aalok ng yakap?
"A-ayos lang kung ayaw mo..." Marahas siyang napabuga ng hangin Kaya napatitig din ako sakanya.
Bigla akong may naisip
"N-nasasaktan ka rin ba kanina at gusto mo yakapin kita kase... Nakita mong kayakap ni Prince Rhuss si Prinsesa Rhayla?" Nagulat siya sa naging tanong ko at di nakapagsalita
"Okay lang naman magselos natural lang po yan Lalo na at mahal na mahal mo siya" Napangiti ako pero hindi ko alam kung bakit di ko magawang maging Masaya ng tuluyan.
"Hindi ako nagseselos..." Aasarin ko pa sana siya pero naging seryoso ulit ang mukha niya.
Dahan dahan siyang lumapit sakin at agad na inilahad ang kanyang Isang kamay. Biglang tumambol ang dibdib ko dahil sa ginawa niya.
Napatingin ako sakanya at gulat na napatingin sakanya
"A-ano Yan?" Ngumiti siya sakin Saka iniluhod ang Isang tuhod sa lupa para magpantay kami
"Pwede ba kitang isayaw?"
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasy"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...
