NON-EXISTING XXIII
KINABUKASAN ay balik na naman sa pag aaral ang mahal na prinsesa kaya bilang personal niyang alalay ay nasa tabi niya ko. Medyo nag aalala pa ko dahil sa nangyari kagabi. Baka kung ano na ang iniisip niya.
Napahawak ako sa buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman ngayon. Bitbit ko na ngayon ang mga gamit niya habang hinihintay siya dahil nag bibihis pa.
Nag recite pa ako kung pano ko siya pakikiharapan ngayon. Kinakabahan ako dahil baka di na niya ako pansinin at baka ay nagalit siya sakin dahil sa nangyari kagabi.
"Magandang Umaga" Nagulat ako nang may biglang magsalita at naestatwa nang ang prinsesa Pala ito. Napalunok ako sa kaba.
"M-magandang umaga po kamahalan" Nauutal kong saad sabay yuko sakanya
"Bakit ganyan ka magsalita? Parang kinakabahan ka? Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin. Napatingin naman ako sakanya at nakita ko na nag aalala siya
"O masama ba ang pakiramdam mo? Sabihin mo lang at maaari naman kitang hindi isama" Umiling lang ako at awkward na ngumiti sakanya
"Kung ganun ay tara na" Ngumiti siya at napahawak sa braso ko habang naglalakad.
Parang good mood ata siya at halatang nakatulog siya ng maayos kagabi. Nagtataka ako dahil hindi man lang niya nabanggit o naitanong ang tungkol sa Nakita niya kagabi.
Nagkibit balikat nalang ako at hindi nalang iyon inusisa para hindi na Ako naiilang sakanya. Siguro trip lang ni Prince Arkanghel iyon. Naguilty siguro dahil inirapan niya ko at iniwan sa labas kagabi.
Nang makarating kami sa paaralan nila ay bumungad samin ang samot saring mga maharlika, may mga nag uusap, nag aasaran at may mga tahimik lang sa kung saan.
"Magbigay pugay sa mahal na prinsesa..." Napalingon kami sa nagsalita. Si Prinsesa Fahara na naman Kasama ang mga alipores niya. Napangisi ang mga ito.
"Ano na naman bang kailangan niyo mga KAMAHALAN?" Sarkastiko Kong tanong at diniinan ko pa ang pagbigkas ng salita sa dulo.
"Oh! Marunong na palang gumalang ngayon ang iyong alalay... Mabuti naman at naturuan mo" Ngumiti ito sabay kumpas ng abaniko niya at ngumisi sa amin
"Prinsesa Fahara... Maaari na ba kaming umalis? Malapit na ang klase at baka mahuli ako" Mahinhin at mahinang saad ni Prinsesa Rhayla sakanila na ikinataas ng kilay niya.
"Eh di umalis ka! Walang may kailangan Sayo dito! Kung maaari lang ay mawala ka na rin" Humarang ako dahil Nakita kong napayuko lang si Prinsesa Rhayla. Nagsisisi na tuloy Ako kung bakit ginawa ko masyadong mabait ang female lead ko.
"Hindi po kami nandito para makipag away, aalis na po kami" Magalang kong Saad dahil ayokong mapahiya si Prinsesa Rhayla sa harapan ng nakararami
Aalis na sana kami nang bigla ulit Silang humarang sa daraanan namin.
"I've heard that your lovely Prince was removed to line of throne and... He's not the soon to be king anymore" Kay Prinsesa Rhayla siya nakatingin. Is she pertaining to Prince Arkanghel ba?
"Prinsesa Fahara pakiusap lang... Padaanin mo na kami" Tumawa lang ito at saka nagsalita ulit
"At narinig ko Rin na---
"HEP! Tama na ha! Chismosa ka na masyado kahiya ka" Nagulat ito sa sinabi ko.
"Oo... Hindi na magiging soon to be king si Prince Arkanghel dahil inagaw ng kapatid mo ang trono!" Dahil sa sinabi ko ay napasinghap ang nakararami.
"Aila... Mabigat ang bintang mo!" Bulong at may diin na sita niya sakin na ikinailing ko.
"Hah! At sino ka para pagbibintangang mang aagaw ang isa sa mga kapatid ko?! At sino ka lang ba ha?! Isang alila! Isang katulong! Isang tagapagsilbi! Isang hampaslupa!" Pang insulto niya sakin pero hindi ko iyon pinansin pa.
"At sa tingin mo ba magsisinungaling si Prinsipe Arkanghel sakin? Nag kausap po kami at Nakita ko siya noon na umiiyak at---
"Sinasabi ko na nga ba at may relasyon kayong dalawa!" Nagulat ako nang hilain niya ang buhok ko Kaya naman nagkagulo ang lahat.
Itinulak niya ko dahilan para mapaupo ako. Humarang si Prinsesa Rhayla
"Tama na ano ba?! Wala kang karapatang saktan siya!" Mahinhin niyang sigaw pero tumawa lang ito.
"Wag na wag mo rin akong sisigawan dahil hindi ka tunay na anak ng mga magulang mo!" Dahil sa sinabi nito ay natahimik ang lahat. May nagbubulung bulungan
Nakita kong natahimik si Prinsesa Rhayla at hindi nakapagsalita.
Ngumisi si Prinsesa Fahara at magsasalita na sana nang biglang may mga dumating.
"Anong nangyayari dito?!" Napayuko sa ng iba at napalayo naman ang iba dahil sa takot
Si Prinsipe Arkanghel at Prinsipe Rhuss na magkasama habang seryoso ang mga mukha nila.
Biglang nabaling ang tingin nila sa akin. Nag aalala naman akong tiningnan ni Prinsipe Arkanghel at agad na lumapit sakin Saka hinawakan ang kamay ko at nag aalala nitong tiningnan
"Ayos ka lang ba?" Doon ko nakitang may sugat Pala sa kamay ko. Nagdurugo ito. Biglang kumirot Kaya Napangiwi ako. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit
Nakita kong may sapatos na nasa harapan ko at nang tumingala ako ay Mukha ni Prinsipe Rhuss ang Nakita ko. Madilim ang Mukha habang nakatingin sa kamay ko.
"B*tch... What did you do?" Malamig nitong Saad at humarap Kay Prinsesa Fahara na halos himatayin na sa kaba.
YOU ARE READING
Becoming a Non-existing Character
Fantasía"I became a character in the story where I don't even belong" Aila is a normal college teenager who once wished to exist in the fantasy world she one's imagined and made by her own... A quiet popular fantasy author who wished to exist in the book s...