Chapter 38

0 0 0
                                    

NON-EXISTING XXXVIII

"Nasan po ang babaeng Kasama ninyo?" Hindi nagsalita o gumawa man lang ng ingay si Prinsipe Arkanghel at tinitigan lamang ang mga ito.

"Wala akong kasamang babae--

"May nagsumbong po sa amin na nandito kayo. Humingi po ng tulong ang inyong ama sa aming hari para tulungang hanapin kayo at may nakapagsabi din po sa amin na may dala kayong babae at ang babaeng ito ay kasalukuyang personal na---

"Wala siya Dito at hindi kami magkasama" Diretso niyang saad.

Nagulat ako nang agad niyang ibinigay ang dalawang kamay niya na para bang sinasabing maaari na siyang dakpin. Dahil sa taranta ay agad akong lumabas ng at humarang.

"Teka lang po!" Napatingin sila sakin lahat lalong lalo na si Prinsipe Arkanghel na parang sinasabing bumalik ako sa loob sa pamamagitan ng titig niya.

"Ito po ba ang kas--

"Hindi. Hindi ko kilala ang babaeng yan" Napatingin naman ako sakanya pero walang emosyon naman siyang napatingin sa akin na parang sinasabing hindi niya talaga ako kilala.

Hindi ko alam kung Anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Naguguluhan, nasasaktan? Bakit gusto niyang palabasing hindi niya talaga ako kilala? Ano bang plano at problema niya?

"Tara na at hayaan niyo na siya at uuwi na ko sa amin" Mahinahon niyang saad. Napatango naman ang mga kawal at aalis na sana pero agad akong humarang na ipinagtaka nila.

"I-isama niyo nalang po ako..." Napayuko ako at biglang nahiya. Napakunot naman ang noo ng limang kawal pero si Prinsipe Arkanghel ay walang emosyong nakatingin sa akin na para bang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"K-kasama niya po ako" Tiningnan nila ako ulo hanggang paa. Nainsulto naman ako sa ginawa nila dahil alam kong may iniisip na sila ngayong hindi maganda sakin. Napaseryoso ako ng tingin sa kanilang lahat kaya bigla silang nakumbinsi

"Kung ganun ay sumama po kayo samin dahil napag alaman namin na kayo ay Isang bilanggo at---

"Oo na oo na! Dami niyo pang sinasabi dakpin niyo na ko. Ako na nga tong nag volunteer na dakpin ako inulit ulit niyo pa" Napangiwi naman sila

Nilagyan din nila ako ng gapos sa magkabilang kamay at hinila papunta sa sasakyan nilang karwahe. Masyado na tong luma kumpara sa mga karwahe ng mga mayayamang maharlika.

Nadaanan pa namin sina Nanay Henya at ang asawa niya na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa amin habang hinihila kami ng mga kawal.

"Jusmiyo! Ano hong kasalanan---

Hindi na natapos ni Nanay Henya ang sasabihin nang lagpasan lang siya ng punong kawal. Sinamaan ko ng tingin ang likuran nito.

"Hindi pa namansin, kala mo naman gwapo" Bulong ko habang nanggigigil.

Nang maipasok kami sa loob ay agad na umalis ang karwahe. Napatingin ako kay Prinsipe Arkanghel na ngayon ay tahimik sa tabi ko. Seryoso at tulala siya

"Kamahalan..." Napatingin siya sakin at agad ding umiwas ng tingin. Medyo nasaktan naman ako sa ginawa niya. Hindi naman niya Gawain ang hindi ako pansinin.

"Sigurado ka po bang---

"Pwede bang wag ka na munang magsalita at manahimik ka muna? May iniisip Ako at nakakasagabal ka" Napayuko naman ako at ibinaling ang tingin sa harapan. Biglang gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Para siyang ibang tao. Sabagay, ibang tao naman talaga siya at hindi kami magka estado.

Nanatili akong tahimik hanggang sa dumating kami sa palasyo ng mga Quinones. Natulala ako sa ganda at laki ng palasyo nila. Unang beses ko makapunta dito.

Ang kaninang namamangha kong naramdaman ay napalitan ng takot at kaba. Paniguradong nandito si Prinsesa Fahara. Hindi ko alam pero natatakot ako sakanya. Takot akong makita siya ngayon

Pinababa kami sa karwahe at agad na hinila ulit. Hindi Sila nag iingat na hawakan ako pero si Prinsipe Arkanghel ay parang babasaging bagay kung hawakan nila. Sabagay, maharlika nga naman.

Pagkapasok namin ay diretso nila akong nilagay sa kulungan samantalang si Prinsipe Arkanghel ay nilagay sa magandang silid at hinihintay ang karwahe ng mga Nevada na kumuha sakanya.

Parang gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ko. Nasa loob Ako ng madilim at mabahong kulungan. Napatili ako nang may parang gumapang na insekto sa paa ko.

Napayuko ako at napahinga ng malalim, kung hindi lang sana ako tumakas ay baka nasa maayos pa Kong kulungan ngayon. Ibang iba ang kulungan dito kaysa sa kaharian ng mga Ursianna. Mabuti pa don may kamang tutulugan at malinis pa saka may ilaw kahit papano, eh dito... Halos walang gamit

Napalingon ako sa gilid ko. May mga sako na luma at may mga bahay pa ng gagamba ang nandito. Para talagang chamber kung saan dito mag torture ng mga makasalanang tao.

Napahikbi naman ako at Napapadyak sa inis nang maalalang nasa puder pala ako ni Prinsesa Fahara. Kagigil yung Prinsesang yun! Kung di dahil sakanya Wala sana ako sa alanganin ngayon! Parang gusto kong manabunot at mangalmot ngayon

Napaigtad ako nang bumukas ang pintuan ng kulungan. Narinig kong may nag uusap sa labas kaya naman ay napasiksik ako sa gilid. Baka ito na yung sundo ko. Sana naman, mag eexplain talaga ako kay Prinsesa Rhayla nito kapag nakauwi na ko. Sana hindi siya Galit

"Dalhin mo ko sakanya! Ngayon din!" Bumalik yung inis ko nang marinig ang pamilyar na boses.

Unti unting lumapit sa gawi ko ang isang Prinsesang may dahilan ng lahat kung bakit ako nandito. May Dala siyang lampara at may dala pa talagang alalay para may tagabitbit ng lampara. Nakahawak siya sa saya niya para hindi ito madumihan

Nang makita niya ko ay tumaas ang kilay niya saka ako nginisihan ng nakakakilabot. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng takot sakanya na di ko naman talaga naramdaman dati.

"Kumusta naman ang mumurahing alalay ni Prinsesa Rhayla? Hmm?" Nanunuya niyang tanong dahilan para matawa ang alalay niyang Kasama. Napatingin ako dito

"Nagsisi ka na bang tumakas sa puder ng mga Ursianna? Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan ano? Kahit kailan talaga ay di mo ginagamit at utak mo--

"Ano bang kailangan mo ha? Pakidalian naman kase nasusuka na ko sa pagmumukha mo" Natigilan naman siya at galit akong tiningnan

"Hindi mo pa ba nabalitaan? Ako na ang reyna sa kaharian ng Ursianna at ang mah---

"In your dreams. Hindi ka magiging reyna at never kang maging reyna. Sa tindig mo palang Wala nang gustong maging reyna ka. Ansama ba naman ng ugali mo at lahat ng kapangitan ay nasayo at---

"Mahahimik ka!" Nagulat ako nang sampalin niya ko ng dala niyang pamaypay. Biglang sumakit ang kabilang pisngi ko. Nakaramdam din ako ng kirot sa may labi ko.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan kung ayaw mong m*m*t*y sa puder ko ngayon din!" Nangangalaiti niyang sigaw. Lumapit siya sakin at mahigpit na hinawakan ang panga ko

"Kawawa ka naman... Walang nagliligtas Sayo, ang mga Prinsipe ng buhay mo ay hibdi ngayon maliligtas ang kaawa awang Prinsesang kagaya mo" Gigil niyang hinawakan ang panga ko at naluha ako nang ibaon niya ang kuko niya dito.

"Babagsak kayong lahat at ang mahal mong prinsesa? Gagawin Kong mas miserable ang buhay niya at papahirapan ko siya lalo!" Nagpumiglas ako kaya nabitawan niya ang panga ko.

"At lumalaban ka pa ah?" Sinampal niya ko sa kabilang pisngi kaya namanhid ito.

"Baka nakakalimutan mong may alam ako?" Nagtataka ko siyang tiningnan.

Tumayo siya at ngumisi ulit ng nakakakilabot sa akin. Lumapit siya at bumulong sa tenga ko

"Hindi ka nagmula sa panahong ito" Bigla siyang tumawa ng mahina. Yung tawang parang nababaliw.

"Kilala kita" Dagdag pa niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko

"Hello dearest author... Are you ready to die together with your lovely characters?"

Becoming a Non-existing Character Where stories live. Discover now