NA KA BARONG

471 2 0
                                        

"NAKABARONG"

Hello po admin, I wanna share a story that literally gave me goosebumps and chill in my spine. Matagal na po to hindi ko po talaga makakalimutan itong na experience ko sa Bicol noong 10 years old ako.  This is my first time writing a story.

Bago po mangyari ang nakakakilabot na aking naranasan, kasama ko sa bahay ang mama at kapatid ko habang si papa ko ay nasa trabaho, kaming dalawa ng kapatid ko ay naglalaro sa sala at si mama naman ay nagluluto ng hapunan namin. habang naglalaro kami ng kapatid ko sa sala may napansin akong puti sa kwarto namin na parang may nakatayu hindi ko pinansin nun baka namamalikmata lang ako nun kaya tuloy padin kami sa paglalaro, makalipas ng ilang minuto tapos na magluto ng hapunan si mama kaya agad kami pumunta sa kusina para kumain.

(fast forward)

Bandang 10pm na at matutulog na kami at hindi parin umuuwi si papa ng time na yan, dapat matutulog kami sa kwarto kaso hindi pa tapos magpintura kaya sa sala kami natulog ang katabi ko sa gilid si papa at ako naman sa gitna nila habang ang kapatid ko ay nasa tabi ni mama. habang natutulog na kami at bigla ako nagising bandang alas 3 ng madaling araw pag mulat ng aking mga mata sa tabi ko may nakita akong nakabarong at nakatalikod sa higaan agad agad ko naman ginising si mama para sabihin sakanya kinalabit ko ng tatlong beses si mama at sinabi ko sakanya  "mama sino po itong katabi ko" ng mahinang boses at bigla niya tinignan at bigla siyang nagulat ginising niya ang kapatid ko at dali dali kami tumayo upang pumasok sa kwarto at nagtataka ako bakit agad kami lumipat sa kwarto tinanong ko si mama "mama sino po ba yun" at sabi niya "wala yun" habang takot na takot ang mama ko at ako ay kinakabahan at nagtataka kung ano yun, makalipas ng ilang minuto tinignan ni mama kung nandun pa at pagtingin niya bigla itong nawala at bumalik na kami sa sala upang matulog, habang ako iniisip kung ano ba talaga yun at ramdaman ko yung takot at taas ng balahibo ko.

- Kurt

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Stories to obsess over. Discover now