Ako nga pala si Cristel, taga-Alamada, North Cotabato, sa Mindanao.
It was May 1, 2023, ng tanghali, niyaya ako ng kumare ko maki-birthday sa anak. Pumunta nga ako. Akmang tatawid na sana ako sa maliit na tulay papunta sa bahay nila, bigla na lang may pumasok sa isip ko—klarong-klaro, naglalakad ako, nakita kong may namatay. Laking gulat ko nang nakita kong umiiyak ang biyenan ko. Pero, mga ilan pang minuto, nawala na ito sa isip ko. Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa dumating na nga ako sa bahay ng kumare ko. Napaisip ako bigla, akong kinabahan sa asawa ko, pero 'di ko na lang pinansin. Baka hallucinate ko lang 'yun kasi nga kakapanganak ko lang.
Then, lumipas ang ilang araw, 'di ko 'yun sinabi kanino man. Tanging ako lang ang nakakaalam sa biglang pumasok sa isip ko.
Naka-uwi na ang asawa ko galing Davao. Nagtatrabaho kasi siya sa isang factory; isa siyang operator ng mga tinapay kagaya ng mga Yahoo at iba pa. Umuwi siya kasi ipaparehistro namin ang anak namin. Nag-leave lang siya ng dalawang araw, kinabukasan babalik na rin siya.
Day of registration
Habang nasa daan kami, siya yung nagkarga sa anak namin, ako nasa likod. Single motor lang kasi ang sinakyan namin. Habang nakayakap ako sa kanya, parang gusto ko na lang huminto yung oras para makasama ko siya nang matagal. Parang miss na miss ko siya, 'di ko maintindihan bakit sobrang gusto ko siyang makasama nang matagal.
Dumating na kami sa munisipyo, natagalan pa kami. Pero, 'yung anak ko, pag ako ang nagkakarga, iyak lang siya nang iyak kahit pa padedein mo. Pag asawa ko humawak, hindi naman siya umiiyak—parang gusto niyang si Papa niya ang hahawak lagi sa kanya.
Fast forward
Kinabukasan, babalik na siya sa trabaho. Balik lang siya nang balik, parang ayaw niyang umalis. Hinalikan niya kaming lahat—ako at dalawang anak niya—na hindi naman niya ginagawa. First time niya ngayong gawin 'yun.
Sabi niya sa biyenan ko, "Mabigat daw pakiramdam niya." Sabi niya baka pagod lang siya sa biyahe. Binentusan pa siya ng biyenan ko, baka daw high blood siya. Hindi naman—normal naman.
Tapos, umalis siya. 'Di man lang ako tumingin, kasi sa punto ngayun, parang ayaw ko siyang nakikitang umalis. Para kasing aalis siya na hindi na babalik. Sobrang sakit sa pakiramdam, 'di ko maintindihan bakit ganun yung feeling ko.
Fast forward
Umaga na, mga 7 AM, kakarating ng biyenan kong lalaki, umiiyak, sinongkal yung pinto. "Nabaril daw asawa ko."
Na-shock kaming lahat. "Ano? Nabaril?"
Sabi pa ng biyenan kong babae. Ako naman, kinabahan, biglang bumangon tapos umiyak agad. 'Di ko pa alam ano ang totoong nangyari. Pinatali ng biyenan ko ang tiyan ko para 'di ako mahimatay.
Nagsidatingan na ang mga tao. May kausap sa CP. "Ano ba talaga ang nangyari?"
Sabi ko kay Ate Weng. "Wala na si Mak-Mak, Cris."
Sabi niya, "'Di ako makapaniwala."
Sabi ko, "Huh? Ka-chat ko pa siya kagabi. Sabi niya, 'Wag kang magse-cellphone, matulog ng maaga, kumain ng marami para 'di ako pumayat. Tapos, 'wag ko pabayaan mga anak namin." 😭
Tinawagan ko 'yung mga kasama niya doon. Halos kasi mga pinsan at taga sa amin nagtatrabaho doon. Kinonfirm nila—wala na ang asawa ko. Pero, 'di binaril, kundi na-possess siya.
Lima ang tumutulong sa kanya, 'di siya kaya. Nagsisigaw daw siya, boses babae. Ang akala pa ng mga pinsan niya, 'yung mag-jowang boardmate nila ang nag-aaway. Yun pala, asawa ko, sa kwarto niya nanggaling. Kaya dali-dali nilang pinuntahan.
Okay naman daw noong unang atake sa kanya. Pinainom daw siya ng mainit na tubig. Tapos, sinabi niya sa pinsan niyang wala siyang makita—madilim lang daw.
Sagot ng pinsan niya, "Mak, nakadilat ang mata mo."
Sagot niya, "Pero wala akong makita, madilim lang."
Noong nakampante na nga sila, akala nila okay na, iniwan nila ang asawa ko kasi may pasok pa sila. Alas tres ng madaling araw 'yun siya inatake. Maya-maya, nagsisigaw yung kasama nila, kasi sinamahan naman daw ng isa pa nilang ka-boardmate ang asawa ko.
Kaya lang, sa oras na 'yun, kinuha talaga siya ng demonyo. 'Di niya nalabanan. Dinala pa siya sa hospital pero dead on arrival na siya.
Pinilit pa rin nilang ipaglaban siya. Sabi ng doktor, "Wala na daw talaga."
Gulat na gulat na talaga ako. Halos mahimatay na ako. 'Di ko na alam ang gagawin. Saan magsisimula? At paano magsisimula?
Kinuha siya ng biyenan ko sa Davao. Dinala sa Cotabato na hindi pa nabalsamar. Pinatulog muna ng isang gabi sa bahay.
Alam niyo anong nangyari?
Habang nakabantay kami, umulan nang malakas. Kumulog nang kumulog. Madaling araw, alas tres na—parang may galit yung langit. Parang may nag-aaway. 'Di namin maintindihan bakit ganun ang langit—parang pinag-aagawan ang kaluluwa ng asawa ko.
Mabait kasi yun. Wala akong masabi.
Tapos, alas kuwatro na ng umaga, pula ang sinag ng langit—as in pula. Alam niyo yung dugo? Ganyan kapula.
Totoo yan! Parusahan pa ako ni Lord kung nagsisinungaling ako.
Nakita yun ng mga kapitbahay namin. Pag tumama yung sinag sa damit mo—pula talaga.
Hanggang sa nabalsamar ang asawa ko.
Unang araw niya sa kabaong, nagising ako kalagitnaan ng gabi. Pinalitan ko ang diaper ng anak ko.
May malamig na hangin ang yumakap sa akin.
Naisip ko, baka ang asawa ko yun...
