H.E.

511 8 0
                                        

HE
Gusto ko lang mag-share ng experience ko noong elementary ako. At Isa ako sa mga silent reader nyo.
Noong elementary ako mga grade 3 o 4 ata at lunch break na noon, pumunta ako sa HE kung saan nandon ang mama ko, kasi dun sya nagtatrabaho. Kinuha sya ng tita ko na teacher rin doon bilang taga-luto para sa mga batang malnourished.

Nong pumunta ako don, wala sya. Sabi ng tita ko, lumabas daw, may binili lang. Habang naghihintay ako sa kanya sa HE, inutusan ako ng isa kong teacher na kunin ko raw ang tumbler nya sa taas ng HE. Kasi ang HE ng school namin noon may second floor, doon dinadala ang mga bisita. Bawal don tumambay, kasi para lang talaga yun pag may meeting o may bisita.

Ayun na nga nung una, nagdalawang-isip pa ako kung susundin ko ba o hindi, kasi wala talagang tao doon sa taas. Sabi ko pa sa sarili ko, hintayin ko nalang si mama, magpapasama ako sa kanya. Pero na-isip ko rin, baka pagalitan ako pag hindi ko sinunod. Kaya hindi ko na hinintay ang mama ko, umakyat na lang ako ng mag-isa.

Grabe, yung kabog ng dibdib ko Hindi ko ma-explain kung saan nagmula ang takot ko. Habang naglalakad ako, hinahanap ang tumbler ng teacher ko, nagsasabi ako ng "tabi²" kasi subrang kaba ko. Ng makita ko na ang tumbler, dali ko yun, kinuha at naglakad na palabas.

Habang naglalakad ako, may naririnig akong parang kadena na hinihila sa likod ko. Patuloy parin ako sa paglalakad, ang kadena na naririnig ko ay parang sumusunod sa akin. Kaya tumigil ako sa paglalakad, sakto may dumaan na truck kasi ang HE malapit lang sa highway. Tumigil ako sa paglalakad, kasi akala ko sa truck lang yon, at hinintay ko talaga na makalayo na ang truck.

Pero ng makalayo na ang truck, yung tunog ng kadena ay patuloy parin sa pagtunog na parang hinihila ng maramdaman ko na parang sa likod ko talaga ng gagaling yung tunog ng kadena hindi na ako nagdalawang-isip, tumakbo agad ako at tinalon ko nalang ang hagdan
sa subrang takot, kaya ayon, nagka-sugat ako. Pero hindi ko sinumbong kung ano ang nangyari, at tinago ko rin ang sugat na natamo ko.

At pagka-bigay ko sa tumbler ng teacher ko, nagulat sila, bakit daw ang putla-putla ko Pero hindi ko sinabi kung ano ang nangyari. At ng sumunod na araw narinig ko na may nawala na bata dun din sa HE anak ng teacher ko halos lahat nag panic na, at matapos ang ilang oras na pag hahanap nakita ang anak ng teacher ko ng isang batang babae na nasa ilalim ng sofa walang malay at doon na sinabi na mayroon talagang babae sa HE madalas daw yan nag paparamdam sa mga teacher ko. Yun lang, at hanggang ngayon, kinikilabutan parin ako kapag na-iisip ko yun. Hindi na sya nawala sa isip ko, at marami na rin akong nababalitaan na ng nangyari sa mga bata na nag-aral doon. Subrang nakakatok yung iba, kinikilabutan parin ako pag iniisip ang mga yun.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Stories to obsess over. Discover now