Iyak
Hello po grade 10 student po ako at ngayon lang ito nangyari(totoo po ito huhu), tawagin nyo nalang akong Beth. Pang umaga kasi ako sa klase namin sa aming school (hindi ko na po ilalapag ang name ng school) last subject namin is Filipino, yung kaibigan ko nagyaya na mag CR kasi naiihi na nga daw siya, pero umuulan non so kumuha pa ako ng payong. Nagpaalam kami sa teacher ko na mag c-cr lang at babalik agad. Actually malapit lang naman yung comfort room samin konting lakad lang. Nang makarating kami sa comfort room bukas lahat ng pinto ng bawat cubicle maliban sa isa, so sabi ko walang tao at bilisan umihi ng kaibigan ko.
Nang pumasok yung kaibigan ko sa gitnang cubicle may naririnig akong mga hikbi hanggang sa palakas nang palakas. Tinawag ko ang kaibigan ko nang siya'y makalabas sa cubicle, sabi ko "Beh, may umiiyak sa dulong cubicle pakinggan mo" ayaw nya pang maniwala nung una kasi alam nyang kaming dalawa lang ang tao doon hanggang sa hinigit ko sya at itinapat namin yung tenga namin sa pinto ng cubicle. Nagulat siya nang may marinig nga, so sa sobrang pag-aalala namin kinatok ko yung pinto at sinabing "Ate, okay ka lang po?" walang sumagot at iyak lang siya nang iyak. Hindi ako nagdalawang isip na buksan ang pinto at laking gulat at takot namin ng kaibigan ko na walang tao.
Sa sobrang takot kumaripas kami ng takbo ng kaibigan ko at naluluha akong sumigaw na may multo sa cr. Nagulat ang teacher ko na hingal na hingal kami ng kaibigan ko at basang-basa na pumasok sa classroom, at sinabi namin ang nangyari sa cr, yung teacher ko hindi man nya aminin pero halatang natakot rin sya at sinabing magdasal nalang kami.
Nung pauwi na kami pinuntahan kami ng adviser namin at sinabing sinabi daw ng Filipino teacher namin sa faculty ang nangyari, at inulit nya lang rin ang sinabi ng Filipino teacher namin na mag dasal nga daw kami.
Kinewento ko sa mga pinsan at kaibigan ko ang nangyari nung maka-uwi ako hanggang sa nalaman kong may nagpakamatay daw palang babae sa paaralan namin, kaya pala ganon na lang rin ang takot ng Filipino teacher ko that time.
