BATANG ANINO

424 4 0
                                        

"BATANG ANINO"

Hello everyone! Since I'm bored mag shashare na lang ako ng story here, way back 2018 ata yun I'm only grade 4 that time and 8 year old(?)

So ito na ngaa, elementary pa ako non so lagi ako hinahatid at sundo ng lolo ko sa school but everytime naman na wala si Lolo ko is si Lola papalit, back to the story tayo, maaga ako pumapasok kasi ang sched namin sa school is 6AM-12NN e malapit lang naman bahay ko kaya maaga ako pumapasok mga bandang 5AM ganon.

Lagi ako binibilinan ng lolo ko na kapag andoon na ako sa loob ng school wag daw kami masyadong maingay at mag harot kasi yung building namin is katabi non ay puno ng mangga, syempre diba may mga ganong kwento naman sa mga matatanda na kapag ang puno ng mangga is matagal na nakatanim or malapit sa bahay nyo is pinamumugaran din daw ng masasamang elemento ofc, hindi ako naniniwala that time since kwentong pang matanda lang ata yun at walang kasiguraduhan.

Nang ihatid ako ni Lolo sa school is umakyat na ako sa room and buti may mga kaklase na ako pero kunti pa lang siguro 5 or 7 ganon. May mga kakwentuhan ako nang oras na 'yun nang biglang tumakbo si Maria (hindi tunay na pangalan) papasok sa room na hingal na hingal. Tinanong namin sya kung bakit and ang tanging sagot nya lang is "May nakita akong anino ng bata doon sumusunod sakin dito sa 4th floor!" tapos yung iba kong kaklase sabi baka guni-guni and yung iba naniniwala so para makita ngang wala talagang nakita si Maria is pinuntahan namin yung sa hagdan.

Nag pahuli ako sa pag punta syempre kasi wala namang ganon and imposible rin mag karoon ng ganon. Nung naka dungaw na sila saka lang din ako dumungaw and may nakikita ako but hindi masyadong malinaw kasi feel ko anino ko lang or anino ng kaklase ko kaya pinausog ko muna para makita ko, nag tataka pa nga sila non pero umusog naman and tama nga ako at tama si Maria. Batang lalaki sya pero anino, nakatingin sya sakin as in kung saan ako naka pwesto, hindi sya nakatingin sa iba kundi sakin talaga. Nag iingay pa rin mga kaklase ko na "Nasaan? Wala naman sinungaling ka! Pasok na nga tayo!" and doon din sinabi ko rin na "Tara na wala naman maaga lang talaga kaya namamalikmata si Maria" habang nakatingin sa baba ng hagdan. Nung sinabi ko yun sakanila hindi ako natakot or ano man mahinhin lang ako na pinapasok sila kahit nakita ko yung tinutukoy ni Maria.

FAST FORWARD

Tapos na ang school year ng grade 4 pero ako pumasok pa rin syempre masipag ako e HAHAHA so ito na nga, that time puro grade 6 lang makikita ko sa school namin kasi graduation nila and nag prapractice sila pero ako pumasok ako kasi sabi ng teacher namin pwede pa raw pumasok tapos pwede mag suot ng kahit anong damit so ako nag bestida ako ng kabog literal! So ito na ang main story, aakyat na sana kami sa 4th floor nung nakita namin teacher ko sa EPP na tumatakbo na hingal na hingal sa amin so tinanong sya ni lolo.

Lolo:Bakit po ma'am hingal na hingal kayo?

Ma'am Valenzuela:May nakita ba kayong batang lalaki na naka sando at green na short dito?

Me and lolo: *Nag katinginan* Wala naman po, bakit po?

Ma'am Valenzuela: May nakita kasi akong batang umakyat sa taas e.

Ako naman nung narinig ko yun inisip ko lang na normal lang pero hindi kasi nagulat pa ako sa sunod na kinuwento nya.

Ma'am Valenzuela: Pinag tataka ko nga is paano sya naka akyat e sarado yung gate nung dalawang hagdanan doon sa SB BUILDING.

Doon ako nangilabot at sakto dumating yung bantay mismo sa school na yun na si Mang Domeng, tinanong sya ni Ma'am na same question din samin and doon ngumisi si Mang Domeng sabay sabing "Ah ayun yung bata. Matagal nang patay yun kasi itong sb building bago ito maging sb building naging canteen muna ito pero yung tangke nung sa canteen ay sumabog at may bata raw doon na nag tatago sa gilid kasabay non nasunog sya. Ni renovate ito kaya nga andoon na sa kabilang building yung canteen e. "

"Kapag nakita nyo ulit wag nyo na lang pansinin" sabay alis samin na natakot sa kwento nya.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Stories to obsess over. Discover now