ANG BATANG ANINO SA ABANDONADONG SCHOOL

481 2 0
                                        

ANG BATANG ANINO SA ABANDONADONG SCHOOL

hi Itago nyo nalang ako sa pangalang shane

july 15 2023 ito nangyare, yung court na tinatambayan namin is kaharap lang school na abandonado hindi sya nakakatakot kung titignan kase 2020 lang naman ito isinarado sa kadahilanang nagka pandemya nga sa taong ito, hindi uso samin dati ang curfew or mansisita sa mga tambay, kaya umaabot kami ng 11pm to 12am kaya di hamak na nakakatakot na sa ganitong oras. pero kahit ganun wala samin ang takot kase marami naman kaming nakatambay.

malapit doon sa abandonado school doon nakatira ang tropa naming may tindahan, lima kaming magkakasamang bumili at napansin naming anim ang anino namin pero pinag wlang bahala namin kase hindi nga kami naniniwla sa gantong mga mang gagalaw

FAST FORWARD...

pagkatapos namin bumili sa tindahan ng tropa namin nagiging pito ang anino namin at dito kinakabahan na kami pero nagtatawanan lamang at nagkakatakutan. hindi kami ganon kabilis maniwala sa mga ganong elemento pero kinakabahan na kami, alas otso palang ng gabi ito nangyare kaya hindi kami natatakot bagkos ay kinabahan lamang kase parang malabo nga itong mangyare.

FAST FORWARD..

11pm nato habang nakaupo kami at nagmumusic sa tinatambayan namin ay napansin namin na may tumatakbong anino sa pader ng isang room dito sa abandonadong school nagtago kami para kuhaan sana ng video kaso hindi kaya ng quality ng camera namin sapagkat madalim na at isang ilaw lamang ang nakatutok dito. hindi kalayuan ang tinatambayan namin kaya hindi ito malabong makita, sa akala naming pinagtitripan lamang kami ay binato pa namin ang bubong ng isang room para mas mabulahaw namin, gaya nga ng sabi ko hindi kami mabilis matakot kaya naman pinuntahan ko pa at ng dalawa kong kasama, pagpunta namin dito ay isang anino ng batang babae ang papalapit saamin hindi ito mabilis at hindi din ito mabagal, patalon ang takbo nito na aakalain mong nakikipag laro lamang.

nginig at kaba ang dumaloy saamin ng mga kasama ko sapagkat ngayon lang kami natakot ng ganto sa mga nakita namin dali dali kaming tumakbo pabalik sa tinatambayan nmin hindi kami mapakali na para bang windang kami sa mga nangyare,

FAST FORWARD...

at may dumating na dalawang magkasintahan na may dalang bulaklak at cake, biniro namin ito at sinabing "wow mang imbita naman" at sinabi nila na 7th birthday raw ng kanilang anak, nagtataka kami kung bat imbis na galak at tuwa ang nasa muka nila ay lungkot ang nasa presensya ng mga ito sinabi din namin na nakakita kami ng anino doon sa school, don ko palamang nakita ang saya sa kanilang mga muka, at sabay nilang sinabi na yung anak nila ay kinder student at ito ay itinulak sa bldg kung saan namin nakita ang anino.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Stories to obsess over. Discover now